CHAPTER XVI

896 29 9
                                        

CHAPTER XVI

Mabilis rumisponde ang mga pulis nang marinig nila ang nangyari sa harap ng SSMC building. Dumating si Romeo at Danny at ang ilan pang mga pulis sa pangyayari at kitang-kita nila ang kalahating katawan ni Aiza na nakahandusay sa daanan kung saan nakatali ang mga kamay nito sa likod ng sasakyan. Kinausap ni Romeo ang gwardiya ng naturang gusali habang dinadala naman ng ibang pulis ang nakaposas na si Randy sa prisinto. Si Danny nama’y napatigil nang makita ang malaking ekis sa mukha ni Aiza.

“...bawat maling tao, Danny, isang buhay ang mawawala.”

 

Ito ang mga katagang pumasok sa isipan niya, mga katagang binitawan ng killer noong mga panahong magkausap sila tungkol sa isang hamon.

Hindi siya makapaniwala.

Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi si Thalia ang killer.

----------

“Are you really sure about this?” ang tanong ni Ruby kay Zac habang tinititigan ang malaking board sa kanyang harapan na may mga katagang TresMaria’s Massacre sa ibabaw na bahagi nito. Zac thought it was the right time, para tanggalin, ligpitin, at itapon ang mga larawan at kung anu-ano pang mga papel na nakalagay sa board na yun. The case is already over, nahanap na nila ang killer kaya naman he doesn’t have any reason to keep that board that way, “How about your blog? Tapos mo na ba?” ang dagdag na tanong ni Ruby.

“Yes. Konting edit na lang at ipopost ko na siya,” ang sagot ni Zac na nakatanglaw sa bintana ng kanyang kwarto. “Pero paano kung nagkamali tayo? What if we got the wrong guy? What if hindi si Thalia ang totoong killer?”

“Zac… Naniniwala akong siya ang killer dahil lahat ng ebidensiya ay tumuturo sa kanya. Besides, bakit siya magsu-suicide nung hinuli siya ni Danny, right? Dahil hindi niya gustong makulong.”

Bumukas ang pintuan ng naturang kwarto kung nasaan sila, at nakita nilang dumungan si Rex sa pintuan.

“Oh, Rex, bakit?” ang tanong ni Zac sa kapatid.

“Do you have any plans today for lunch?” ang tanong na sagot naman ni Rex.

KILLER.COMWhere stories live. Discover now