CHAPTER I

2.7K 54 5
                                        

CHAPTER I

1 week ago…

“Hindi kaya over reacting ka lang friend sa nangyari? Napaka-rude naman ata ng ginawa mo kay Jaira kanina sa cafeteria… Everybody’s talking about her. Napahiya talaga si Jaira.”

“She deserves a treat like that, Aria. Jaira is trying to steal my boyfriend. She’s a bitch! Kaya naman dapat lang siyang mapahiya for hooking up my boyfriend.”

Sa isang video chatting magkausap ang magkaibigang Bianca at Aria habang nandoon sila sa kani-kanilang mga kwarto. It was past 10 na ng gabi at hindi pa rin sila natutulog dahil sa pinag-uusapan nila tungkol sa nangyari kanina sa cafeteria.

**flashback**

Mabilis na lumapit si Bianca kay Jaira as soon as nakita niya itong kumakain sa cafeteria. Tumayo si Jaira nang makalapit si Bianca. Nagtataka siya kung bakit ganun na lang kung makatitig sa kanya si Bianca. Galit na galit.

“B-Bianca… Ma-May problema ba?”

Hindi sumagot si Bianca ngunit sinampal niya ito sa mukha. Ikinagulat ito ng marami sa loob ng cafeteria.

“You’re a bitch, Jaira! Akala ko pa naman friends tayo…”

“Ano bang ibig mong sabihin? Wala naman akong ginagawa ah.”

“Wala? Eh anong ginagawa niyo ni Daniel sa loob ng chemistry lab?” Napayuko si Jaira sa katanungang iyun, “…hindi mo man lang ba naisip na boyfriend ko ang nilalandi mo?”

Napaluha si Jaira “Hindi ko naman intensyon…”

“Stop it, Jaira! Wag kang umiyak na parang ikaw ang inagawan.” Umalis si Bianca habang naiwan si Jaira na pinag-uusapan ng marami sa loob ng cafeteriang iyun.

**end of flashback**

“Hindi lang talaga ako makapaniwala. Of all the people, si Jaira pa. Eh siya na ata ang pinakamabait na tao na nakilala ko.” Ang sabi ni Aria kay Bianca.

“Hindi natin alam kung anong tumatakbo sa ulo ng bitch na yun, Aria. Malay mo matagal na pala siyang may gusto kay Daniel. Matagal na siyang may galit sa akin… or maybe matagal niya na akong gustong patayin dahil sa inggit.”

Biglang namatay ang ilaw sa loob ng kwartong iyun.

Ilang saglit na katahimikan at nagmasid si Bianca sa paligid niya. Tila nakaramdam siya ng takot nung mga oras na yun.

“That is creepy, Bianca…” ang sabi ni Aria na pumutol sa katahimikan na bumabalot sa kwarto ni Bianca.

“And just great!” ang inis na sabi ni Bianca. Madilim ang buong paligid maliban sa liwanag na binibigay ng nakabukas na laptop. Nanatili pa ring naka-connect si Bianca sa video chat nila ni Aria kaya nakakausap niya pa rin ito.

“Anong nangyari sa house niyo, Bianca? Wala naman atang black-out.”

“I don’t know.” Ang bulong ni Bianca na tila ba sarcastic na response, “…wait a sec, kukuha lang ako ng flashlight.” At tumayo siya mula doon sa kama.

“Uhmmm… Ikaw lang ba mag-isa diyan?” ang tanong ni Aria habang ang nakikita niya sa screen ng kanyang laptop ay ang madilim na corner ng kwarto ni Bianca.

Hindi sumagot si Bianca. Naghintay na lamang si Aria hanggang sa makarinig na lamang siya ng sigaw mula sa kaibigan, “AAaah!”

Kinalibutan si Aria sa sigaw na yun, “Bianca? Bianca??? Are you still there? Anong sigaw yun? Bakit ka sumigaw?”

KILLER.COMWhere stories live. Discover now