CHAPTER VI

1.4K 31 4
                                        

CHAPTER VI

“Wala pong kasalanan si Mico sa nangyari. Ito pong mga kaibigan namin ang nagpumilit na gawin ang bagay na ito… Wag niyo po sanang pagalitan si Mico, Mrs. Alvarez.”

Ito ang mga sinabi ni Lindsey kay Bella bago siya tuluyang umalis ng bahay nina Mico.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?! Mico, sumusubra ka na! Hindi ko na gusto ang ginagawa mo! Una gagawa ka ng kwento na may… nakita kang multo dito sa bahay at ngayon magdadala ka ng mga kaibigan mo at pag-eekspirementuhan ang bahay na to!!!”

Galit na galit nang pinapagalitan ni Ian ang anak niyang si Mico habang pinapanuod lang sila ni Bella.

“Pa, sa tingin mo gumagawa-gawa lang ako ng kwento tungkol sa nakita ko… Paano si ate? Gawa-gawa niya lang rin ang nakita niya sa banyo?! Pa! Bakit ayaw niyo bang maniwala na may multo sa bahay na ito?! Na hindi tayo nag-iisa kasi may mga kaluluwang nananatili pa rin dito, kasama natin!”

“Tumigil ka Mico! Tumigil ka na!”

Tumakbo paakyat ng hagdan si Mico dala narin ng galit niya sa ama.

“Ian…” ang pag-aalala ni Bella sa asawa, “…hayaan mo muna si Mico.”

Narinig pa ni Mico ang pag-uusap nilang dalawa bago siya tuluyang pumasok sa kwarto niya.

“Kinukunsinte mo kasi, Bella, kaya nagkakaganyan sila…”

“Baka… Baka naman kasi totoo ang mga nakikita nila.”

“Bella, pati ba naman ikaw?! O baka naman kasi sinabi mo sa kanila ang nangyari sa bahay na ito kaya gumagawa-gawa sila ng kung anu-anong mga kwento…”

“Sinabi ko naman sa kanila pagkatapos nilang…”

“Sinabi mo sa kanila?! Bella… alam mo ba…”

At tuluyan nang pumasok si Mico sa kwarto niya dahil na rin sa naiirita na siyang makinig sa pag-aaway ng kanyang mga magulang.

----------

Pasado ala-una na nang makauwi si Nina na lasing na may kasamang lalaki, si Lance, at naghahalikan pa sila nang pumasok sa pintuan.

“Baby, wag kang maingay… Baka magising mo sina mama at papa.”

“Sure, baby…” at hinalikan niya si Nina mula sa labi papunta sa leeg. “Ahehehe!” hinila niya ang binata papunta sa hagdanan, “…dun tayo sa taas… Hindi tayo maririnig.” At umakyat silang pareho ng dahan-dahan habang naghihigikhikan. Sa kwarto ni Nina sila nagkulong. Pinagpatuloy ang paghahalikan doon sa kama ni Nina hanggang bigla na lamang namatay ang ilaw. Napahinto si Lance.

“Ituloy mo lang, baby…” ang anyaya ni Nina sabay nagpatuloy muli sila.

Nakaramdam ng kakaibang lamig si Lance kaya naman huminto siya muli.

“A-Ano bang problema, baby?” ang tanong ni Nina habang pinapasayad niya ang kanyang kamay sa mukha ni Lance na nakapatong sa kanya doon sa kama. “Aah... Nothing baby... Let's just... HOLY SHIT!!!!!" napasigaw si Lance nang may nakita siyang lalaking nakatayo sa gilid ng kama.

"Lance, ano ba? Wag ka ngang sumigaw. Magigising mo sina papa eh."

Hindi masyadong makilala ni Lance ang lalaking nakatayo dahil sa dilim ngunit alam niyang nakatingin ito sa kanya. Lumapit ito ng bahagya na nagpatayo kay Lance mula doon sa kama. Nagtataka naman si Nina sa ikinikilos ni Lance. Hindi niya kasi nakikita ang nakikita ng binata.

"Anong nangyayari sa'yo?" ang pagtataka ni Nina. Takot na takot si Lance at pinagpapawisan na. Napaatras si Lance doon sa madilim na bahagi ng kwarto kaya naman bigla siyang nawala sa paningin ni Nina.

KILLER.COMWhere stories live. Discover now