CHAPTER XIX

555 24 8
                                    

CHAPTER XIX

"Na-eexcite na ako sa mangyayaring Nurse Camp!" Hindi napigilang sumigaw ni Cynthia habang nakahawak siya sa mga sabitan na nandoon sa kanyang uluhan. Maraming tao sa loob ng bus kaya naman napilitan siyang tumayo kasama ang kaibigan at kapwa niya nurse na si Kate. Kakatapos nga lang ng kanilang duty sa San Sebastian Hospital at parehong naka-uniporme pa sila nang sumakay sila sa bus pauwi sa kanila.

"I'm sure mag-eenjoy kayo kahit wala ako," ang nakangiting sabi ni Kate.

"Ang bitter nito! Bakit hindi ka pa kasi sumama? Kayo lang ni CJ ang hindi sumama sa grupo natin."

"May pinag-iipunan pa kasi ako kaya hindi na ako gumastos para sa Registration ng Nurse Camp. Ang mahal kaya."

"Konti lang kasi ang sumama kaya napamahal."

Patuloy sila sa pagkukwentuhan sa gitna nang mabagal na pagtakbo ng bus at pagsisiksikan sa loob nito.

"Bye!!!" Naunang bumaba si Kate dahil mas malapit ang kanilang bahay sa ospital kumpara sa bahay ni Cynthia. Mag-aalas-singko na ng hapon at malapit nang lumubog ang araw. Pero sa kalye na nilalandas ni Kate ay medyo madilim na dahil sa mga nagtataasang puno at pader na nakapalibot dito. Mapapansin ring siya lang ang naglalakad sa kalyeng iyon.

Habang nilalandas niya ang natitirang daan patungo sa kanilang tahanan ay napakapit siya sa kanyang dala na shoulder bag nang makaramdam siyang may sumusunod sa kanya. Noong una, akala niya'y guni-guni lang iyon pero nang makarinig na siya ng paghinga ng tao sa kanyang likuran at unti-unti na itong lumalapit sa kanya ay agad na siyang lumingon sa likuran.

Walang tao.

Isang madilim lang na kalye ang nakita niya.

Nabitawan niya ang saglit na pagpapahinto niya ng kanyang hininga. Pero hindi pa rin maalis sa pakiramdam niya ang takot na bumabalot sa kanya no'ng mga oras na iyon. Palagi niya namang nilalandas ang daanang ito. Palagi naman siyang mag-isa kung maglakad sa kalyeng ito. Pero iba ngayon, tila kinikilabutan siya dahil pakiramdam niya'y may sumusunod sa kanya at may mga matang nagmamasid sa kanya bawat paghakbang.

Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad. At mula sa likod niya, sa poste ng ilaw, sa ilalim ng liwanag ng kahel na ilaw, ay may lumabas na babaeng nakablusang itim at nakamaskarang puti. Nakapaa itong sumusunod sa paglalakad ni Kate.

Nakarating ang dalaga sa kaniyang tahanan habang patuloy pa rin na binabalot siya ng takot. Pumasok siya sa bakurang sira ang gate at dumiretso sa pintuan ng kanilang bahay. Binuksan niya ito gamit ang dalang susi at mabilis na isinara at nilock upang mapanatag na ang loob. Napahinga siya nang maluwag nang maramdaman niyang ligtas na siya at napaupo sa sahig.

-----

Matapos ang paliligo ni Kate no'ng gabing iyon ay pumunta siya sa kusina at binuksan ang ref. Kinuha niya ang hindi pa nalulutong popcorn dito at inilagay ito sa loob ng kanilang oven. Mag-isa lang si Kate ngayong gabi sa maliit nilang inuupahang bahay. Kinailangan ng ama ni Kate ang pumunta sa ibang lugar dahil sa trabaho niya. Malaki na rin naman si Kate kaya pumayag siyang magpaiwan ng limang araw na wala ang ama. Habang hinihintay niya ang pagluto ng popcorn ay nakarinig siya ng pagkatok sa pintuan nila.

#TOK! TOK! TOK!

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at tinungo ang pintuan. Masigasig niya itong binuksan ngunit nakita niyang wala namang tao sa tapat nito.

Bigla siyang nakaramdam ng takot.

Pinagmasdan niya ang paligid ng kanilang bahay ngunit wala siyang makitang tao. Tila nabingi siya sa katahimikan ng paligid at nanlamig sa binubugang hangin ng gabi. Guni-guni niya lang kaya ang pagkatok na 'yon? Kagaya nang pag-aakala niyang may sumusunod sa kanya kanina?

KILLER.COMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon