Chapter 30

3.8K 79 1
                                    

FIARRA’S POV

“Artheni!” sigaw ko, pagkapasok ko sa madilim, puno ng kalat, at mabahong apartment.




“Artheni! Ilabas mo ang anak ko!” sigaw ko pa, habang patuloy na naglalakad papasok.




May biglang lumitaw na isang nakakulay itim at maskarang lalaki at may hawak na baril sa harapan ko. Kaagad kong sinipa ang kamay niyang may hawak na baril, para maagaw ito.




Itinutok ko sa kanya ang naagaw kong baril. “Nasaan ang demonyitang boss mo?” tanong ko.




Bakas sa suot niyang maskara ang pag ngisi niya, “Ikaw ba si Fiarra, ang ina ng bata?” tanong nito sa akin.




“Hindi pa ba obvious? Ituro mo kung nasaan ang boss mo at anak ko, kung ayaw mong malagutan ng hininga ngayon mismo.” utos ko.




Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Nagsimula siyang maglakad. Nangunguna siya at na sa bandang likuran ako habang hawak ang baril na kasalukuyang nakatutok sa kanya.




May nadaanan kaming mga sirang kagamitan. Mukhang hindi lang ito isang abandonadong apartment, kun’di isa ring tapunan at tambakan ng mga basura.



Kawawa na ang mga binti at hita ko sa kakakagat ng mga lamok at iba pang insekto. Hindi na ako magtataka kung magka dengue ako pagkalabas ko dito.




Sinalubong kami ng ibang mga tauhan ni Artheni. Kasunod nila ang isang gurang—si Senator Velli Beriame, ang partner ni Artheni na umattend sa celebration party. Mukhang may nahanap na namang kakampi si Artheni. Paniguradong ibinenta na naman niya ang katawan niya sa matandang gurang na senator.




“It’s really nice to see you again, Miss Fiarra,” saad ng gurang, na bahagya pang yumukod sa akin.


Itinulak ko ang tauhang sumalubong sa akin kanina. Itinutok ko ang hawak kong baril kay Senator gurang, dahilan para tutukan din ako ng mga tauhan niya ng baril.



“Where is my daughter?” tanong ko sa kanya. I don't care kung maraming baril ang nakatutok sa akin.




“Relax Miss Fiarra, na sa mabuting kamay ang anak mo.” nakangising sagot niya.




Pinutok ko ang baril na hawak ko sa kanang tuhod niya. Napahiyaw siya sa sakit. Sinenyasan niya ang mga tauhan niyang ayos lang siya, nang pumurma ang mga itong babarilin ako.




“Tell me where's my daughter or I'll kill you!” muling utos ko kay gurang. Malapit ng maubos ang pasensiya ko sa pangit na matandang na sa harap ko.




Pinilit niyang tumayo kahit bakas sa mukha niya ang sakit.  “Ikaw, papatayin ako? Bakit kaya mo?” nanghahamong tanong niya sa akin.




Tumawa ako, iyong mapang asar na tawa. “Huwag mo akong hamunin senator. Hindi ako takot pumatay ng demonyo.” nakangising sagot ko sa kanya.




“Napaka init ng ulo mo Miss Fiarra,” saad niya.




Dinutdot ko sa kulubot niyang noo ang hawak kong baril. “Sobra, kaya kung gusto mo pang mabuhay, ituro at sabihin mo na kung na saan ang anak ko. Tuldok na lang ang natitira kong pasensiya senator, wag mo ng sagarin at ubusin pa.” banta ko.




Itinuro niya ang pinto na na sa likuran niya. Sinenyasan niya akong pumasok. Alam ko ang takbo ng utak ng mantandang gurang na ito. Hinila ko ang kwelyo niya at pinaunang maglakad, bago muling itinutok ang hawak kong baril sa ulo niya. Wala akong paki alam kung masakit ang tuhod niyang binaril ko.




“Honey! She's here!” sigaw ni gurang pagkapasok namin sa isang kwarto.




Kaagad hinanap ng mga mata ko si Demho. Kahit anino niya ay hindi ko makita. Katulad ng mga dinaanan ko kanina, medyo madilim din sa kwartong ito.




Mula sa madilim na side ng kwarto, lumabas ang nakangising demonyong si Artheni. May hawak itong baril sa kanang kamay at may naka ipit na sigarilyo sa kaliwang kamay.



Itinulak ko sa gilid si gurang, na halos mangudngod sa sahig.




“Nasaan si Demho?” tanong ko kay Artheni.




Tumawa siya. “Bakit sa akin mo tinatanong, ako ba ang nanay niya?” pilosopong sagot niya sa akin.




Humigpit ang hawak ko sa baril. Tiningnan ko si Artheni ng masama. “Ilabas mo ang anak ko!” sigaw ko sa kanya.




Tumawa siya bago itinapon sa sahig ang upos ng sigarilyo. Pumitik siya sa hangin, dahilan para may muling lumabas mula sa madilim na side ng kwarto na isang lalaking naka-fully black suit din at may kargang bata na duguan at walang malay.




Si Demho!




Tangka kong lalapitan ang anak ko, nang tutukan ako ng baril ni Artheni, “Not so fast, Fiarra,” saad nito.




Itinutok ko rin sa kanya ang hawak kong baril. Mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko, dahil bahagyang nanlaki ang mga mata niya.




“Ano ang ginawa ninyo sa anak ko?” tanong ko sa kanya.




Umakto siyang nag iisip. “Tulad mo ay masyado ring mayabang at malakas ang anak mo. No choice kami kaya pinagtulungan siya ng mga tauhan ko.” nakangiting sagot niya.




Mas lalong nandilim ang paningin ko at naging blanko ang isipan ko. Gamit ang kaliwang kamay ko, hinablot ko ang kanang kamay ni Artheni para agawin ang hawak nitong baril. Hinila ko siya palapit sa akin para sikmuraan gamit ang kanang tuhod ko. Hindi pa ako nakuntento, dahil isinampal ko sa puno ng kanang tainga niya ang dulo ng baril na hawak ng kanang kamay ko, dahilan para padapang bumagsak si Artheni sa sahig at mawalan ng malay.




Tiningnan ko isa-isa ang mga tauhan ni Artheni. Lahat sila ay napaatras kahit na pare-parehong armado. Tiningnan ko si Senator Velli “Gurang” Beriame, tulala itong nakatingin sa walang malay na si Artheni.




Gamit ang baril na hawak ng aking kanang kamay, itinutok ko ito sa lalaking may karga sa walang malay na anak ko. Ang baril na hawak ng aking kaliwang kamay ay itinutok ko naman kay gurang.




Binigyan ko ng mapanganib na tingin ang lalaking may hawak sa anak ko. “Put. Her. Down.” utos ko.




Ibinaba ng lalaki ang walang malay na si Demho, sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla itong bumunot ng baril at itinutok sa anak ko.





Nagulat ako ng biglang may pumutok na baril, kasunod ang pagbagsak ng katawan ng lalaking nagtutok ng baril sa anak ko. Hanggang sa maging sunod-sunod ang naging putukan at pagbagsak ng ibang tauhan ni Artheni.




“Ang tagal ng 30 minutes, nakakapagod maghintay,” saad ng isang pamilyar na baritong boses ng lalaki sa bandang likuran ko.




Nilingon ko ito, si Demhon. Umiigtig ang panga nito, habang nakatingin sa walang malay na si Demho.





Mula sa madilim na bahagi, lumabas din ang ibang mga kaibigan ni Demhon na sina Jakell, Jake, Khlyde, at Khryte. Wait, Khryte? Anong ginagawa ng mokong na ito rito?




“NBI agent ako, kaya ‘wag ka ng magtaka,” saad ni Khryte, na para bang nabasa ang na sa isipan ko.



Nilapitan nito ang tulalang si Senator gurang, at pinosasan gayundin ang wala pa ring malay na si Artheni.




“Fiarra, si Demho!” Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Jakell.



Tiningnan ko ang anak ko na kasalukuyang kalong-kalong ni Demhon. Nanginginig ito, tumitirik ang mata at namumutla...

We Meet Again, My Runaway Bride [EDITING]Where stories live. Discover now