CHAPTER 5

1K 65 10
                                    

❦❦❦

Pareho kaming na gulat ni sir Rendle pagtapos tumama ang kamao ng crown prince sa mukha niya, agad itong dumugo at mukhang na basag ang kaniyang ilong.

"Ano—" hindi na siya nakapalag pa matapos siyang tignan ng nanlilisik na mata ng prinsipe.

Mga matang kulay dagat ngunit nagbabaga sa galit.

"Tumayo ka na d'yan Lucille." Banggit nito at pilit kong ginalaw ang katawan ko ngunit pakiramdam ko ay manhid ang buong sistema ko.

Hindi rin ako makapagsalita at parang mas umeepekto ang tama ng gamot sa'kin o kung ano pa man ang pinainum sa'kin ng walang hiya na ito.

"Tsk— panay kasi ang tanggap mo sa kahit anong inaabot sayo," sabi niya at lumapit samin sabay sipa kay sir Rendle at binuhat ako.

"Your grace!" Sigaw ng mga guardia ng prinsepe matapos makita nila ang pangyayari.

"Itapon sa kulungan iyan at intayin ang hatol ng aking ama," utos niya sa mga ito at agad nilang pinosasan ang kamay ni Sir Rendle.

Hindi naman ako makagalaw habang buhat-buhat niya ko ngayon, unti-unting lumalabo ang aking paningin at tuluyan ng kinain ng hilo at kawalan ng lakas.

❦❦❦

Nagising na lang ako sa loob ng kwarto namin nila Julienna at Reyliann na may nakapatong na basang tela sa aking ulunan.

"Hay salamat gising kana din Lucille," bati ni Julienna habang inaayos ang tela sa noo ko, bumangon ako at hinawakan ang ulo kong kumikirot pa rin sa hilo.

"Ayos ka na ba?" Tanong ni Reyliann at tumango ako.

"Ang crown prince?" Nagkatinginan sila at saka kinuwento ang mga sumunod na kaganapan.

Sa ngayon ay hawak nila si sir Rendle at sinasagawa ang imbestigasyon, medyo mahirap kalabanin ang House Ross dahil sa malaki ang papel ng noble family na ito sa emperyo.

Isa pa nasa gera si Marquess Ross at inaalay ang sa labanan para sa emperyo, mahirap kung pagbalik niya rito ay nasa kulungan ang kaniyang anak at isa pa malaking kasiraan sa pamilya nila ang masangkot sa ganitong krimen kaya medyo maingat ang palasyo sa paghatol.

"Kaya mo na ba magtrabaho?" Napatingin ako kay Julienna na nagbibihis na ng kaniyang uniporme.

"Kaya ko na naman," tumango silang dalawa at bumangon na din ako para maligo.

Pagpunta ko sa kusina ay agad nila akong kinamusta at inalam ang mga pangyayari ngunit nanatili akong tikom sa mga kaganapan dahil baka kumalat agad ang balita tungkol sa kasiraan ng house Ross.

Nag umagahan ako at agad na nagtungo sa kwarto ni Argus para gising na siya.

Napapansin ko na wawala ang paggalang ko sa crown prince, kung sa isip ko lang naman ay maaari ko na naman siguro siyang tawaging Argus hindi ba?

Wala naman ibang makakabasa ng isip ko, isa pa minsan hindi naman talaga siya kagalang galang kaya nga na sampal ko siya eh.

"Ah— oo nga," napahawak ako sa aking bibig habang binabaybay ang mahabang pasilyo papunta sa kaniyang silid.

May kasalanan nga pala ako sa kaniya at may utang na loob pa dahil kung hindi niya kami nakita kahapon ay siguradong may nangyari na sa'king masama.

Re:ToldDove le storie prendono vita. Scoprilo ora