Chapter 14: Bloody

52 8 10
                                    

Reixel's P.O.V.

Nakailang minuto na rin ako sa loob ng kahon. Pinagpapawisan na rin ako. Medyo nahihirapan na akong huminga. Naramdaman ko ang paggapang ng limang scorpions sa katawan ko. Malalalim na paghinga ang aking ginawa. One wrong move and I will die here. Makamandag ang mga scorpions na ito.

Napapikit ako bigla ng maramdaman ko ang paggapang ng isa sa mga ito sa aking mukha. Kaagad din naman itong pumunta sa aking damit. Sa aking paanan naman ay naramdaman kong nag-aaway ang dalawa sa mga ito. Kaagad ko itong inapakan para mabawasan sila kahit papano. Umuga 'yung box ng sinipa ko ang dalawang scorpions.

"Reix ayos ka lang?" narinig kong tanong nila sa labas.

Hindi ako nakasagot ng huminto ang isa sa mga scorpions sa itaas ng bibig ko. Hinihintay ko na lang ang pagtunog ng timer pero wala pa rin.

"Reix magsalita ka," sabi ulit nila sa akin.

Click!
Narinig kong tumunog na ang timer. 'Di pa rin ako makagalaw baka tusukin ako ng buntot nito. Narinig kong bumukas ang takip ng kahon. Napamura si Celestria ng makita ang kalagayan ko sa loob.

"Kunin niyo 'yung sa bibig niya," sabi ni Honey.

"Huwag baka tusukin siya," pagpigil ni Xhena.

"So ano ang pwede niyang gawin?" tanong naman ni Ally.

"Reix try mong tumagilid but slowly," sabi ni Xhena.

Sinunod ko ang sinabi niya. Dahan dahan akong tumagilid. Naramdaman ko ang unti-unting pagslide ng scorpion sa aking bibig.

"Anong susunod?" kinakabahan kong tanong. Nararamdaman ko na may gumagapang sa hita ko.

"Wait," sabi ni Xhena.

"Bilisan niyo may gumagapang sa hita ko!" sabi ko sa kanila.

"Tumayo ka na lang tsaka umalis d'yan," utos ni Xhena.

"Ha? Okay atras kayo ng kunti," sabi ko sa kanila.

Huminga ako ng malalim. One...Two...Three. Kaagad akong bumangon at lumabas sa may box. Nagsibagsakan ang natirang scorpions sa loob ng kahon. Mahigpit akong hinawakan ni Ally.

"You did it," bati ni Celestria.

"Congratulations player number 14 you completed your dare."

Napalingon kami sa may walkie talkie ng may nagsalita rito. Naglakad na kami pabalik. Nakaupo pa rin dito 'yung Thelyssa. Umupo na kami sa aming pwesto.

"Kindly spin the bottle player number 05," sabi ng boses.

Inabot ni Xhena ang bote at pinaikot ng malakas. Mabilis itong umikot. Hindi namin mahuhuluan kung kanino ito hihinto. Nakatuon lang ang atensiyon namin dito. Bumagal ang pag-ikot nito hanggang sa huminto kay Honey. Tumingin ako sa kanya. Bumuga siya ng hangin. Bumunot na si Thelyssa ng papel.

"Put three glass shread on player number 12's arm," pagbasa nito. Napansin ko ang paglunok ng laway ni Xhena.

"Papayagan mo ba Xhena?" tanong ni Thelyssa. "Kung ako sa'yo hindi ako papayag," pagpapatuloy niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Napansin ko ang pag-irap ni Ally sa kanya.

"Pumapayag ako Honey, no worries," sabi ni Xhena.

Matagal na naming kaklase si Xhena simula noong junior high hanggang ngayon. Kahit hindi kami closr niyan ay mabait siya sa amin.

Click!
4:59. Tumayo na si Honey saka lumapit sa may box.

"Tsk! Nahihibang na talaga kayo. Sinasaktan niyo ang isa't-isa," sabi ni Thelyssa.

Animus: Escaping DeathWhere stories live. Discover now