CHAPTER 8

815 49 8
                                    

❦❦❦

"Ano! Hindi ko pa na gagamit ang isang 'yan!" Malakas na sigaw ni Lady Ellis sa kapatid niya at samin na nasa loob ng kaniyang silid.

"Papalitan ko na lang ng mas maganda mahal kong kapatid, pahiramin mo lang kay Lucille para ngayong gabi," sumama ang tingin niya sa'kin at nakaramdam ako ng hiya sa katawan ko, gusto kong awatin ang crown prince ngunit ayaw niya magpapigil sa nais niyang gawin.

"Bakit mo ba naisip na siya ang kapareha mo ngayong gabi? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Gusto mo magalit si ina?" Tanong niya dito at lumapit sa'kin.

"At ikaw, kahit anong isuot sayo mananatili ka na lang isang katulong." Binato niya sa'kin ang damit at tinulak ako na hindi na bago sa mga katulong na kasama namin sa kwarto.

"Ellis, hindi gawain ng isang prinsesa 'yan." Pumamewang siya sa harap ng kapatid niya at nagsimulang magtaray dito.

"Tapos iyan bang ugali mo gawain ba 'yan ng isang prinsipe? Kuya crown prince kana kung siya ang magiging kapareha mo anong katatawanan ang ikakabit nila sayo? Pag-uusapan ka nila at ibababa ang tingin nila sayo, hindi ka na nga nakasama sa digmaan, muchacha pa ang kapareha mo ngayong gabi." Sumeryoso ang mukha ni Argus at tumahimik ang lahat ng tao sa loob ng silid.

"Ayoko pa ikasal sa iba kaya gagawa ako ng usapan na maaaring pumigil dito, isa pa masaya ako na naipanalo ng pinsan natin ang gera kahit wala ako, wala akong pakialam sa mga usapan sa labas ng palasyo." Nakita ko ang galit at inis sa mukha ng prinsesa, nakayukom maigi ang kaniyang palad at masamang nakatitig sa kapatid.

"Nakuha na ni Marshall ang tiwala ng mga mamamayan kuya, tapos sisirain mo pa ang imahe mo dahil nais lang ng muchacha mong sumama sa isang banquet?" Tumingin siya sa'kin ng masama at tinuro ako.

"Hindi kana anak ng Duke kaya masanay kana sa pagiging katulong mo kung saan hindi kana pwedeng dumalo sa mga ganitong kasiyahan. Gumising ka na! Hindi kana si Lady Lucille," agad siyang naglakad palabas ng pintuan ng kaniyang kwarto at na iwan kami doon na walang kaimik imik.

Nilapitan ako ni Argus at tinapik ang balikat ko.

"Wag mo siyang intindihin, minsan talaga matigas ulo nun at hindi marunong gumalang." Umiling ako.

"Tama siya your grace, hindi ako na babagay sa ganoong kasiyahan. Mabuti pa pong mag ayos na tayo ng isusuot niyo." Ngumiti na lang ako sa harap niya at isinabit ang magarbong damit na ibinato sa'kin ni Lady Ellis.

"Mauna na ko your grace," Lumabas ako ng kwarto at pinigil ang pagtakas ng mga luha ko.

Alam ko naman na ang posisyon ko bilang commoner at katulong sa palasyo ngunit masakit pa rin pala marinig at ipagduldulan sayo na hindi kana makakabalik pa sa dating mayroon ka.

Hindi ko naman nais dumalo sa mga ganitong kasiyahan para maramdaman pa din na isa akong mayaman, sa totoo lang ayoko na maging noble kung ganoon lang din naman ang mga taong makakasama ko.

"Lucille, teka lang!" Hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kaniya.

"Pagpasensyahan mo na si Ellis, bilang kuya niya kasalanan ko din naman dahil nais kitang dumalo sa kasiyahan. You see gusto na nila akong ikasal at kada araw may natatanggap akong wedding proposal at gusto ko lang malimitahan iyon, pero sa totoo lang." hinawakan niya ang mga kamay ko na kinagulat ko.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon