"Hay naku kang bata ka."

Napangiti ako habang may luha sa mga mata, nagpatuloy ang kwentuhan namin ni tiya hanggang sa dumating na sina Anna kasama si. Nicollo at nakigulo sa usapan namin.

Juaquin's...

Inaamin ko medyo naguilty ako sa ginawa ko kay Selena sa kusina noong araw na iyon, I was rude and a hell of a jerk to do that to her.

Well napikon lang talaga ako sa kanya, pero mali parin ang ginawa ko, so this is my way of saying sorry to her.

Mag-eenjoy siya dito dahil sa ganda ng lugar.

Iniwan ko siya saglit sa Casa para makapag-ayos ng kanyang mga damit. Bumisita ako sa resort at tumingin na din ng ilang reports.

Mula rin kasi nang maaksidente ako at mawala ng ilang buwan hanggang sa maka-alala ako at mag US kami ni kuya ay ngayon lang ako nakabalik rito.

Alam ko naman na hindi pababayaan ni kuya ang resort but i just want to check it and be updated.

"Thank u for taking care of the resort Kiel. Base on the reports nagagampanan mo ng maayos ang ibinigay sayong responsibilidad ni Kuya, so congratulations." papuri ko kay Kiel, ang protegee ni kuya, isang teenager na kargador noon tinulungan ni kuya na ngayon ay isang magaling na manager na.

"Thank you sir Juaquin. Of course hindinko sasayangin ang tiwala na ibinigay nyo sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa inyo lalo na kay sir Juancho." nakangiti nitong sabi.

"And I saw it, maayos mong napapatakbo ang resort at kumikita ito ng maganda, I think you derserve a reward."

"Hindi na po kailangan sir." medyo nahihiya niyang sabi.

"But I insist." nakangiti kong saad.

"Well, thank you very much sir." sa huli ay ngumiti siya at sumang-ayon.

Nag paalam na ako, nagkamay kami saka ko siya tinapik sa balikat bago ako tuluyang umalis sa opisina niya.

Sa paglabas ko ay iba-ibang mukha ng mga tao ang nakita kong nag-eenjoy sa paliligo sa dagat.

Nagpasya akong maglakad-lakad pa, hanggang sa may makasalubong akong mga turista.

"Hi, I am Cassandra." walang pasakalyeng pagpapakilala ng isang foreigner na babae. Morena at mala birhen ang ganda, pero sa mga ngiti at titig ay alam ko na agad ang karakas ng babaeng ito.

"Hi my name is Juaquin." nagpakilala ako para naman hindi masabihang rude, after all bisita sila dito sa resort.

"Nice to meet you Juaquin, this is Georgina my best friend." pagpapakilala din niya sa kasama niya.

"Hi." bati naman ng kasama niya

"Nice to meet you too ladies." nakangiti kong sabi.

"Are you a tourist here like us?" tanong niya.

"Hmm yeah, sort of." pagsisinungaling ko.

"So if you are alone, do you wanna hang out with us? Let's have fun!" pag-anyaya niya.

"I would love to join you ladies but sorry I have sone errands to do." tanggi ko.

"Aww, can't you leave that?" umangkla na sa braso ko si Cassandra, halatang inaakit na niya ako.

Mabuti nalang at biglang dumating si tata Semyong nakaisip tuloy ako ng palusot.

"Apo, narito ka lang pala." saad ni tata Semyong.

"Sumakay ka nalang tang ha, para maka sibat ako dito." pagtatagalog ko para hindi nila ako maintindihan, tumgo naman ang matanda.

"Girls this is my grandfather, He is one of the caretaker of the resort. I am helping him here." saad ko.

Kita ko ang disappointment sa mga mukha nila, women like them. Disgusting!

"Oh, ok so see you around." mabilis na inalis ni Cassandra ang pagkakapulupot sa aking braso at hinila na paalis ang kasama niya.

Napailing nalang ako at natawa, inaasahan nila na isa akong mayamang turista, mga gold digger nga naman.

"Mabuti nalang at wala dito ang girlfriend mo baka nagkagulo kung sakali makita niya iyong eksena kanina." saad ni tay Semyong.

"Maunawain yun tang, tsaka hindi ako magloloko pinangakuan ko iyon." saad ko na iba angbkahulugan sa kanya, dahil iba din ang kahulugan ng sinabi ko.

"Mabuti naman at tapat ka sa kanya, mukha siyang mabait at mapahmahal anak, swerte ka  sa kanya." tinapik pa ni tay Semyong ang balikat ko na ikinangiti ko.

Matagal nang naninilbihan sina tay Semyong sa amin, sanggol palang daw ako ay katiwala na siya sa mga alagang kabayo ni Lolo noon, siya ay binatilyo palang noon at kanyang asawa na si Nay Milagros ay anak ng kasambahay namin.

Kaya naman sa kanila ko din ipinagkatiwala ang pangangalaga at pagtulong dito sa resort at sa Casa

"Ikaw talaga tatang na-alala mo na naman ang kabataan niyo ni Nan Mila." pagbibiro ko.

Nagkatawanan kami dahil doon, kapagkuwan inaya niya akong mag meryenda sa kubo nila na, gusto din daw akong makakwentuhan ni Nay Mila.

"But Selena is alone in Casa, maybe I'll fetch her so she can join us." saad ko dahil naisip kong walang kasama si Selena sa Casa.

"Daskeng bata ito, ininglis pa ako." kunot noong sabi ni tay Semyong at napakamot pa siya sa ulo niya.

Natawa ako sa gesture niya. "Sorry tang, ang sabi ko si Selena sunduin ko muna para makilala nyo siya."

"O sya' sige anak mas mabuti pa nga. Mauuna na ako sa kubo nang maihanda na ng Nay Mila mo ang miryenda natin." masaya niyang sabi.

"Ok tang." nakangiti kong saad.

We part ways, naglakad ako pabalik kung nasaan ang speed boat at siya naman ay nagtungo na sa kanilang kubo.

Mabilis kong minaneho ang speed boat, nang malapit na ako ay natanaw ko si Selena na nakikipaglaro sa alon.

Nakasuot na siya summer floral dress, isa siguro sa pinamili namin kanina, masaya siya sa paglalaro, binagalan ko nang kaunti ang speet boat para hindi niya ako mapansin na paparating at mapagmasdan ko ang kanyang ginagawa.

Napangiti ako, ganito yata talaga siya. Napansin ko mula nang makasama ko siya ay may pagka-inosente siya, kimi at mahiyain ang mga kilos.

At sa gitna ng pagmamasid ko sa kanya ay biglang pumasok sa isip ko kung ano ang magiging hitsura niya kung nakaposas siya habang hinahagupit ko siya. Napailing ako sa aking sarili, fucking boner!

Pinagnanasahan  ko na naman siya, well sino bang hindi, she's a beauty and she have her sexy body.

Siguro nga ay nagustuhan ko siya nang magka amnesia ako. Hindi na nakakagulat ngayon iyon para sa akin, sa ipinakita naman niya sa akin sa ilang linggo na magkasama kami ay tanging kabutihan lang at pag unawa ang ipinakita niya sa akin.

But I still have these doubt for her.

Bakit kaya?

O hindi ko lang talaga kaya magtiwala dahil sa naging karanasan namin sa sarili naming mga kamag-anak.

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko siyang tinatawag ako.

"Juaquin!!" sigaw niya habang kumakaway ang kanyang dalawang kamay sa ere.

Ngumiti ako at itinaas ang isang kamay para malaman niyang nakikita at naririnig ko siya.

Nakita kong medyo natigilan siya, siguradong nagulat siya dahil sa pag ngiti ko sa kanya.

At bago pa siya tuluyang kiligin e binilisan ko na ang takbo ng speed boat para makalapit na ako sa kanya.

Just A Little Bit Of Your LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt