Chapter 8: Voice

71 13 0
                                    

Marsha's P.O.V.

"Kami na lang ang bahala rito," sabi ni Ally sa akin. Hawak na niya ngayon ang bola.

"Sige, kung kailangan niyo ako just call me,"" sabi ko saka nginitian sila.

Tumango sila sa akin. Naglakad na ako papunta sa may tabi para magpahinga. Mukhang napagod ako sa laro namin. Umupo ako sa may damuhan saka pinanood sila. Naglakad na sila Reixel at Ally sa kanilang pwesto. Ganun din sila French. Pumwesto na ang grupo nila sa gitna. Ang time ng team B is 9 minutes and 50 seconds. Dapat ay mas mababa ang oras na makukuha namin para manalo sa larong ito.

Click!
Tumunog na ang timer. 0:05. Magsisimula na ang laro. Si Ally ang unang babato. Naghihintay si Reixel sa kabilang dulo.

"Go guys kaya niyo 'yan!" sigaw ko.

Atleast kahit moral support lang ay may maitulong ako sa kanila. I look around. What is this place? Tanong ko sa aking sarili. Muling pumasok sa aking isipan kung nasaan ako ngayon, KAMI. Who's that guy on the other end of that walkie talkie. Hindi ko pa rin naiintindihan ang mga sinabi sa akin kanina ni Ally.

"So classmate mo pala si Frech?"

"What if manalo sila?"

"O-okay lang."

"Oh you want to risk your life for her?"

"Ally stop that."

"Sorry Reix."

"Hey ayos ka lang?" tanong sa akin ni French ng makaupo siya sa tabi ko. Hindi ko namalayan ang pagpunta niya rito. Masyado akong nagiisip ng kung anu-ano.

"Yes, ayos lang ako," I answered then I gave a smile at her. Tumingin ako sa timer. 2 minutes palang ay natanggal na kaagad si French. Narinig namin ang pagsalita ng walkie talkie.

"Player number 08 your out,"

Medyo creepy 'yong boses niya. Dinagdagan pa ng tunog ng parang sirang radyo. Sina Celestria at Honey ang natira. Seryosong naglalaro sina Reixel. Sina Celestria naman ay medyo humihingal na dahil sa pagod. 3 minutes and 40 seconds.

"Magaling 'yong teammates mo ah," pagsira ni French ng katahimikan. Nagsmile lang ako sa kanya.

"Marsh?" tawag niya sa akin. Humarap ako sa kanya. Naglalakad si Honey papunta sa amin.

"Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa atin?" tanong niya sa akin. Umiling ako. I want to know French, please tell me.

"Reixel is doing great," sabi ni Honey ng makaupo sa tabi ni French. Napatingin siya sa akin.

"How's the game?" tanong niya.

"Ayos lang," sagot ko.

"Do you enjoy it?" muling tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Naghihintay sila sa sagot ko. Ngumiti si Honey.

"Never mind. Kung ako sa'yo I will try my best to win in every game given by the Master," sabi niya.

Master? So that's the name of that creepy guy. Napatango lang ako. Muli akong humarap kina Reixel. 5 minutes na. Medyo ginagalingan ni Celestria. Ayaw rin niyang matalo sila. Napansin ko na umiika-ika si Reixel tuwing lalakad siya.

"P-pwedeng magtanong?" sabi ko. Nagdadalawang isip ako sa tanong ko. Baka sabihin nila na masyado akong pakialamera.

"Ano 'yon?" si French ang nagsalita. Bumuga ako ng hangin.

"What happen to Reixel? Bakit siya nahihirapan maglakad?" tanong ko. Napansin ko na nagkatinginan sila ni Honey.

"It's because of this game. Nakuha niya 'yan sa stage 01 ng laro," sagot ni Honey.

Animus: Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon