Chapter 22

3K 77 1
                                    

FIARRA’S POV

“You’re so pretty my princess,” Nakangiting saad ni daddy pagkababa ko ng hagdanan.

Inalalayan niya ako, “Are you ready?” tanong pa niya.

Nginitian ko na lamang siya at hindi sumagot.

Ngayon na gaganapin ang Celebration party. Ngayon na ang oras, araw at panahon para makilala nila si mysterious billionaire woman.

Nakita kong naglakad palapit sa pwesto namin si mommy na buhat-buhat ang cute na cute na si Demho. Kasunod niya sila Risia at Jiya na suot ang kanilang simple gorgeous formal gown na gawa sa FCS dressing company.

Kinuha ko sa bitbit kong color black purse ang cellphone ko para tawagan ang isang taong kailangan ko ngayong gabi.

Lumayo ako ng kaunti kila daddy before I dialed his phone number.

“Hello?” sagot ng isang baritong boses mula sa kabilang linya.

“Hi, is this Khryte Arvhelina?” tanong ko.

“Yes, this is Khryte Arvhelina. Who's this?”

Hindi ko pinansin ang tanong niya. “Where are you?” I ask again.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang Linya. “I’m going to answer your question if you're going to answer my question first. Who are you?”

Natawa ako sa sinabi niya “hindi mo ako nakikilala? This is Fiarra.”

Matagal na katahimikan ang bumalot sa kabilang linya. Tiningnan ko kung disconnected na ba ang tawag,  hindi pa naman.

“F-fiarra?”

“Yes that's me Khryte. Now tell me where the hell are you?”

“Woah! I can't believe it! I-im on my way papunta sa party.” Utal na sagot niya.

“Saang party?” muling tanong ko.

Narinig ko ang busina ng mga sasakyan mula sa kabilang linya. “Star restaurants celebration party, why?” sagot niya.

Napangiti ako. Mukhang umaayon talaga sa akin ang pagkakataon. “Dumiretso ka dito sa bahay nila mommy.” Utos ko.

“Bakit anong gagawin ko diyan?”

Napapikit ako. “basta pumunta ka na lang.”

Natawa siya, “okay fine my majesty papunta na po ako.”

“Okay bye, see you.”

“Bye my majesty, see you too,” huling saad niya bago ko pinatay ang tawag.

Bumalik ako sa pwesto nila daddy. Pare-pareho silang nagk-kwentuhan at nagtatawanan habang nakikipag kulitan kay Demho.

“Hindi pa ba tayo aalis anak?” tanong sa akin ni mommy habang nilalagyan ng bimpo ang likod ni Demho dahil pawisan na ito—mukhang mainit ang suot nitong Cinderella gown.

“May hihintayin lang po tayo saglit,” Nakangiting saad ko.

Nagsalubong ang mga kilay nila, “Who?” tanong ni daddy na guwapong-guwapo sa suot na korean tuxedo.

“Si ano po... Si-------”

“Hey everyone!”

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko dahil sa biglang pagdating ni-----

“Khryte?!” sabay at parehong gulat na saad nila mommy at daddy.

Nakita ko namang nag-aangat ng tingin ang dalawang babaeng tahimik kanina, sina Risia at Jiya. Pati si Demho ay napatitig kay Khryte.

Lumapit si Khryte kina mommy at daddy para yumakap at magmano.

“Hey mom! Hey dad! Long time no see!” saad nito.

Napalitan ng tuwa ang kaninang gulat na mukha ni daddy.

“What are you doing here? Bihis na bihis ka, pupunta ka rin sa party?” tanong ni daddy kay Khryte.

Tiningnan ako ni Khryte, saglit pa itong natigilan—mukhang namangha sa kagandahan ko hahaha!

“Tinawagan po ako ni Fiarra at pinapunta dito. I don't know why. Pupunta din po ba kayo sa party?”

Tinanguan siya ni daddy bago ito bumaling sa akin at binigyan ng nagtatanong na tingin.

Natawa ako, “Siya ang magiging bodyguard namin ni Demho sa party.” sagot ko.

Natawa si Khryte, “Iyon lang naman pala eh!” Natigilan ito gayun din sila mommy at daddy. “T-tma ba ang narinig ko?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

Tumango ako.

“W-what?!” sabay-sabay nilang tanong.

We Meet Again, My Runaway Bride [EDITING]Where stories live. Discover now