Chapter 26: 9th Stage

43 4 3
                                    

Honey's P.O.V.

Lumipas ang ilang oras na aming paglalakad, sa wakas ay makakapagpahinga na rin kami. Karamihan sa amin ay duguan at malubha ang natamong sugat sa katawan. Kaunting tiis na lang at makakaalis na kami sa lugar na ito. Sana nga ay matapos na ito.

Nandito na kami ngayon sa loob ng exit room. Naiiba ito sa mga silid na napasukan namin kanina. Dito, ay parang isang maliit na living room lang ang set up. Sa gitna ng silid ay may mesa na natatakpan ng pulang tela ang ibabaw nito. Sa tingin ko it will be a part of a game again ang kung ano mang bagay ang natatabunan niyan.

Nakaupo ako sa maliit na sofa kasama si Ally. Bale tatlong maliliit na sofa ang nandito ngayon. Mayroon ding speaker at tv na nakakabit sa kisame and also cctv cameras in each corner of the room.

"Malapit na tayong makaalis dito," sabi ni Ally while looking on her injured hand.

"Kailangan lang nating maging matapang para manalo. Kung pwede lang sana na wala ng mamamatay sa atin. Let's do our best," sabi ko naman sa kanya bago bumuntong hininga. Tinaas niya ang kanyang balikat.

"Well hindi natin alam, nakasalalay ang buhay natin sa larong inihanda niya,"

Tama si Ally kahit na gawin pa namin ang lahat kung mahirap ang ipinapagawa niya sa amin ay wala kaming choice. Napatakip ako bigla ng aking tenga ng tumunog ang speaker.

"Well congratulations players. You completed the stage 06 to 08 of the game," bati niya sa amin.

Matapos ang ilang oras ay ngayon lang ulit namin narinig ang boses niya. But still, kahit na nakaspeaker siya ay parang nakakatakot na robot parin ang kanyang boses.

"Iyan na naman ang nakakairitang boses niya," sabi ni Celestria bago iniwas ang tingin sa speaker.

"Dahil mukhang naenjoy niyo naman ang previous stage ng ating laro ay gagawin pa nating mas nakakathrill at nakakaexcite ang stage 09...are you ready players?" may halong panunuksong tanong niya sa amin.

"Tsk ang boring ng laro mo kung alam mo lang," sabi ni Ally sa kanya na ikinagulat namin.

Tumingin ako sa kanya at sinenyasan siyang tumigil baka makatanggap siya ng punishment mamaya. Masakit sa tenga ang sunod-sunod na paghalakhak ng Master.

"Ang tapang mo ngayon player 11 ah." Pagpuri nito kay Ally. "Well 'di na ako magpapaligoy-ligoy pa...welcome to the stage 09 of our game." Pormal na pag-uumpisa niya.

Umayos kami nang upo habang hinihintay kung ano ang susunod naming lalaruin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Ang title ng ating laro ay Pick and Kill, simple lang ang mechanics ng laro players...ang mesang nasa harapan niyo ay may nakahaing iba't ibang uri ng equipments...DEADLY EQUIPMENTS...sa gilid ay may maliit na bote kung saan nakasulat ang pangalan ninyo...kung anong pangalan ang mabunot niyo ay siyang papatayin mo. A simple as that players...remember few steps to go before you can leave in this place. Good luck," matapos niyang ipaliwanag ang mechamics ng laro ay tila tumigil ang pag ikot ng aking mundo.

Paulit-ulit nage-echo sa isipan ko ang 'pick and kill' na 'yon. Magpapatayan kami? This is crazy. Hindi na talaga makatao itong pinapagawa niya sa amin. Baliw na yata ang Master na 'yon. Tumingin ako sa kanila. Malalim ang kanilang iniisip. Hindi rin nila alam kung ano ang kanilang gagawin. Maglalaro ba hindi?

Animus: Escaping DeathWhere stories live. Discover now