Not so Lie #50: Beginning

Start from the beginning
                                    

Hindi ako buntis. Maysakit lang pala ako. Nagkaroon ako ng trangkaso for ilang days at yun lang yun. Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa that there is no baby pero siguro matutuwa na lang ako cause I realize na masasaktan ng husto ang magulang ko - lalo na si mama. Pero minsan hindi ko din mapigilan maisip na paano kung dalawang linya ang lumabas sa aparatong yun? Ano kayo ang magiging itsura nung bata na pinaghalong mukha namin?

But of course, those are just wishful thinking.

"Nakapag move on ka na ba, besh?" marahang tanong sakin sakin ni Annie na sandali kong nakalimutan na nandyan. Nabitin yung akma kong pagsubo at tinignan siya.

They say the best way to move on is to let go. As if it is the easy part. As if trying to dim or erase those memories is something you can do in one day. Well for me hindi ko alam kung gaano katagal o kailan but then eventually it will come ng hindi pinipilit.

And it's stupid to think na kailangan kong mag move on when he's never been mine. That part hurts but it's true. Magmo move on ka kahit hindi naman naging kayo.

I faked a smile and slightly shook my head "It would be hypocrite of me kung sasabihin kong hindi but then time heals wound"

But I guess it's not that accurate. Time doesn't necessarily heal all wounds. Sometimes, it just makes the wounds worse. Minsan din naisip ko na okay na ako. There are nights na wala akong ginagawa kung di umiyak nang umiyak until paggising ko may mga luha pa din. That all I am thinking is 'bakit hindi pwedeng ako na lang?'

Ginawa ko yun ng halos isang buwan and one day just stopped. I thought I am okay now pero kapag naiisip ko na ilang oras na lang mula ngayon they'll tie the knot, a flash of blinding pain will struck me again. Na parang literal na hinahati ang puso ko.

Annie touched my hand "Tama ka. After all, soulmates always end up together. No matter what route you two take, in the end magsasalubong pa din kayo if that's meant to happen"

Hindi na lang ako nagsalita. Maybe she's right. After all there's thing called 'fate'

My day went on Facebook ing. Medyo nagulat pa nga ako na nabuksan ko pa dahil ang tagal kong hindi nakapag update. Wala akong ginawa kung di magpasalamat sa mga bumati sakin na nagpost sa wall ko.

Malo lowbat na yung laptop so pinindot ko muna yung home para tumingin sandali sa news feed ko. Naagaw nung sikat na media page yung attention ko dahil sa breaking news na pinost nila. Wedding picture ni Elise at Derick yung thumbnail nung article na may caption sa baba:

Famous model and part time actress, Elise Fontillejo calls off the marriage

"Erica, anak bumaba ka dali!" narinig kong sigaw ni mama. I dont need to be called twice. Hinayaan ko na lang muna yung laptop ko at nagmadaling bumaba.

"Hindi natuloy yung kasal!" gulat at the same time tarantang sabi ni mama. Naglakad na ako papunta sa sala at umupo sa harapan ng TV.

"It may not seem so real but people it is really happening. Elise Fontillejo called off the marriage" sabi nung reporter na nagbabalita sa tapat nung simbahan kung saan kinakasal yung dalawa.

The scene shifted at pinapakita na yung exchange of vows. I held my breath upon seeing Derick dahil napakagwapo niya. The priest asked him if he'll take Elise as his wife at walang pasubali siyang sumagot ng 'oo' not what I expected.

Nung si Elise na ang tinanong hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya sa pari and seems about to cry. Kahit si Derick nagtaka dahil nakakunot ang kilay na tinignan siya nito. Hindi narinig kung ano yung sinabi ni Elise but based on the shape of his mouth she said 'sorry'. With that, tumalikod siya at nagtatakbo palabas. Maririnig sa background ang pagtataka ng mga bisita. Pinakita yung reaksyon nung daddy niya pero parang wala lang. Kung meron man sobrang gulantang eh si Mrs. Lusterio.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now