CHAPTER 24

406 27 14
                                    

❦❦❦

Sumabay kami sa musika at parehong nakatingin sa isa't isa, na para bang walang tao sa paligid namin na huhusga sa estado naming dalawa.

"Bibigyan ko ng malaking pabuya ang dalawa mong kaibigan kasi sobrang ganda mo talaga ngayon." Napatawa ako at tumingin lang sa kaniya ng deretsyo.

"Aba dapat lang magpasalamat ka sa kanilang dalawa dahil sila lang din ang laging sumusuporta sating dalawa." Nakatingala ako sa kaniya habang sumasayaw dahil kahit na magsuot ako ng mataas na takong ay hindi ko pa rin maabot ang katangkaran niya.

"Ganoon ba? Alam ba nila kung ano tayong dalawa? Buti pa sila alam ang nararamdaman mo." Ngumuso siya at parang nagpapaawa sa harap ko, sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ano bang namamagitan saming dalawa.

Siya umamin na sa nararamdaman niya ngunit ako ay nananatiling tikom sa pakiramdam ko.

"Your grace," tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" Tanong niya at kabado akong tumingin sa mga mata niya.

Ito na naman ang puso ko halos mag unahan sa pagtibok at pagwawala sa kaba, para akong lalamunin ng malalim na kulay asul niyang mata. Ang mga titig niyang nakakatunaw at magbibigay lambot sa mga tuhod mo ay talaga namang nakakaakit tignan.

"Lucille?" Tanong niya at nabalik ako sa ulirat.

"May gusto ka bang sabihin?" muli niyang tanong at tinignan ako ng may pangaasar, ito na naman ang lalaking ito kaya ayoko umamin sa kaniya dahil pakiramdam ko buong buhay niya kong aasarin sa pag-amin ko sa kaniya.

"May nais sana akong sabihin ngunit alam kong aasarin mo ko." Bulong ko sa kaniya dahil medyo malapit naman kaming dalawa sa isa't isa.

"Hindi kita magagawang asarin alam mo 'yan! Kailan pa kita inasar." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Araw-araw lang naman your grace," sabi ko at tumawa siya na nagbigay atensyon sa mga katabi naming nagsasayaw din.

"Sssh— wag ka maingay alam mo naman maraming tainga ang nakikinig." Banggit ko at tumango siya.

"Kung ganoon tara doon tayo magsayaw sa beranda." Na gulat ako ng hatakin niya ang kamay ko paalis ng sayawan at dalhin sa beranda ng banquet hall.

"Iyan rinig mo pa rin ang musika ngunit wala nang tao ang nakatingin satin." Sabi niya dahil na haharangan na ng makapal at malaking kurtina ang beranda na ito.

Napatingin naman ako sa langit na puno ng bituin at bilog na bilog na buwan, hinawakan niya ang kamay ko at muli kaming bumalik sa ritmo ng kanta.

"Dali sabihin mo na bago matapos ang sayaw na ito." Banggit niya at nakatitig lang sa mukha ko.

"Pwede ba wag mo kong titigan ng ganiyan," sagot ko sa kaniya at ngumisi lang siya.

"Mapipigilan mo ba ako kung ganito ka kaganda? Alam mo bang kanina ka pa nila tinitignan at hindi nila maitanggi sa sarili nila na 'yung babaeng tinuturing nilang malas ay mas maganda pa sa swerte nila."

Napatawa ako at bahagyang tinapakan ang paa niya na kinagulat niya.

"Aba kung kikiligin ka wag ka na manakit!"

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon