Epilogue

112 8 2
                                    

Reixel's P.O.V.

"Reix, Reix!"

Napalingon ako sa aking likuran. Celestria? Buhay siya! Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Napataas ang isang kilay ko ng kumaway niya sa akin habang nakangiti. Nagpapaalam ba siya?

"Celes, saan ka pupunta!?" sigaw ko sa kanya ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig.

Palayo siya ng palayo sa akin hanggang sa nilamon na siya ng kadiliman.

"Reix, Reix gising," Marahan kong iminulat ang aking mga mata.

Kaagad akong sinalubong ng nakakasilaw na liwanag. Naramdaman ko na madamo ang aking hinihigaan. Patay na ba ako? Nasa langit ako.

"Reix,"

Sa pagkakataong ito ay tinapik niya ang pisnge ko. Nang mapakapag adjust na ako sa liwanag.

"French nasaan tayo?" tanong ko sa kanya habang i-binabangon ang sarili ko.

"Hindi ko alam pagkagising ko nandito na tayo," sagot ni French.

Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nasa tabi ng kalsada na napapagitnaan ng mga nagtataasang punong-kahoy. Teka lang parang may kulang.

"Nasaan si Ally?" muling tanong ko sa kanya. Natigilan siya saglit ng humarap ako sa kanya.

"It's you, player number 11..."

"Siya 'yung eliminate sa ating tatlo," malungkot na sabi nito.

Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit. Sa wakas ay nakalabas na kami sa mala-impyernong lugar na iyon.

Ally, Celestria lahat kayo bibigyan namin ng hustisya ang pagkamatay ninyo. We will miss you all guys. Thank you for all the memories.

Ilang minuto rin na ganito ang posisyon namin ni French. Humarap kami sa right side ng kalsada ng marinig namin ang sirena ng paparating na patrol car. Nabuhayan kami ng loob ni French. Sumigaw kami at kumaway para mapansin nila.

***

Flashback

"It's you player number 11,"

Matapos sabihin iyon ng Master ay natakot ako. Natakot ako para kay Ally. Hindi namin siya makakasamang makalabas sa lugar na ito. Pero kahit na manlaban man kami ay wala parin kaming kawala sa kanya, sa Master. Alam kong masakit ito sa side ni Ally. Siya ang rason kung bakit kami nakarating dito, sa exit room.

Nagpakahirap siya para sa amin. Sila ni Celestria. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay. Nginitian ko siya at sinabing magiging maayos din ang lahat. She smiled back at me. Pero alam kong peke lang iyon. Sino ba naman ang masasayahan kung malapit na siyang mamatay.

Lumapit sa kinaroroonan namin si French at niyakap ng mahigpit si Ally. Simula ng magstart ang laro ay iyak lang ng iyak ang kanyang ginawa pero kahit na natatakot siya ay tinapangan niya para lang makaalis dito. Isinubsob ni French ang kanyang mukha sa balikat ni Ally.

"It's alright. Masaya akong makakaalis kayong dalawa rito," pagpapatahan niya.

"M-mamimiss kita Al," mangiyakngiyak na sabi ni French.

"Mamimiss ko rin kayong dalawa," nginitian niya kami.

Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng luha ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Kung pwede lang sana na kasama namin siyang umalis sa luagr na ito pero hindi pwede, eliminated na siya sa laro.

Animus: Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon