Chapter 7: Shortest

89 8 0
                                    

Marsha's P.O.V.

"Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili.

Dahan-dahan akong bumangon saka iginala ang aking paningin dito sa loob. Nandito ako ngayon sa loob ng isang gym pero damo 'yong sahig niya. Mataas ang bubong nito. May malaking orasan na nakasabit sa bubong. Sa ilalim nito ay may timer. Pinagpag ko ang suot kong p.e. uniform ng Arshal. Napansin ko ang name tag na naka-pin sa damit ko.

"Player number 01" 'Yan ang nakalagay rito. Anong nangyayari? Bakit may paganito?

"Hello?!" sigaw ko. Tanging boses ko lang ang aking naririnig.

"Guys gising,"

Napalingon ako sa aking likuran ng makarinig ako ng boses ng isang babae. Her face is familiar to me. Naglakad ako papunta sa kanya. Nakasuot siya ng school uniform pati na rin 'yong apat na iba pa.

"Marsha? Anong ginagawa mo rito?" mukhang nabigla 'ata si French na nandito ako.

"Hindi ko rin alam. Pagising ko nandito na ako," sagot ko.

"Hey guys gising na," niyuyogyog nito ang kanyang mga kasama. Nagising din naman ang mga ito.

"What's this place again?" tanong ng isang babae. Iginala nito ang kanyang paningin sa buong gym. Celestria. That's her name. Nabasa ko sa name tag niya. Tumayo na silang lima habang sinusuri ang paligid.

"Ikaw pala 'yong bagong player?" tanong sa akin ni Reixel? Yes Reixel nga.

"Player? Teka lang ano ba ang nangyayari?" naguguluhan kong tanong.

"Hayst 'di mo nga pala alam kung ano ang nangyari rito," sabi ni Celestria sa akin. Anong ibig nilang sabihin? Nasaan ba ako?

"Guys this is Marsha, classmate ko," pagpapakilala ni French sa akin.

"Hi. Nice meeting you," nakangiting bati sa akin ni Ally. 'Yan 'yong nakalagay sa name tag niya.

"Can you tell me what's going on?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang lima.

"Nasa isang laro tayo Marsh," sabi ni French sa akin.

Tumingin ako sa kanya. Anong nangyari sa tenga niya? Bakit may band aids?

"French anong nangyari sa diyan?" tanong ko saka tinuro ang tenga niya.

"Its nothing,"

Tipid na sagot niya. Napaharap kaming lahat sa may stage ng tumunog na parang sirang radyo.

"That creepy voice again," narinig kong bulong ni Ally.

"Ha?" tanong ko. Hindi ko sila naiintindihan. Napailing na lamang siya.

"Nothing."

"Hello players welcome to the stage 02 of our game." Bati ng nakakatakot na boses sa amin. Sino siya? What game? Teka lang naguguluhan na talaga ako.

"Team A, kindly go to the other side please," Pagpapatuloy nito. Napansin ko ang paglakad nina Ally at Reixel sa kabilang side.

"Hindi ka ba sasama sa kanila?" tanong ni Celestria sa akin. Holy watermelon kinikilabutan ako.

"H-ha?" 'di ko talaga maintindihan.

"Player number 01 go to your team," utos ng boses sa akin. Kaagad naman akong lumapit kina Ally. Paano niya ako nakita? Parang may mali rito eh.

Animus: Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon