" eh kasi naman.. di ba ngayon ang cultural niyo saka kasali ka sa pageant di ba ? Bakit di ka nakaayos ?"

O______O

wala ako matandaan na may sinabi ako tungkol sa pageant at sa cultural ?

" paano mo nalaman yan ? "

" ah eh wala naman.. tara na kailangan mo pa mag ayos di ba, pina ayos ko na din mga damit mu dun sa maingay mu na katulong beth ata name nun "

Hinila niya ko palabas ng office ko at dinala sa may front gate ng mansyon kung saan nakaparada ang isang red jaguar na sasakyan ..

" san ba tayo pupunta ?"

" basta .. sumama ka na lang "

Sumakay kami sa sasakyan niya at syempre wala ako ideya kung saan kami pupunta .. bakit lagi na lang ako hinihila ng mga tao?

Pakatapos ng napakahabang byahe, nakarating din kami sa isang salon.

Salon ??

" anu ginagawa natin dito?"

" kakain ? Kailangan mo na mag ayos stress ka na eh saka bestfriend kita di ba .."

Pumasok na kami sa loob, actually maganda yung loob ng salon maayos ang mga facility inililibot ko pa lang ang akung mata sa loob ng salon pero hinila na ulit ako ni lantis at pinaupo sa isang swivel chair na nakaharap sa salamin .. napansin ko na namumutla ako at sobrang plain ng ayos ko, mukha akong babae kung titingnan .. i need a man look para sa pageant.

Nakita ko na palapit na si lantis kasama yung isang babae.

" this is dalia my personal stylist, siya na bahala sayo "

Ngumiti lang ako dun sa dalia tapos hindi ko na siya pinansin kasi mukhang alam naman niya gagawin niya kaya pinabayaan ko na lang.

Sinimulan niya na ang pag aayos sakin.

Ayos dito ..

Ayos doon ..

Bwahaha ..

Pagkatapos ng ilang oras, tapos na siya pag aayos sakin tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at syempre expected ko na gwapo ako at may color na ang buhok ko i think it's blond nagmukha talaga ako lalaki.

Ready na ko sa cultural.

Hinanap ko na si lantis pero di ko siya makita, lumapit saking yung dalia at may inabot na isang maliit na papel

Umuwi ka na lang mag-isa mahal gasolina eh - lantis

O_____o

Iniwan niya ko paano ako uuwi nito ?

Lumapit ulit yung dalia at inabot ung cellphone niya sakin..

" para saan to ?"

" tawagan niyo na lang daw po yung nasa speed dial, binigay lang din kasi sakin ni sir lantis yan"

Umalis na yung babae kaya naiwan ako sa isang tabi at iniisip kung sino ang tatawagan ko..

Pinindot ko na lang yung speed dial.

Riing riing ..

Riiing riiing

( hello )

O____o

( sino to?)

Pamilyar sakin yung boses niya ..

( hello ..sino to ?)

" ah eh kasi..christian "

(wifey ? Ikaw ba yan )

" oo ako to .. kasi ganito .. kasi ano .. kasi papasundo sana ako sayo "

( sige wifey ikaw pa love na love kaya kita, basta pag sinundo kita may kapalit ?)

Susunduin na nga lang ako kailangan may kapalit pa eh ..

"basta sunduin mo na lang ako .."

( pumayag ka muna pls ..)

May magagawa pa ba ko sa lalaking to ?

Bakit ko ba naging boyfriend to ?

" oo na, sunduin mo na lang ako kung ayaw mo na ma- late ako sa pageant "

" sige .. i love you wifey "

Sinabi ko na yung address kung saan niya ko susunduin buti na lang at alam niya yung salon na yun pero nagtataka ako kung paano nakuha ni lantis ang number ni christian .. magkakilala ba sila ?

Umupo na lang ako sa isang tabi at inintay si christian .. anu kaya sasabihin nun sa itsura ko ?


Halos isang oras ko siya inintay bago pa siya dumating, hindi pa siya nakakababa ng kotse niya tawa na siya ng tawa ..

Lumapit siya sakin at niyakap niya ko ng mahigpit pero tawa pa din siya ng tawa.

NAKakainis na hah.

" bakit ka ba tawa ng tawa ?"

" HA.HA.HA eh kasi naman wifey para kang mais sa buhok mo .. pero gwapong mais naman .. HA.HA.HA "


" MAIS ???"

tumalikod ako at iniwan siya kaya nauna na ko sumakay ng kotse niya, nung nakasakay na ko tawa pa rin siya ng tawa kaya pagkatapos niya sa kakatawa sumakay na din siya hindi ko naman siya pinapansin .. mais pala hah

" wifey .. joke lang yun "

Tiningnan ko siya ng masama nagtagumpay naman ako na makuha siya sa isang tingin, tahimik lang ako habang nasa biyahe kami pero alam ko na tinitingnan niya ko..

Manigas ka dyan .. mais pala

Bakit ba kita naging boyfriend parang gusto ko tuloy maging single HA.HA.HA

Mais pala hah .. bakit ba kasi ito yung kinulay sa buhok ko ?

Humanda ka talaga sakin lantis ..

A/n: matatagalan po ako sa pag aupdate sa story ko may pasok na ako ulit wala ako free day eh monday to sunday may pasok ako kaya stay put lang kayo.

Just follow and vote.

I love you all.

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Where stories live. Discover now