CHAPTER 12

576 41 14
                                    

❦❦❦

"Mukhang na sampal siya ng Empress," rinig kong bulungan ng iba pang katulong na nakakasalubong ko bahang hawak-hawak ko ang aking puladong pisngi at pabalik na sa kusina.

"Dapat lang sa kaniya 'yan, masyado pa rin mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili. Hindi niya na isip na nakasuot siya ng uniporme ng katulong katulad natin," napayuko ako. Kung maaari lang ayoko na muna makarinig ng mga ganitong usapan dahil pakiramdam ko unti na lang ay bibigay na ko sa mga panghuhusga nila.

Binaliwala ko na lang ang mga bulungan nila at namadaling naglakad pabalik ng kusina ng bigla akong nakarinig ng sigawan mula sa training ground at na pansin ang pagbati ng mga squire sa'kin.

Sila 'yung mga bagong pasok bago maging knight at madalas ko pakainin ng tanghalian noong si Argus pa ang nagtuturo sa kanila.

"Lucille!" Sigawan nila at tumawa na lang ako sabay kaway sa harap nila.

"Iintayin namin ang tanghalian mo Lucille!" Ngumiti ako at tumango, mukhang pagod na pagod sila at hindi pa nagpapahinga.

Mula sa malayo ay kinawayan ko sila at naglakad na pabalik ng kusina, mabilis kong inayos ang mga pananghalian nila at inilagay ito sa loob ng basket.

"Damihan niyo ang dala ng tubig, triple sa dinadala niyo noon." Banggit ng kusinero namin.

"Sasama na ako Jomar, para naman may katulong sila magbuhat." Sabi naman ni Reyliann.

"Mabuti pa nga, kawawa ang mga bagong squire ngayon dahil nagbalik na ang dark lord. Triple ang ensayo nila kumpara sa binibigay ng crown prince kaya kailangan ng mga iyan ng tamang nutrisyon." Sabay kaming tumango at kinagulat ko nang abutan niya ko ng basahan na may yelo.

"Ilagay mo sa pisnge mo habang iniintay niyong maluto itong isang putahe ko." Ngumiti siya sa'kin at parang gusto kong umiyak.

Miske sila Julienna at Reyliann ay hindi na tinanong kung saan ko na kuha ang sampal na ito at tahimik na lang akong dinamayan.

"Maraming salamat po," sumasakit ang lalamunan ko dahil sa pagpigil sa mga luha kong dulot ng awa nila sa'kin.

❦❦❦

Inilapag namin ang mga pagkain nila at inayos ang mga ito sa ibabaw ng lamesa.

Bawat isa sa kanila ay halata mong pagod na pagod na mula sa ensayo, ngunit ang dark lord ay parang walang kapawis pawis o bakas ng pagod sa kaniyang mukha.

"Hindi ba kakain ang Duke?" Tanong ko sa mga squire at halos lahat sila ay manigas sa takot at kaba.

"Ah, hindi namin alam." Tumaas naman ang kilay ko sa pagtataka, tila lahat sila ay kabado at ilap sa duke.

"Bakit anong nangyari? Parang lahat kayo ay nakakita ng multo?" Tanong ni Reyliann at pabulong na nagsumbong ang isa sa kanila.

"Halimaw ang Duke, hindi siya na papagod at ubod siya ng istrikto. Magsasalita lang siya pag may mali siyang nakita o pagsasabihin niyang 'isa pa'." Sabay-sabay silang sumangayon sa sinabi ng isang squire.

"Hindi mo siya makikitaan ng ngiti sa mukha at sobrang lakas niya. Akala ko nga kanina mababalian ako ng buto sa pagtuturo niya pano humawak ng espada." Napatingin ako sa dereksyon kung saan nakaupo ang Duke.

Re:ToldWhere stories live. Discover now