Chapter 27

3.2K 80 1
                                    

FIARRA’S POV

“Kahit kailan hindi ka mananalo sa akin, Fiarra!” sigaw niya, pitong metro ang layo niya sa akin, habang mahigpit ang hawak sa baril na nakatutok sa akin.




Maganda siya. Akala ko mabuting tao siya, pero ang totoo ay  napakasama niya. Halos lahat ng masasamang ugali ay taglay na niya.




Nanginginig ang mga kamay niyang may hawak na baril. Unti-unti siyang naglakad palapit sa akin.




Gusto kong humakbang paatras ngunit, bakit ganito? Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? Para akong nakatali. Nakatali? Oo tama, patayo akong nakatali sa isang poste gamit ang mga kadenang nakatali palibot sa buong katawan ko.




Malapit na siya, unting hakbang na lang ay malapit na siya sa kinatatayuan ko. Nakikita ko na ang mala demonyong ngisi na naglalaro sa mga labi niya.



“Paki usap, itigil mo na ito.” Pagmamaka awa ko sa kanya.




Nababalot ng takot at pangamba ang puso’t isipan ko. Takot na bigla niyang iputok ang baril, at pangamba sa kaligtasan ko at ng batang na sa sinapupunan ko.




Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung paano ako napadpad sa abandonadong lugar na ito, kung nasaan ako ngayon.




Ang tanging naalala ko, ay nakasakay ako sa bridal car kasama ang driver at ni Artheni, papunta sa simbahan kung saan kami dapat ikakasal ni Demhon.




Si Demhon! Panigurado nag aalala na siya para sa akin! Gaano na ba ako katagal sa abandonadong lugar na ito? Hanggang ngayon suot ko pa rin ang wedding gown ko, gayundin si Artheni na suot pa rin ang pang abay na damit.




“Sa tingin mo, papayag akong maging masaya kayo ni Demhon?” Nanggigigil na tanong niya, sabay tutok at diin ng baril sa sentido ko.




Napapikit ako sa sakit, dahil sa ginawa niya. Diyos ko, help me... Someone please, have mercy, help me... Demhon, nasaan ka na ba?




Huminga ako ng malalim. Iminulat ko ang aking mga mata, at tiningnan siya sa mismong mga mata.




Ano ba ang kailangan at gusto mo, Artheni?” tanong ko sa kanya.




Inalis niya ang baril na nakatutok sa akin. Bahagya siyang umatras bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa.




“Simple lang naman ang gusto ko.” Tiningnan niya ako sa mga mata, bago nagpakawala ng isang mala demonyong ngiti. “At ‘yon ang mawala ka,” aniya.




I bit my lower lip. I need to think fast...




“Do you want to kill me?” seryosong tanong ko sa kanya.




We Meet Again, My Runaway Bride [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon