CHAPTER VIII
“…AAAAHHHHHHHH!!!!!!!!”
Sigaw na lamang ang nagawa ni Lindsey nang may nakita siyang nakatayong lalaki sa bandang bintana. Pigura lang ang nakikita niya dahil sa liwanag na nagmumula sa labas. Napaatras siya at tiningnan ang hawak na cellphone. Wala na ang linya ni Nina. Tumingin na lamang siya muli sa bintana ngunit wala na doon ang nakita niyang lalaki.
Lumuluha na si Lindsey dahil sa takot. Gamit ang hawak na phone ay inilawan niya ang paligid. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang iniikot niya ang buong paligid.
Sumagi sa ilaw ng phone ang pigura ng lalaki at nang muli niya itong binalik ay nasa harapan na niya ang lalaki! SI ALEC! NASA HARAPAN NA NIYA SI ALEC! Tumambad sa harapan niya ang nakakatakot na itsura ni Alec, maputla ang buong mukha habang ang mga mata nama’y napakapula at malalalim. Nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang balikat at kitang-kita ang nakawakwak na leeg ni Alec.
“…AAAAHHHHHHHH!!!!!!!!”
Nabitawan ni Lindsey ang hawak na phone at mabilis na tumakbo. Ngunit hinawakan ni Alec ang kamay niya at niyakap siya sa bewang. “Huhuhuhu…” ramdam na ramdam ni Lindsey ang paggapang ng ilong ni Alec sa kanyang leeg na tila inaamoy siya.
“Mahal na mahal kita, Katleen…” ang sabi ni Alec sa malamig nitong boses habang patuloy sa ginagawa niya kay Lindsey. Diring-diri naman ang dalaga sa ginagawa sa kanya ng multo. “Huhuhu… Tama na…” pero kahit anong pilit niya na makawala ay hindi niya magawa dahil napakalakas ni Alec, “…hindi ako si Katleen…”
“AAAAAHHHHHH!!!!!!!!”
Biglang may sumunggab kay Alec mula sa likuran niya. Si Mico. Na ngayon ay pilit na kumakapit kay Alec para makawala si Lindsey.
“AAAAAAAARRRRRRRHHHHHH!!!!!!!” Nagalit naman si Alec nang makaalis sa mga kamay niya si Lindsey sabay tulak niya palayo kay Mico, “Ugh!” ang nasabi na lamang ni Mico nang tumama siya sa pader.
“Mico!” ang pag-alala ni Lindsey ngunit hindi niya makita si Mico dahil sa dilim. Ang huli niya lang nakita ay ang nakakatakot na mukha ni Alec na unti-unting nagfa-fade sa dilim.
“Haaah! Haaah! Haaaah! Mico?! Mico?! Mico?”
“AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!”
Rinig na rinig ni Lindsey ang matinding pagsigaw ni Mico mula sa dilim kaya naman grabe ang pag-aalala niya.
“Mico, nasaan ka? AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!”
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may parang mga kamay ang humila sa mga paa ni Lindsey at sa sobrang lakas nito ay tumilapon siya sa labas ng kwarto pagkatapos ay sumara ng malakas ang pintuan. #BOGSH!
“Mico!!!! Hindi! Mico!” ang mangiyak ngiyak na sigaw ni Lindsey habang patuloy siya sa pagkatok sa pintuan ng kwarto ni Mico.
Isa-isang bumukas ang ilaw sa hallway na nagmumula sa hagdanan hanggang umabot ito sa balkonahe ng bahay. Umikot ang tingin ni Lindsey at habang nanginginig siya’y inobserbahan niya ang kanyang paligid. Nakakatakot. Napakatahimik. Wala na ang kanyang mga kaibigan at kaklase na kanina’y nag-iingay sa baba.
“Haaaah~…. *sniff”
#TOK! TOK! TOK!
“Mico? M-Mico…?” kahit na anong klase pang pag-ikot ng doorknob ang gawin niya ay hindi mabuksan ang pintuang nasa harap niya. Ramdam na ramdam niya ang matinding takot kasama pa ang malamig na hanging na bumabalot sa paligid.
Makalipas ang ilang minuto ng pagpupumilit niyang pumasok sa kwarto ay may narinig siyang kakaibang tunog maliban sa ginagawa niyang pagkatok. Mga yapak na nagpapahuni sa sahig na kahoy. #EEEENGGK… EEENNGGK… Dahan-dahan itong lumalapit sa kanya. Kaya naman napahinto siya sa kanyang ginagawa at dahan-dahan din niyang inikot ang kanyang ulo.
YOU ARE READING
KILLER.COM
HorrorLimang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
