CHAPTER 11

642 43 12
                                    

❦❦❦

Hindi ko alam kung kukunin ko ba ang kamay niya, nagdadalawang isip na baka panaginip lang ang lahat ng ito, o hindi kaya may karapatan ba kong ituring na ganito?

Katulong ako tapos siya ang crown prince na tinitingala ng buong emperyo, ang susunod na mamumuno sa buong lugar na ito.

Napailing ako at umurong sa paanyaya niya, 'yung nakayuko niyang ulo ay marahan niyang itinaas at tumingin sa'kin.

Hindi ko alam bakit tila 'yung mga mata niya ay parang may nais sabihin sa'kin, pareho kaming nakatingin sa isa't isa at malungkot siyang ngumiti sa'kin.

"Sobra mo ba kong kinaiinisan?" Tanong niya na nagpalungkot sa'kin, kasabay ng mga ngiti niyang parang dismayadong dismayado.

"Hindi your grace, hindi lang ako sanay at isa pa." Napayuko ako.

"Isa lang akong katulong," marahan siyang lumapit sa'kin at hinawakan ang mga kamay ko na kinagulat ko. Tumingin lang siya sa'kin ng seryoso at ngumiti.

"Sa totoo lang nitong mga nakaraang araw ay iniisip ko 'yan, iniisip ko na bakit kita iniisip? Bakit lagi kita hinahanap? Bakit tila ikaw lang ang tumatakbo sa isipan ko," yumuko siya at sinabing.

"Bakit 'yung isang commoner ang tila nagpabago sa ugali kong loko-loko, ah teka alam kong loko-loko pa din ako." Tumawa siya sabay kamot ng batok niya habang ang isang kamay ay hawak pa din ang kamay ko.

"What I mean is 'yung pagiging babaero ko, napapalingon pa din naman ako sa ibang babae kaso ang bunga eh ikukumpara ko lang sila sayo." Napataas ang kilay ko at gulat na gulat sa mga inaamin niya ngayon.

"Yung tipong pag may nakita akong maganda lilingunin ko ngunit maiisip ko na ah, mas maganda pa rin si Lucille d'yan," sabi niya na nagpamula sa mga pisngi ko.

"Minsan kahit sa trabaho ay natutulala ako at iniisip ka, madalas pag wala ako sa palasyo ay nais ko na umuwi para lang gisingin mo sa umaga." Kumakabog ng mabilis ang dibdib ko sa mga salitang binibitawan niya, para niya nang sinasabi ang nararamdaman niya sa'kin.

"Hindi ko na rin kilala ang sarili ko, hindi ko alam ano 'tong na raramdaman ko. May oras pa nga na pinapatignan ko sa mga sayantipiko ang tsaang tinimpla mo. Baka kasi may gayuma kang hinalo doon kaya ako ganito." Tinaasan ko siya ng kilay at nukhang na pansin niya ito kaya agad siyang tumawa.

"Hahaha pasensya na pero bago lang sa'kin ang mga pakiramdam na katulad nito," hindi niya ba alam na pag-amin na ng na raramdaman ang mga sinasabi niya sa'king harapan?

"Ah kaya binilhan kita ng damit dahil gusto talaga kitang makita na ngumiti, hindi katulad nung na sigawan ka ng aking kapatid," napahawak ako sa'king dibdib dahil pakiramdam ko maiiyak ako sa mga sinasabi niya sa'kin ngayon.

"Kaya sana kahit isang sayaw lang," hinigpitan ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at napatingin siya sa'kin.

"Yes your grace," itinaas ko ang dalawang dulo ng aking palda at nagbigay galang sa kaniya.

"Thank you my lady," hinawakan ko ang isang kamay niya at nilagay naman ang isa sa balikat niya, habang siya ay hawak ang isang kamay ko at nagdadalawang isip hawakan ang bewang ko.

Tignan mo nga naman itong lalaki na ito, madami na siyang babaeng na hawakan ng walang damit ngunit kabado siyang hawakan ang bewang ko.

Re:ToldWhere stories live. Discover now