Chapter 22: Fall

53 7 3
                                    

Ally's P.O.V.

"Okay kunting tiis na lang malapit na tayo," sabi ko kay Zcharlett habang patuloy kami sa paglalakad.

Atleast malapit na rin kaming makaalis sa lugar na ito. Hindi ko alam kung anong oras na. Tumutunog na rin ang aking tiyan dahil sa gutom. I want to eat and rest for a while kung pwede lang sana.

"Room 26 that's it," Sabi ni Zcharlett.

Huminto kami sa tapat ng door 26. Huminga ako ng malalim saka inabot ang malamig na knob. I slowly opened the door. Tumambad sa amin ang kabuuan nitong silid. Napalunok ako ng laway habang pinagmamasdan ito.

This room is full of injections. Approximately 4 inches from the floor ang taas ng tumpok ng mga injections na ito. Maliwanag ang buong silid. Malawak.

Ang tanging daan para makarating sa ibang mga pintuan ay ang mga nakahelerang mga mono block chairs. Mapapasubo kami nito ah. Mula sa kinatatayuan namin sampung mono block chairs ang kailangan naming daanan para makarating sa door 25.

"So let's enter?" nakangising tanong ni Zcharlett but I saw on her na face na natatakot siya.

Well sino ba namang hindi matatakot sa sitwasyon naming ito. Once na mahulog ka sa mga injections na iyan ay natitiyak kong tigok kami. May mga lamang gamot ang ilan sa mga syringe dito. If we want to pass through it kailangan naming magdoble ingat.

"I'm the one who will enter first. Just follow me," humarap ako sa kanya waiting for her answer.

"Okay sure," she answered.

Humarap na ako sa silid na puno ng injections. I step my foot sa unang mono block. Maingat akong tumuntong dito. Sa una ay nanginginig pa ang mga tuhod ko.

Nagsteady muna ako for a minute para makapagbalance. Mahapdi parin ang sugat sa aking talampakan dinagdagan pa ng dugong kumakalat sa aking medyas. Nagsimula na akong humakbang. Next mono block.

"Be careful," bilin niya.

Nang makatuntong ako sa pangatlong mono block ay siyang pag akyat niya sa first mono block. Isang silya ang agwat namin sa isa't-isa. I take a deep breath as I continue to step forward.

Maingat akong naglakad sa mga monoblock chairs na nandito. Sa bawat paghakbang ko papunta aa susunod na silya ay gumagalaw ito na ikinakaba ko. Napalingon ako kay Zcharlett ng biglang tumunog ang silya sa likuran.

"Are you alright?" tanong ko sa kanya.

Huminto ako sa ikapitong mono block chair. Natumba ang upuan sa kanyang likuran while she is crawling on the other one. Muntikan na siyang mahulog buti na lang at nakalipat siya agad.

"Y-yes I'm fine," utal na sagot niya sa akin. Parang ako 'yung kinakabahan para sa kanya.

"Sure?" pagpanigurado ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumayo sa ibabaw ng silya.

"Yes I'm sure. Let's go," Sabi niya sa akin.

Humarap na ako sa gawi ng door 25. Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad. Nauna ako kay Zcharlett ng tatlong silya. Isang hakbang na lang at mararating ko na ang door 25.

Isang malakas na sigaw ang bumalot sa buong silid. Natigilan ako sa aking paghakbang at bumilis ang tibok ng aking puso. Marahan akong lumingon sa likuran habang pinagpapawisan. I saw Zcharlett lying on the floor full of injections. Natumba ang upuan kung saan siya nakatayo kanina.

"Zcharlett!" I shouted.

Nagmadali akong bumalik malapit sa kinaroroonan niya. She's crying on pain, begging for help.

Animus: Escaping DeathWhere stories live. Discover now