CHAPTER 3

1.1K 72 12
                                    

❦❦❦

Ibinuhol ko ang makapal na kurtina at binuksan ang malaking bintana sa loob ng silid niya.

Nilipad nito ang kulay pilak kong buhok at nasilaw sa pagpasok ng liwanag sa madilim niyang kwarto.

Nakita ko siyang pupungas pungas at nakatingin sa dikersyon ko. Nag unat siya sabay hikab at muling humilata sa kaniyang kama.

Nagulat ako sa inasal niya kaya nilapitan ko siya at inalis ang kumot na nakabalot sa katawan niya.

"Gising na po your grace, kailangan niyo na pong bumangon at may meeting pa kayo ng first division squad mamayang alas otso," gumulong siya sa kabilang bahagi ng kaniyang kama at tinalikuran ako.

Siguro sa mga lumipas na araw ay ito ang pinakamahirap na trabahong kailangan kong gawin.

Ang gisingin ang tulog mantika na crown prince.

"Your grace! Kailangan niyo na pong  bumangon," niyugyog ko siya para magising ngunit matigas pa sa bato ang ulo niya at dumapa sa kaniyang kama.

Dinaig pa nito ang bata kung magmaktol at pahirapan magising sa umaga, kaya siguro wala din siyang katulong dahil sa pag uugali niyang ganito.

Ngunit crown prince na siya ngayon, kailangan niyang maging obligado sa lahat ng panahon, at ito na nga siguro ang dahilan bakit nila ako nilagay sa posisyon na ito.

Posisyon kung saan kailangan kong gabayan at turuan ang crown prince sa mga aspetong kulang ito.

Hindi naman nila ako nilagay sa second rank na maid kung hindi rin dahil sa mataas ang pinag-aralan ko, at dahil ako ang nakatoka sa talatakdaan niya ay kailangan kong sundin ang mga oras na iyon.

Hindi dapat siya mahuli sa lahat ng meetings at practice niya. Madami din siyang dapat asikasuhing mga papeles ngunit tignan mo nga naman ang lalaking ito.

Parang batang kulang sa aruga.

"Your grace!" Hinila ko ang paa niya at parang wala na din ang pagkabinibini ko sa ginagawa ko ngunit kailangan ko talaga siyang mapabangon ngayon umaga kung hindi ay pareho kaming mapapagalitan ng kaniyang ama.

"Ahh, ano ba Lucille gusto ko pang matulog." Banggit nito at pumiglas sa'kin kaya nabitawan ko ang paanan niya.

Gumulong siya sa kabilang bahagi ng kama kung saan ako malayo sa kaniya kaya naman agad ko siyang sinundan ngunit bago ko pa mahawakan ang paanan niya ay mabilis niyang hinila ang braso ko papunta sa kaniya.

Niyakap niya ko ng sobrang higpit, parang ahas kung manlingkis at ito na naman ang pamumula ng mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pag akyat ng hiya sa katawan ko.

"Your grace! Bitawan niyo po ako," tumawa siya habang nakapikit at patuloy lang ang pagyakap sa'kin.

"Hahaha ang bango mo Lucille, amoy sabon panlaba." Nahiya ako dahil sa sinabi niya at patuloy niyang inamoy ang buhok ko.

"Iba ang amoy mo kesa sa kanila, nakakaantok at komportable para lang akong nasa higaan ko." Umirap ako at unti na lang ay masasapak ko na siya.

"Nasa higaan ka pa nga po your grace, at mag a-alas otso na po." nagulat siya ng banggitin ko ang oras at mabilis na napabangon sa higaan saka tumakbo sa loob ng banyo upang maligo.

Re:ToldWhere stories live. Discover now