PROLOGUE

3.4K 65 8
                                    

PROLOGUE

Matapos ang success ng blog ko na The Other Side of a Serial Killer, which is purely fictional, marami sa mga readers ko ang pumipilit na gumawa naman ako ng isang makatotohanang blog about killers and such. Nung una, tila hindi ko kayang gawin ang bagay na yun, nagawa ko lang naman ang unang blog dahil sa mga napapanuod ko and I had nothing to do with killers in real life.

Pero nang pumukaw sa akin ang isang kakaibang balita mula sa dyaryo, nag-iba ang aking pananaw.

"Six tortured body found inside the dormitory", hindi araw-araw makakabasa ka ng ganitong kwento sa isang dyaryo. Napakabrutal ng ginawa pagpatay sa anim na inosenteng tao, tila walang puso.

Kakaiba ang ganitong balita kaya naman bakit hindi ko ito pagbasehan ng bago kong blog?- Ito agad ang pumasok sa aking isipan. Nakakatakot at nakakapanindig balahibo ang balita. Parang hindi makatotohanan. Hindi kapani-paniwala na may nag-eexist na ganoong tao.

Delikado ang pumasok sa ganitong krimen pero dahil kinakareer ko na ang pagiging periyodista sa isang online blogging, bakit hindi?

Nagkataon na isang buwan ang leave ko sa trabaho kaya may oras ako para alamin at seryosohin ang bagay na to. Ayun sa nabasa ko, hindi pa nakikilala ang totoong killer. Lalo tuloy nananabik ang aking isipan sa kung ano at saan magtatapos ang gagawin kong blog.

DAILY SUNRISE NEWSPAPER

Issue No. XLIV-B

Petsa: 25 November 2012

Manunulat: LJ Hernandez, KC Gordo, and JD Williams

BRGY. SAN SEBASTIAN-Ang Headquarters ng San Sebastian Police District ay nabulabog dahil sa isang report na dinulog ni Gng. Anabel Gomez, ang nagmamay-ari ng Gomez Laundry Shop, tungkol sa natagpuan niyang bangkay sa loob ng TresMaria's Dormitory. Ayun sa kanyang kwento, maghahatid sana siya ng nalabhang mga damit ng isa sa mga nangungupahan sa loob ng dormitory nang matagpuan niya ang duguang katawan ng isang lalaki sa entrada ng naturang dormitoryo at nakahiwalay ang ulo. Katawan ito ni Alfredo Luguinda, ang nag-iisang caretaker sa loob ng TresMaria's. Naghalungkat pa lalo ang mga pulis sa loob. Natagpuan pa nila ang limang bangkay, apat sa mga ito ay mga nangungupahan; si Emily Asero, isang 4th year student sa San Sebastian High School na natagpuang nakalutang ang katawan sa luma at maduming swimming pool ng dormitoryo, si Alec Chiu na nakabigti gamit ang napakanipis na wire at dahil dito'y mapuputol na ang ulo, at si Katleen Johnsons na wasak naman ang ulo dahil sa nahulugan ng mabigat na bagay, kapwa nursing graduate silang dalawa, at si Miranda Suarez, na isa namang architect, ay nakawakwak ang tyan at nakalabas ang bituka doon sa kanyang kwarto, at ang huling bangkay na natagpuan ng mga pulis ay ang katawan ng nagmamay-ari ng TresMaria's Dormitory na si Gng. Helen Alvarez, na pinagbabali-bali ang buong katawan bago sinaksakan ng malaking itak sa dibdib. Silang anim lang ang nakatira sa loob ng dormitory kasama si Jero Valdez, ang tanging nakasurvive pero ngayon ay nasa ospital at nasa kritikal na kondisyon. Ayun kay PO1 Danny Montero, ang killer sa likod ng nasabing massacre ay isang napakagaling at matalinong killer dahil walang naiwang bakas o ebidensiya na magtuturo sa kanila kung saan at sino ang killer. Wala rin silang witness maliban kay Valdez na hindi naman ngayon makapagbigay ng testimonya dahil sa kalagayan. Natatanging palaisipan ang karumaldumal na nangyari sa TresMaria's Dormitory at ang lahat ng taga-San Sebastian ay pinag-iingat na dahil sa presensiya ng isang nakakatakot na killer sa lugar na ito.

KILLER.COMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon