CHAPTER V

1.5K 39 9
                                        

CHAPTER V

“Ian… Gusto kong pag-usapan natin to.” Ang sabi ni Bella nang pareho na silang nakahiga sa kama.

“Wala tayong pag-uusapan, Bella.” At tumalikod na si Ian sa asawa, “…matulog ka na. Magpahinga na tayo. Ayokong mahuli sa unang araw ko sa trabaho bukas.”

----------

Maaga pa lang ay umalis na si Ian para sa trabaho niya. Ginising na ni Bella ang mga anak niya. Napansin niyang natulog si Nina sa kwarto ni Mico, marahil sa hindi pa rin nawala ang takot kay Nina kaya ayaw niyang mapag-isa sa kanyang kwarto.

Mabilis lang silang naligo pareho. At bumaba na para makakain ng agahan bago pumasok sa eskwelahan.

“Nakausap mo na ba si papa?” ang tanong ni Nina habang kumakain silang tatlo sa hapagkainan.

“Ginagawa na ng papa niyo ang lahat para makaalis tayo sa bahay na ito.”

“Talaga lang ha…”

“Nina! Wag mo nga akong kausapin ng ganyan! Umayos ka.”

“Ma...? A-ano po ba talaga ang nangyari sa bahay na ito? Ang totoong nangyari? Bakit may nagmumulto?” ang seryoso namang tanong ni Mico.

Katahimikan ang sumunod sa tanong ni Mico. Nagdadalawang-isip si Bella kung sasabihin niya ba ang totoo sa mga anak.

“Ma?!” ang sigaw ni Nina.

“Okay… sige… Sasabihin ko ang totoo. Isang massacre ang nangyari dito sa bahay na ito, na dating dormitoryo. Isa-isang pinatay ang mga nangungupahan dito, kasama ang tita Helen niyo.”

“My God…” ang reaksyon ni Nina.

Katahimikan muli ang nangibabaw. Katahimikan na may halong takot at kaba. Nabasag lamang ito nang muling magsalita si Bella, “Okay! Magligpit na kayong dalawa at baka mahuli pa kayo sa klase niyo…”

---------

Muling napag-isa si Bella sa loob ng bahay nang makaalis sina Nina at Mico. Tinapos niyang ligpitin ang mga gamit nila. Sa kalagitnaan ng paglilinis niya, bigla na lamang umandar ang lumang cassette malapit sa kanya at tumugtog ng isang klasikong tugtugin. Nakaramdam siya ng takot.

Nagtataka siya kung paano tumugtog ang cassette dahil alam niyang mag-isa lamang siya sa bahay na yun. Nilapitan niya ito at pinindot ang stop button. Huminto ang kanta.

Bumalik si Bella sa kanyang ginagawa. Nagwalis siya ng mga kalat na nagawa dahil sa paglilinis nang muli ay tumugtog ang cassette. Nakakatakot pakinggan ang klasikong tumutugtog. Lumapit muli si Bella sa cassette at sa pagkakataong ito, binunot na niya ang saksakan ng cassette.

Bumalik muli si Bella sa kanyang ginagawa. Kinuha niya ang isang karton ng basurahan at lumabas ng bahay para itapon ito. Malapit na lamang siya sa gate nang muling tumugtog ang lumang cassette. Lumingon si Bella mula sa bintana. Sa pagkakataong ito, nakita niyang may isang babae na sumasayaw sa harap ng cassette! Lumingon ito kay Bella. Nakita niya ang maputla at nakangiting mukha ng babae, ang mukha ni Helen!

Nabitawan ni Bella ang hawak na karton at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Wala na si Helen. Pero ang cassette ay patuloy sa pagtugtog. Nakita ni Bella na hindi naman ito nakasaksak. Tinapik-tapik ni Bella ang cassette hanggang sa huminto ang tugtog at binuhat ito. Binuhat niya ito at dinala sa labas at isinama sa karton. Itinapon niya ang cassette kasama ng mga basura.

----------

Bumaba si Bella sa basement ng bahay kung saan nakita niya ang iba pang mga kagamitan ni Helen. Nakakatakot sa baba, dala na rin siguro ng kadiliman at katahimikan na bumabalot dito.

KILLER.COMWhere stories live. Discover now