Chapter 25: Exit Room

Start from the beginning
                                    

Sa kundisyon naman ngayon ni Celestria ay putol ang isa niyang kamay. Marami ng dugo ang nawala sa kanya dahil sa malala niyang sugat. As soon as possible ay kailangan niyang maisugod sa hospital. Kapag magtagal pa ito ay babagsak na ang katawan niya.

Lumiko kami sa left side ng silid. Huminto kami sa tapat ng door 18. Inabot ko ang malamig nitong knob saka binuksan ang pinto. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Sa tingin niyo makakalabas kaya tayo sa lugar na ito?" tanong ni Reixel sa amin.

"Oo makakalabas tayo rito kahit anong mangyari," sagot ni Celestria.

"Gusto ko ng umuwi sa bahay," sabi ni Ylique.

"French walang iwanan," sabi ni Reixel.

"Sorry naman. Gusto ko lang na mailigtas ka," pagdepensa ni French.

"Tumigil na kayo. Malapit na tayo," saway ko sa dalawa.

Nasa loob na kami ng door 17. Natatanaw ko na ang door 25, ang exit room. Huminto kaming lahat sa tapat nito.

"Eto na ba 'yon Al?" tanong ni Cherry.

"Oo, ito na ng," sagot ko.

"Sana nga ito na 'yon," sabi naman ni French.

"Well let's see kung ito na nga," dagdag ni Celestria.

"Teka lang what if trap lang ito ng Master?" pagpigil ni Ylique sa amin. Napahinto si Celestria.

"Tama ka pero we need to see what's inside," giit ko sa kanila. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga nila.

"Bubuksan ko na," sabi ni Celestria.

***

French's P.O.V.

4 hours ago

"French ready?" bulong sa akin ni Reixel.

Nasa loob kami ngayon ng room 06 and we're planning to enter the room 05. May kasama kaming killer ngayon! Tinanguan ko lang siya. I can't walk well. Masakit ang aking mga paa. Huminga ako ng malalim.

Naramdaman ko ang paghawak ni Reixel sa balikat ko. Ilang segundo pa ay tumakbo na kami. Tiniis ko ang sakit at hapdi ng aking mga paa. Nasa harapan ko si Reixel.

Nabuksan na niya ang pinto. Una siyang pumasok. Akmang papasok na rin ako ng hablutin ako ng lalake. Naramdaman ko ang pagyakap ng isa niyang kamay sa beywang ko.

"Reix!" malakas kong sigaw habang binubuhat ako palayo ng lalake sa door 15. Nararamdamam ko ang malakas na pagtambol ng aking puso.

Katapusan ko na ba? Mamamatay na ba ako? Nabigla ako ng biglang napaluhod ang lalake sa sahig dahilan para mabitawan niya ako. Hinila ako ni Reixel palayo sa lalake.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.

Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan akong tumayo.

"Y-yes I'm fine," kinakabahan kong sagot.

Napalunok ako ng laway. Aalis na sana kami ng mapansin ko ang pagtayo ng lalake. Isinandal ako ni Reixel sa gilid. Lumapit siya sa lalake at malakas itong tinadyakan.

"That's for you bitch," narinig kong sabi ni Reixel.

Bigla siyang hinawakan ng lalake sa paa kaya nadapa siya sa sahig. Ginapos niya si Reixel, natatakot ko ang pagtaas niya ng kutsilyo sa ere. Hindi, papatayin niya si Reixel.

"Huwag!" sigaw ko at walang pag-aalinlangang tumakbo para itulak ang lalake.

Nabitawan nito ang kutsilyo kaya tumilapon ito sa sahig. Nakatihaya siya. Sinakyan ko siya sa kanyang dibdib at pinagsusuntok.

"Reix umalis ka na rito bilis!" sigaw ko. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na umiyak. Tumayo siya.

"Hindi kita iiwan dito!" giit niya.

Lumapit siya sa akin at pinatay ako. Inalalayan niya akong makalakad patungong room 05. Nang dahil sa akin ay nahihirapan lang si Reixel na makatakas. Mapapahamak lang siya kapag kasama niya ako. Lumunok ako ng laway.

"Iwan mo na ako rito Reix, magiging pabigat lang ako sa'yo," sabi ko sa kanya.

Pero tila hindi niya ako narinig. Binuksan na niya ang sumiradong pintuan. Una siyang pumasok sa loob. Sana mapapatawad mo ako sa aking gagawin. Malakas ko siya tinulak papasok sa loob.

"Reix I'm sorry save yourself first," sabi ko sa kanya bago isinara ang pinto.

I-nilock ko ito para hindi na siya makapasok pa. Narinig ko ang pagsigaw niya sa loob. Napahagulgol ako ng iyak. My eyes get blurry too. Napansin ko ang pagtakbo ng lalake sa kinaroroonan ko. Kaagad ko siyang inilagaan. Nauntog siya sa upuan. Minadali kong pinulot ang kanyang tumilapon na kutsilyo.

Kahit na nagfiflicker ang ilaw ay sinikap kong hanapin ito. Bago pa man niya ako muling atakihin ay naunahan ko na siya.

Nang makalapit ako sa kanya ay malakas kong itinarak sa kanyang leeg ang kutsilyo. Paulit-ulit ko itong ginawa. Nagsitalsikan sa sahig, sa pader, sa pinto at sa aking uniporme ang kanyang dugo. Nabaharin din ang aking mga kamay.

"Mamatay ka!" sigaw ko habang umiiyak.

•••

Animus: Escaping DeathWhere stories live. Discover now