Chapter 15: Celestria

55 9 7
                                    

Reixel's P.O.V.

4 days ago

"Hey Reix!"

"Theo ikaw pala."

"Pinapapapunta ka nga pala ni Mommy sa bahay."

"Ha? Anong meron?"

"Nakapasa kasi si Kuya sa engineering, so 'yun may pakain sila."

"Eh nahihiya ako."

"Isama mo na rin sina Celestria para hindi ka mabored do'n."

"Sige sabihan ko sila, teka lang nakita mo ba si Nikko?"

"Ah 'yung magaling kong boyfriend? Nando'n kanina sa may ABM department."

"Sige salamat, saglit lang kailan kami pupunta sa inyo?"

"Mamayang 6pm. Sige mauna na ako, see you there."

***

"N-Nikko?"

"Reix? Anong ginagawa mo rito?"

"I-ikaw ang dapat kong tanungin n'yan. S-sino siya? Bakit ka nandito?"

"Let me explain."

"Why did you kissed her?"

"Sorry Reix I'm pregnant."

"Cynthia shut up!"

"Ano ba Nikko tell her the truth, umaasa lang si Reixel sa'yo."

Napabangon ako ng maalala ko ang mga pangyayaring iyon bago ako nakarating sa lugar na ito. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kawalan.

I hate you Nikko. Minahal kita ng totoo pero pinaglaruan mo lang ako. Akala ko sa akin ka lang naging masaya. Akala ko ako lang ang mahal mo, but I was wrong may mahal ka palang iba. Ang masama pa do'n ay nabuntis mo siya. Kaagad kong pinahiran ang tumutulo kong luha. Tinapik-tapik ko ang aking pisnge. Forget about him Reix. Hindi ka niya mahal.

Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Nasa isang maliit na kwarto lang ako. May apat na pinto sa bawat pader. Bale apat lahat ng pinto ang nakikita ko. May speaker tsaka tv na nakasabit sa kisame. Sa center nitong silid ay may maliit na table na may nakapatong na isang box.

Tiningnan ko ang laman nito. Pictures namin to ah. Dinampot ko ang picture ni Honey. Nakasmile siya rito. Noong Arshal High ang kuha niya sa larawang ito. Inilagay ko lahat ng pictures sa mesa. Pictures naming pito 'to. Anong meron? Bakit nandito 'tong mga to? Teka lang, nasaan sila?

Patakbo kong tinungo ang isang pinto. Pinihit ko ang door knob. Naka lock! All doors are lock. Napaupo ako sa isang sulok saka napayakap sa aking sarili. Ano na ang susunod na mangyayari sa amin? Napatingala ako sa may tv ng bigla itong umandar. Nasa isang silid ang ipinapakita sa video.

"Celestria," bulong ko ng makita ang babaeng palakad-lakad sa screen.

Nasaan siya? Bakit hindi niya kasama sina Honey. Anong ginagawa niya? Tumayo ako saka naglakad papalapit sa tv.

"Hi player number 14, welcome to the stage 05 of our game." Narinig kong nagsalita si Master.

Wala namang walkie talkie dito sa room. Ay naalala ko kay speaker pala rito.

"This stage is the elimination round." Pagpapatuloy niya. Elimination round? Anong ibig niyang sabihin?

"There are seven pictures inside the box...choose only one, for her to be eliminated in this game," napintig ang tenga ko sa sinabi niya.

Animus: Escaping DeathWhere stories live. Discover now