Chapter 16: Missing One

Start from the beginning
                                        

No matter how evil the Autotrophs, they are still human.

"Let's go.." Aya ko kay Orville ulit. Nahirapan kaming makalavas sa compound dahil naka-alerto ang lahat ng gwardya.

Nagtago kami sa isang bush sa garden at hindi naman alam kung paano makakaalis.

"Izen, kailangan na nating maka-alis. Alam mo ba ang mga exit sa mansion na 'to?" Tama lamang para ako lang ang makarinig kay Orville.

"Sa daanan ng tubig, ngunit di ka kakasya doon. Sa baba ng mansion ay may tunnel doon. Ngunit mas marami ang bantay na naroon. Sa pader na dinaanan ni Mama pero hindi ko 'yon kayang akyatin. Sa main gate.." Halos hindi ko na maipatuloy ang sasabihin ko.

"Anong meron sa Main Gate?"

Napabuntong hininga ako.

"We can use the main gate but that would risk my identity." Seryoso kong wika.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko ngunit hindi naman siya nagtanong. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nanguna na ako papunta sa Main Gate. There's no Guard on the main gate.

Natagalan kami sa pagpunta doon dahil maraming rumurondang gwardya ngunit nagawa namin silang lampasan.

"Liliko tayo sa gubat, pagkalabas natin. It's too risky to use the main road para makauwi tayo." Wika ko. Tumango na lang si Orville habang linilibot ang paningin sa madilim na paligid.

Ng narating namin ang Main Gate, agad kong napansin ang pigura ng isang nilalang na kilalang-kilala ako.

Malayo pa man ay napapansin ko na ang pagkawag-kawag ng buntot nito.

Hindi ito tumahol o kung ano pa man, kinawag-kawag niya lang ang buntot niya habang nakatingin sa akin at kitang-kita ko ang saya sa kanyang mga mata. Napangiti ako. She knows me well..

Ng makalapit na kami, agad akong lumuhod at yinakap ang mabalahibo nitong katawan.

"Blue.." I whisper on his ear. Dinilaan niya naman ako sa mukha kaya napahalakhak ako ng bahagya. "Miss me much?" Nangingiti kong tanong sa aso kong si Blue. Isa itong aspin o asong pinoy ngunit malaki ang pangangatawan at malakas ang aso kong ito. Kulay abo at itim ang kanyang balahibo at hindi mo talaga masuadong aakalaing aspin ito. I named her blue cause her eyes reflects that color. Hindi naman talaga asul ang mata niya ngunit na sa pagitan ng asul at itim ang mata nito.

"Don't worry, iuuwi rin kita samin. Okay?" I asked my dog. Para itong ngumiti sa akin. Ang cute talaga.

Nakangiti pa ako dahil namiss ko talaga ang kakyutan ng aso ko ng magawi ang tingin ko kay Orville. Napawi agad ang ngiti ko at napa-iwas ng tingin.

Ops.

Napangisi pa sakin si Orville dahil sa ginawa ko.

"Marunong ka naman pala ngumiti eh." Aniya.

Napailing na lang ako at tumayo na. Lumapit sa amin si Orville and before I could warned him, nahawakan niya na si Blue. Nagulat ako dahil hindi man lang siya tinahulan ng aso ko.

"Hi, Blue. I'm Orville." Pakilala nito sa alaga ko at 'yong aso ko naman, parang natuwa pa dahil nagtatalon ito sa harap ni Orville. The hell?

Kung ibang tao, siguradong tumahol na si Blue. Ngunit unang pagkakita niya pa lang kay Orville, di man lang siya tumahol. Was it because I'm with him? So Blue thought he's not an enemy? Uh.. Maybe.

"Landi mo Blue." Wika ko at yinakap siya muli. Tumayo rin ako pagkatapos. Ng balingan ko si Orville, he was amused again. Di ko na lang siya pinansin at lumapit na ako sa gate. I pressed my tumb sa scanner at mabagal na bumukas ang main gate. Ni hindi 'yon nag-ingay.
Sinenyasan ko si Orville na lumabas na. Nagpaalam naman siya kay Blue.

Code: ICE (Code Series #1)Where stories live. Discover now