Chapter 19: Door 25

50 4 10
                                    

French's P.O.V.

I can't walk well dahil sa mga sugat ko sa aking dalawang paa. Nakaupo kami ni Reixel ngayon sa may sahig habang nakasandal sa malamig na pader.

Nakatuon lang ang aming atensyon sa isang pinto. I don't think na makakaalis pa ako ng buhay rito sa sitwasyon kong 'to. I'm wounded.

"We need to find the others," nagsalita si Reix habang nakatingin sa kawalan.

Tinanguan ko lang siya. Pero, how can we find the others if we are lost inside this maze? Nakakalito ang mga silid na nandito. We don't know kung ano ang laman ng bawat pintong papasukan namin.

Napalingon kami ni Reixel ng biglang gumalaw ang knob ng door 23. Bumilis ang pagtambol ng puso ko. Feeling ko may hindi magandang mangyayari sa amin dito.

"Reix," Pagsabi ko ng pangalan niya.

"There's something out there," Sabi ni Reixel saka inalalayan niya akong tumayo. Nakatingin lang kaming dalawa sa may pinto.

"B-baka sila Clestria na 'yan," Sabi ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya. Ilang segundo pa ay bumukas na ang pinto. Iniluwa nito ang isang lalake na may hawak na isang duguang palakol. Humigpit ang pagkapit ko sa braso ni Reixel.

"Sino 'yan?" mahinang tanong ko sa kanya.

"I don't know." Nanginginig ang boses na sagot nito.

"Kailangan na nating umalis delikado tayo rito," dagdag pa niya. Napahinto sa tapat ng pinto ang lalake saka pinagmasdan kami.

"Reix, do you have any plan?" tanong ko sa kanya. Napalunok ako ng laway sa sobrang kaba.

"Nakikita mo ba ang door 30 na 'yan? Diyan tayo papasok," mahinang sabi nito sa akin.

"Ha eh paano? Just leave me here," sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"No I won't." Matigas na sabi nito. Nagsimulang humakbang ang lalake papalapit sa amin.

"Run!" malakas na sigaw ni Reixel.

Inalalayan niya akong tumakbo papasok ng door 30. Kaagad niya itong nilock ng makapasok na kami. Masyadong mabilis ang pangyayari. Napatitig kami sa may pinto ng ilang minuto. Bigla itong hinampas ng lalake gamit ang kanyang mga palad dahil sa inis.

"Muntikan na tayo 'don ah," hingal na hingal na sabi ko.

"But we still need to keep moving. Kailangan nating makalayo rito," sabi niya.

Napaatras kaming dalawa ng marinig namin na parang sinisibak ang pinto sa may labas.

"He's here. We better move now," kaagad niya akong inalalayan saka nagmadali kaming pumasok sa door 06.

"Anong meron dito?" nag-tatakang tanong ko kay Reixel habang isinasara niya ang pinto.

"Ha? What do you-" natigilan siya sa pagsasalita ng makita na niya ang kabuuan nitong silid. Nagfi-flicker ang ilaw sa silid na ito. Masakit sa mata kung tutuusin.

"I don't know kung anong meron dito pero we need to leave this place," Sabi niya.

"Tama ka Reix. Hindi tayo ligtas dito," pagsang-ayon ko sa kanya.

Iginala ko ang aking paningin sa loob nitong silid. My heart beats fast again. I saw something or should I say someone in the corner of this room. Hindi lang kaming dalawa ni Reixel ang tao rito. Meron pang isa!

***

3 months ago

"Al! Mali-late na tayo sa party," tawag ni Kazianna kay Ally kasabay ng sunod-sunod na pagkatok niya. Nasa dorm siya ngayon kung saan naroroon ang room ni Ally.

Animus: Escaping DeathWhere stories live. Discover now