CHAPTER IV

1.8K 36 1
                                        

CHAPTER IV

Madilim na nang makarating ang pamilya ni Ian sa bago nilang lilipatang bahay.

“TresMaria’s Dormitory… Isa pala itong dormitory…” ang sabi ni Nina nang mabasa niya ang nasa taas ng bahay.

“Ito ang dating hanapbuhay ni Tita Helen bago siya namatay sabi ni papa. Ngayon wala na siya, dito na tayo titira para hindi na tayo mahirapan pang magbayad ng renta doon sa dati nating tinitirhan sa Don Enrique.” Ang sabi naman ni Mico habang inaayos ang suot na salamin.

“Nina! Mico! Tama na nga yang pag-uusap niyo, tulungan niyo na ang mama niyo sa pagbubuhat ng mga gamit.” Ang biglang utos ni Ian sa mga anak. Labing-siyam na taong gulang si Nina samantalang labing-anim naman si Mico. Silang dalawa lang ang anak ng mag-asawang Ian at Bella.

Binuksan na ni Ian ang gate nang biglang may sumulpot na matandang babae sa gilid nila.

“AAAHHHH!!!!!” nagulat si Nina sa nakita niya. Totoong nakakatakot ang matanda lalo na’t bigla na lamang itong sumulpot mula sa dilim.

“Nina… sshhh…” ang suway ni Bella sa anak. Gulat na gulat pa rin si Nina at hinihingal.

“Magandang gabi po, nay… Nakatira po ba kayo malapit dito…? Ngayon po kasing gabi ang lipat namin sa bahay na ito. Sa tingin ko po eh, magiging magkakapitbahay tayo…” ang approach naman ni Ian sa nakakatakot na matanda.

“Bakit kayo lilipat sa dormitoryo na yan? Hindi niyo ba alam ang nangyari?! May sumpa ang bahay na yan! May sumpa!”

Pare-pareho silang natakot sa sinabi ng matanda. Walang nakapagsalita. Walang umimik. Lahat sila ay nakatingin lang sa matanda habang ito ay unti-unting umalis sa lugar na yun.

Nang mawala na ang matanda ay binali ni Ian ang katahimikan, “Okay! Let’s get inside na at mukhang malalim na ang gabi…”

“Guys…? Mico! Nina! Tara na…!” ang mahinang sabi ni Bella sa mga anak na nakatingin pa rin sa direksyong dinaanan ng matanda.

----------

Maliit lang ang bahay kumpara sa isang totoong dormitory. Dati talaga itong bahay ng mga magulang nina Ian at Helen. Dito sila lumaking dalawa. Nang mag-asawa si Ian ay humiwalay na rin siya sa pamilya niya at nagsimulang bumuo ng sariling pamilya. Naiwan si Helen na nag-alaga sa mga magulang nila hanggang sa pumanaw ang mga ito at si Helen na lamang ang naiwan sa bahay. Tumandang mag-isa si Helen at dahil na rin sa kalakihan ang bahay para sa isa ay ginawaan niya ito ng mas marami pang kwarto at ginawang dormitoryo.

May dalawang palapag ang bahay. May dalawang kwarto sa baba kasama ang malaking sala at kusina at dalawang banyo na parehong naka-cubicle, isa para sa babae at ang isa ay para naman sa mga lalaki. Ang isang kwarto ay nakakonekta sa tila maliit na counter. Malamang ay ito ang kwarto ni Helen at ang katabing kwarto ay maliit lamang. Dito naman natutulog ang caretaker ng naturang dormitory. Sa taas ay may limang kwarto. Dito naman siguro ang mga boarders ni Helen tumutuloy.

Pumasok na ang mag-asawang Ian at Bella sa kwarto ni Helen. Ito ata ang pinakamalaking kwarto sa lahat kaya ito ang kanilang pinili. Nakatambak lang ang mga karton at mga maleta sa sala habang sila ay naghahanda nang magpahinga. Naligo si Ian sa sariling banyo ni Helen sa loob ng kwarto habang pinagmamasdan ni Bella ang mga larawan ng kapatid ng kanyang asawa. Mas matanda ng isang taon si Helen kay Ian. Sa mga naka-display na pictures, isa dito ang self-portrait ni Helen. Maganda siya at maamo ang mukha. Isa naman sa mga larawan ay ang magkasama sila ni Ian nung maliliit pa sila. Meron din ang larawan ni Helen nung kabataan niya.

Habang pinagmamasdan ito ni Bella isa-isa. Napansin niya ang repleksiyon ng isang babae sa isa sa mga nakadisplay na larawan. Nakatapat lang sa pintuan ng kwarto ang mga pictures at dahil na rin sa liwanag ng ilaw ay nagrereflect ang kung sino man ang nasa pintuan. Kitang-kita ni Bella ang babaeng nakatingin sa kanya mula sa pintuan. Nandoon siya sa pintuan, galit na galit kung tumitig at nakakatakot. Namukhaan ito ni Bella… Si Helen!

KILLER.COMWhere stories live. Discover now