CHAPTER 4

1K 67 9
                                    

❦❦❦

Maganda ang panahon, mataas ang sikat ng araw ngunit hindi mo dama ang init dahil sa malamig na simoy ng hangin.

Naglalakad ako papunta sa training ground upang dalhan ang mga royal knights ng kanilang makakain ngayong tanghalian.

Kasama ko si Reyliann upang maghatid nito at bitbit ang isang malaking basket na puno ng pagkain nila.

"Ah— ang crown prince," banggit niya at kaagad ako nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko kaninang umaga.

"Tignan mo Lucille, hindi ba't ang swerte mo dahil pinagsisilbihan mo ang ganito kakisig na binata," napatingin ako sa dereksyon niya at kitang kita ang tuwa sa mga mata niya habang nageensayo kasama ang mga kawal.

Tanging polong puti lang ang damit niya at hindi suot ang magarbong kasuotan ng isang prinsipe, may hawak siyang kahoy na ispada para sa pageensayo at pawisan na nakikipaglaban sa mga kawal.

Ngunit kahit mukha na siyang pagod ay makikita mo pa din ang saya sa mga mata niya, parang mahal na mahal niya kung ano ang ginagawa niya.

"Sayang hindi mo na abutan ang Dark Lord at Crown prince mag ensayo, kung nakita mo lang pano maglaban ang dalawa na iyon ay hahanga ka," Dark lord? Tinutukoy niya ba ang Duke ng Harridan?

"Si Duke Marshall ng Harridan?" Tanong ko at tumango siya.

"Oo, kilala ang batang duke sa magaling nito na paghawak sa ispada at siya ang nakatokang mag ensayo sa mga bagaong kawal ngayon, ngunit alam mo naman na sumabak ito sa digmaan hindi ba?" Tanong niya at tumango ako.

Sino ba ang hindi makakakilala sa Dark lord? Ang bastardong anak ng namayapang Emperor Marvin at kapatid ng namayapa ko ding fiancé na si Tristan. Sa murang edad ng Duke ay nakita na agad ang katalinuhan nito at kakayahan na hawakan ang estate na naiwan ng kaniyang pamilya at ngayon siya ang pinasabak sa gera dahil sa galing nito mag-isip ng plano para sa digmaan.

Siya ang tinaguriang batang tactician ng Goldton Empire, kung tutuusin siya dapat ang magiging emperor kung hindi lang sa mura niyang edad noon at magiging sunod na fiancé ko kung hindi lang bumaliktad ang tadhana saming dalawa.

"Lucille, tara na at mukhang patapos na sila." Nabalik ako sa ulirat at agad na sumunod sa paglalakad kay Reyliann.

"Greeting's your highness," bati naming dalawa at nilatag ang mga pagkain sa malaking mesa.

"Iyon salamat sa pagkain," bati ng mga bagong kawal na maglilingkod sa palasyo.

"Walang ano man," tumango ako at naglakad papunta sa pinto habang iniintay silang matapos sa pagkain.

"Lucille tignan mo, mukhang pinag-uusapan ka nila." Bumulong si Reyliann sa'kin sabay siko ng makita ang mga binata na nakatingin sa dereksyon namin.

"Wag mo na lang silang pansinin baka gutom lang sila," bulong ko at tumawa lang siya.

Napatingin ako sa crown prince na nagpupunas ng kaniyang buhok dahil sa pawis nang magtama ang mga tingin namin na agad ko ding pinutol.

Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam bakit sobra siyang magbigay ng kaba sa sistema ko. Dahil ba ito sa sampal na ginawa ko sa kaniya? Pero bakit parang iba?

Re:ToldWhere stories live. Discover now