CHAPTER 15

547 39 9
                                    

❦❦❦

Ang unang araw ng byahe namin ay papuntang sa sakahan, habang binabaybay namin ang kapatagan ay wala kaming mahanap na matutuluyan kaya naman hindi namin mababa ang mga kagamitan at kasama kami sa lahat ng inspeksyon na gagawin ng prinsepe.

Medyo mahaba ang byahe at nahihilo na ko sa loob ng karwahe kaya binuksan ko ang bintana at sumilip sa labas.

Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ay tumambad na sa'kin ang preskong hangin na nagdudulot ng pagkakatangay ng aking buhok, napanganga ako sa lawak ng lupain at ng mga pananim.

Mistulang ginto ang buong palayan sa tapat ng katanghalian, hindi na kasi ito berde pa, pawang mga hinog na at pwede nang anihin para gawing bigas.

Ito ang pangunahing produkto ng Goldton Empire, dito rin na kuha ang pangalan ng emperyo dahil sa malaginto nitong mga sakahan.

Tuwing Septyembre at Oktobre madalas gawin ang pag aani kaya ngayon buwan mo din masasaksihan ang gigintuang mga palay na ito.

"Mukhang ngayon ka lang nakakita ng sakahan ah," napalingon ako sa crown prince sakay ng kabayo niya, nakasunod siya sa karwahe kasama ng iba pang personal guard niya.

"Hindi po your grace, nakadaan na ako rito noong bata pa ako." Tumango siya at pinagmasdan din ang malawak na sakahan.

"Nakita mo na ba 'to pag palubog na ang araw?" Umiling ako at nag simula na siya mag yabang.

"Kawawa ka naman, hindi ka ba nakakalabas ng manor niyo noon? Nagiging dilaw o hindi kaya kulay kahel 'yan pag palubog na ang araw." Umiling ako.

"Hayaan mo bibilhan kita ng sakahan mo. Nakakaawa ka naman kasi," Pinanlakihan ko siya ng mata, kung hindi lang talaga crown prince ang lalaki na ito na bato ko na siya ng sapatos ko.

"Hahaha bakit ka nakasimangot? May gana ka pang sumimangot samantalang komportable ka na ngang nakaupo d'yan sa loob, samantalang kami dito mukhang kawal mo lang." napatawa ako, dahil totoo naman na imbes ako ang nasa labas ay siya pa ang nakasakay sa kabayo kasama ng iba pang royal knight.

"Bakit hindi muna kayo magpahinga at pumasok sa loob tutal malayo layo pa naman po ang byahe natin." Tumingin siya sa ibang royal knight.

"Magpapahinga muna ako sa loob ng karwahe." Banggit niya at hinila ng coachman ang tali ng kabayo upang huminto ito.

"Ikaw muna ang humawak ng kabayo ko," inabot niya ang tali ng kabayo sa isa niyang personal guard at pumasok sa loob ng karwahe.

Bababa na sana ako ng pigilan niya ko at hilahin ang kamay ko.

"Dito ka na muna, samahan mo ko sa loob." Tumango ako at sinara ang pintuan ng karwahe.

Ibinaba niya ang kurtina ng karwahe na pinagtaka ko, tumingin lang ako sa kaniya ng seryoso.

Wag niya lang maisipan gawan ako dito ng kung ano at sisigaw talaga ako kahit na crown prince pa siya ay bahala na.

"Bakit ganiyan ka makatingin sa'kin? Wag ka mag alala nasisilaw lang ako matapos pumasok sa loob." Banggit niya at tinuro ang basket ng pagkain.

"Kuha mo nga ako ng tubig, masyadong mainit sa labas." Inabot ko ang lalagyan ng tubig at uminum siya doon.

Kumuha naman ang ng bimpo at binasa ito sabay abot sa kaniya.

Re:ToldWhere stories live. Discover now