Chapter 21: Reixel, Go!

38 4 31
                                    

Reixel's P.O.V.

Napalunok ako ng laway habang nakatingin sa kabilang bahagi nitong silid.

Tama si French may kasama nga kami sa silid na ito. Pero hindi ko ito masyadong maaninag dahil sa pagpatay sindi ng mga ilaw.

"Reix, who's that?" halos pabulong na tanong ni French sa akin.

"I don't know," Mahinang sagot sa kanya.

Hindi maganda ang pakiramdam ko rito.

"Baka new player 'yan Reix?" muling tanong ni French sa akin.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko. I cleared my throat.

"Sinong nand'yan?"

Pagtatanong ko sa taong kasama namin dito. Hindi ito sumagot. Hindi rin gumagalaw. Baka zombie 'tong kasama namin?!

"Hindi siya sumasagot," sabi ko kay French.

"Anong pangalan mo?" siya naman ang nagtanong.

'Di rin niya sinagot si French. Nagbibingi-bingihan lang ba 'to? o bingi talaga.

Pinagmasdan ko ang taong ito. Sa muling pagpatay sindi ng ilaw ay may kuminang na bagay sa kanyang kamay.

Oh dear may hawak siyang kutsilyo.

Masama ito. Kailangan naming umalis sa silid na ito. We're not safe here. Iginala ko ang aking paningin para makahanap ng pinto na pwede naming pasukan.

"Reix? Nakikinig ka ba?" hindi ko namalayan na marami na palang sinabi sa akin si French.

"Ha...eh sorry may iniisip lang ako." Mahina kong sabi sa kanya. "Nakikita mo ba ang pintong 'yon?" tanong ko sa kanya sabay turo sa door 05.

"Oo bakit?" mapang-usisang tanong ni French.

"Tatakbo tayo ro'n kaya mo ba?" ako naman ang nagtanong sa kanya. Sabay kaming napatingin sa sugat niya sa paa.

"Yeah, I'll try," tipid na sagot niya.

"Okay good," tinapik ko ang balikat niya.

Feeling ko kanina pa kami pinagmamasdan ng taong ito. Grrrr ang creepy niya. Maybe he's waiting for a timing para atakihin kami.

"French ready?" bulong ko.

Tumango lang si French. Huminga ako ng malalim saka tumakbo kami patungong door 05. Naging alisto rin ang lalaki. Nahawakan ko na ang knob at akmang bubuksan na papasok sa loob ng sumigaw si French.

"Reix!"

Malakas na sigaw nito habang binubuhat ng lalakeng may kutsilyo. Napamura ako bago tulungan si French.

Tinadyakan ko ang lalake sa likod ng kanyang tuhod dahilan para mapaluhod siya sa sahig at mabitawan si French. Kaagad ko namang hinila si French palayo sa kanya.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kanya habang inaalalayan siya sa pag tayo.

"Y-yes I'm fine," tipid niyang sagot.

Halata sa nanginginig niyang boses na natatakot siya. Paalis na kami ng mapansin ko na tatayo ulit ang lalake. Iniwan ko muna si French sa gilid at kaagad na lumapit sa lalake bago tinadyakan siya sa mukha. Bumagsak siya sa sahig habang napapamura sa sakit.

Animus: Escaping DeathWhere stories live. Discover now