CHAPTER VII

1.3K 30 3
                                        

CHAPTER VII

“HAPPY BIRTHDAY MICO!!!!!!!!!!!”

Isang maliit na salu-salo ng mga magkaklase ang naganap sa bahay nila Mico dahil sa pagcecelebrate ng kanyang kaarawan. Nandoon sina Brenan, Wyne, Tyron at Lindsey kasama ang ilan nilang mga kaibigan.

“Mico…” ang pag-aalala ni Lindsey nang makita niya si Mico na mag-isang nakatayo at nakaharap sa lumang pool ng bahay. Nilapitan niya ito, “…okay ka lang ba?”

“I’m not sure I’m okay, Lindsey… It’s been three days nang nakalatay si ate sa ospital at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Nag-aalala lang ako.” Niyakap siya sa balikat ni Lindsey.

----------

Ang mag-asawang Bella at Ian naman ay naiwan sa loob ng ospital na nagbabantay kay Nina.

“I have to check on Mico…” ang nasabi ni Ian matapos niyang tingnan ang kanyang relo at malamang pasado alas-otso na.

“Ian… Malaki na si Mico, kaya niya nang asikasuhin ang sarili niya. Please stay a little longer.”

“Bella… pakiramdam ko may dapat tayong pag-usapan pero hindi mo magawang sabihin sa akin. Ano ba yun, Bella? Sabihin mo...”

“Ahmmm… Wag ka sanang magalit… Tungkol sana sa ate Helen mo, Ian. Tungkol sa kanya at kay Leo…”

Sa pagbanggit ni Bella ng pangalan ni Leo ay umiba ang timpla ng mukha ni Ian. Nahahalata ni Bella na may tinatago ang kanyang asawa. Hinawakan ni Bella ang pisngi ni Ian at iniharap niya sa kanya ang mukha ng kanyang asawa at tinitigan niya sa mga mata, “…Ian?”

“Paano mo nalaman?”

“May nakita akong mga sulat… Mga sulat galing kay Leo para kay Helen… Ian, gusto kong malaman ang tungkol sa kanila. Anong nangyari’t hindi ko man lang narinig ang tungkol kay Leo.”

Matapos huminga ng malalim si Ian ay nagsimula siyang magkwento.

“Kung gusto mo talagang malaman, sasabihin ko. May malalim na relasyon si ate at si Leo noong una ngunit tutol ang mga magulang namin sa kanilang dalawa. Mahirap lamang si Leo at hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya ni minsan hindi siya nagustuhan ni papa. Pero nakagagawa ng paraan si ate para makipagkita kay Leo sa pamamagitan ng mga sulat. Isang araw, may ipinagtapat sa akin si ate. Buntis daw siya at si Leo ang ama. Gusto niyang humingi sa akin ng tulong. Pero sa halip na tulong ang binigay ko ay pinahamak ko pa siya at ang sinapupunan niya nang sabihin ko kina papa ang totoo. Pinalaglag ni papa ang dinadala ni ate. Simula noon ay hindi na siya nakipagkita kay Leo at madalang na rin makipag-usap sa akin. Dumaan ang mga araw nang malaman namin ang pangingibangbansa ni Leo na nagdulot ng matinding pighati kay ate. Naririnig ko mula sa aking kwarto ang bawat pagsigaw at pag-iyak ni ate. Gusto ko mang humingi ng tawad pero natatakot ako. Lumipas ang mga taon, umalis ako ng San Sebastian para makipagsapalaran. Nang makilala kita’y napagdisisyunan kong hindi na muna bumalik sa aming bahay. Ipinanganak si Nina at sinundan ni Mico. Maliliit pa lamang sila nang mabalitaan ko ang pagkamatay ni papa at mga ilang buwan lang ay sinundan na siya ni mama. Natakot akong harapin si ate kaya naman nitong mga nakaraang araw lang tayo nakapunta dito, matapos kong malaman na wala na si ate.”

“Ngayon naiintindihan ko na.” ang nakomento ni Bella matapos magkwento si Ian.

“Ang alin…?” ang pagtataka naman ni Ian.

“Kung bakit sa likod ng mga pinagsasabi ng mga anak natin na may multo sa loob ng bahay ay ayaw mo pa ring umalis tayo,” sabay hawak niya sa mga kamay ng asawa, “…kasi kung posible man, gusto mong muling makita ang iyong ate at humingi ng kapatawaran.”

KILLER.COMWhere stories live. Discover now