CHAPTER XI

1.2K 23 1
                                    

CHAPTER XI

“…who ever predicted na mangyayari ang TresMaria’s Massacre, huh?”

“Stop it, okay! Hindi si Emily yun! Hindi maaaring si Emily ang gumawa nito! It can’t be her! She’s dead!”

Kitang-kita ni Lisa at Lily na wala nang buhay si Carol pero ininsist ni Shanon na dalhin siya sa ospital. Nandoon sila sa labas ng emergency room, naghihintay sa resulta na alam naman nila pero hindi nila kayang tanggapin.

“Excuse me?” isang lalaki ang lumapit sa kanilang tatlo, “…pwede ko bang malaman kung anong nangyayari?”

Lumapit si Lisa doon sa lalaki, “Si Emily, she came back to take revenge…”

“Sino si Emily?” tanong niya.

“Isa siya sa mga namatay nang mangyari ang TresMaria’s Massacre. It may sound stupid pero totoo ang sinasabi ko. She’s haunting us all and maybe, she’ll kill us!”

“Lisa! Tama na!” ang suway ni Shanon. Tumahimik si Lisa. Tiningnan niya ang lalaki sa kanyang harapan. Napansin naman ng lalaki na hindi na maganda kung tatanong pa siya. Maayos siyang nagpaalam at piniling umalis na lamang.

Maya-maya’y lumabas ang doctor.

“We can’t do anything. Patay na siya nang dumating dito. It looks like someone twisted her head bago siya tuluyang nag-drowned sa tubig.” Umalis ang doctor kung saan naiwan ang tatlo na ginugulo ng palaisipang papaanong may umikot sa ulo ni Carol kung mag-isa lang siya sa pool.

At biglang nagsalita si Lily na takot na takot “Si Emily nga… Si Emily nga ang may gawa nito… SI EMILY!!!!!!”

----------

Kinabukasan, hindi pumasok si Lily sa eskwelahan buong araw. Nanatili lang siyang nakahiga sa kanyang kama at umiiyak. Ang akala ng mga magulang niya ay dahil ito sa pagkamatay ni Carol, pero ang totoo’y hindi niya kayang lumabas ng bahay dahil hindi na nawala sa dibdib niya ang takot na baka siya naman ang isusunod ni Emily.

Pumunta siya sa loob ng sariling cr na nakadugtong sa kanyang kwarto. Doon ay may lababo na may salamin sa taas. Tiningnan ni Lily ang kanyang mukha sa salamin. Napakahaggard niyang tingnan. Kasama pa ang magulo at hindi nakaayos na buhok. Ang kanyang mata ay namamaga na dahil sa kaiiyak. Naghilamos siya ng kanyang mukha at muling tumingin sa salamin. Habang pinagmamasdan niya ang kanyang nakasimangot na mukha ay bigla na naman siyang umiyak, “…ahuhuhu!!!!”

Bloop! Bloop!

Bigla na lamang may kung anong maruming tubig ang lumabas mula sa drainage ng lababo. Kumunot ang noo ni Lily. Hindi niya maintindihan kung ano yun. Napatingin siya saglit sa salamin at napansing may nakatayong babae sa likuran niya. Bumalik siya ng tingin ngunit nawala ang imahe ng babae. Lumingon pa siya sa likod para siguraduhin pero wala naman talaga. Baka guni-guni lang, ang kanyang hinala.

Patuloy pa rin ang paglabas ng maruming tubig doon sa drainage at tila nasa kalahati na ng lababo ang napupuno. Biglang tumunog ang kaniyang phone.

“Huh?!” ang gulat ni Lily. Kinuha niya ito mula doon sa kama niya at nakitang may nareceive itong one new message.

Binuksan niya ito, isang unknown number. Kinabahan siya. Kinutuban.

Patuloy pa rin na napupuno ng maruming tubig ang lababo kagaya ng patuloy na pumapatak ang mga pawis ni Lily. Tila manghihinaan siya ng loob dahil doon sa na-receive niya. Hindi niya alam pero pinindot pa rin ng mga kamay niya binasa ng mga mata niya ang mensahe.

Lily, c Lisa 2. Nkitxt lng ko. Nag-aalala kc ako sau, nde ka pumasok ng skul. Gus2 ko snang pmunta jan kaso may work pa ko. Kita nlang tau tom. Bye.

KILLER.COMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon