Chapter 28: Tears

66 6 0
                                    

Celestria's P.O.V.

Sometimes we need also to sacrifice ourselves inorder to save others. We have no choice but to continue this freaking game.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng sofa kung saan nakaupo si French. Mukhang wala siyang balak na kumilos. Nasa tabi parin niya ang baril na ibibigat ang kutsilyong kinuha niya kanina ay ibinalik kong muli sa mesa. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa mesa. Pinagmasdan ko ang mga nakalatag dito. Lahat nakakamatay. Dadamputin ko na sana ang espada ng biglang umalingaw-ngaw ang isang putok ng baril.

Napahinto ako sa aking ginagawa. Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw sa aking kinaroroonan. Bumibilis ang pagtibok ng aking puso. Ilang segundo pa ay may bumagsak na sa sahig.

Nagsimula na sila! Napalunok ako ng laway bago lumingon kung saan nanggaling ang putok ng baril. Nakita ko si Reixel na nanginginig sa takot. Nakatingin siya sa nag aagaw buhay na katawan ni Honey. Itinapon niya sa sahig ang hawak na duguang kutsilyo.

Pinigilan kong umiyak sa mga oras na ito. Alam kong mahirap ito para sa amin pero kailangan talaga itong gawin upang makaalis na kami sa mala impyernong lugar na ito.

Hindi ko na itinuloy pa ang pagkuha ng espada sa halip ay naglakad ako pabalik kay French. Naabutan ko siya na nakapako ang tingin sa kinaroroonan ng dalawa. Nabigla yata sa nangyari.

"French," pagtawag ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim. Unti-unti siyang humarap sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang takot at lungkot.

"Ga-gawin mo rin ba ang ginawa nila?" tanong niya sa akin.

Napayuko ako habang pinagmamasda ang kalagayan ko. Nakabuo na ako ng pasya. Sana nama ay tama 'tong gagawin ko. Hinarap ko siya.

"Alam kong hindi mo ito kayang gawin French pero ito lang ang paraan natin para makalabas ka sa lugar na ito," pag-uumpisa ko.

"What do you mean?" tanong niya sa akin. Siguro ay naguguluhan din siya sa mga pinagsasabi ko.

"Don't hesitate to kill me, hindi na rin ako magtatagal pa sa mundong ito. Kanina ko pa gustong magpahinga pero kailangan kong lumaban para sa inyo. Ilang minuto na lang pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan ko. Kaya please...I'm begging you...please kill me," lintanya ko sa kanya. Natigilan siya saglit sa mga sinabi ko.

"Per-"

"Please French gusto ko ng magpahinga. Wala ng oras," this time hindi ko na mapigilan pang umiyak.

Hinayaan kong dumaloy ang aking mga luha kahit na sa huling pagkakataon na lang. Umiyak din siya. Pinilit niya ang kanyang sarili na tumayo. Naglakad siya papunta sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Please tell Kazianna I will miss her. And also you," bulong niya sa akin bago buklmitaw sa pagyakap.

Naglakad siya pabalik sa sofa at dinampot ang baril. Pinagmasdan niya muna ako bago humarap sa akin.

"French pakisabi na lang kay Reixel mamimiss ko siya. Sana makalabas kayo sa lugar na ito," bilin ko sa kanya.

Tumango siya. Pinagmasdan muna niya ang hawak na baril bago itinutok sa akin. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Nginitian ko siya at ipinikit ang aking mga mata.

"I'm sorry Celes,"

Iyan ang huling salita na narinig ko bago ako tuluyang bumagsak sa sahig pagkatapos ng pag-alingawngaw ng putok ng baril. Unti-unting lumabo ang aking paningin. Nawala na rin ang aking pandinig hanggang sa tuluyan na akong kainin ng kadiliman.

Animus: Escaping DeathWhere stories live. Discover now