Part II- IAN'S STORY: HAUNTED DORMITORY

1.5K 36 0
                                        

“…I’m sorry Mr. Reyes. Hindi realible ang source mo. Kailangan namin ng totoong witness. Hindi ang isang multong nagpapakita sa kanyang kapatid. You can go now.”

Kahit na anong pilit ko na paniwalain si PO1 Danny Montero eh wala itong nagawa. Hindi siya maniwala sa kwento ni Jaira. Umalis ako ng prisinto nang walang nangyari. Iniisip ko kung tatawagan ko ba si Ruby o hindi… Ano naman ang maitutulong ng isang journalist sa kasong ito kung sakaling sasabihin ko sa kanya ang totoo?

Nag-iisip ako ng malalim habang nilalandas ko ang kalye pauwi sa amin. Biglang may sasakyang lumapit sa akin. Punung-puno ito ng mga karton at bag, tila lilipat ng bahay ang kung sino man ang nasa loob ng sasakyan. Bumukas ang bintana at isang lalaki na nasa kalagitnaan na ng katandaan, “Excuse me…? Hi! Pwede ba akong magtanong?”

Lumapit ako sa kanya nang tawagin niya ang atensiyon ko, “Ano po yun?”

“Alam mo ba kung saan ang address na to?” at may pinakita siya sa aking address mula sa puting papel. Sandali… alam ko ang address na to aah! Ang TresMaria’s Dormitory!

“Malapit lang yun dito… Liliko ka sa kanan at makakakita ka ng pulang gate mga pang apat or panglimang bahay mula doon…” ang responde ko sa tanong niya.

“Maraming salamat. Ako nga pala si Ian. Lilipat na kami ng pamilya ko ngayong gabi dito sa address na to.”

“Zac…” ang pagpapakilala ko, “…maligayang pagdating sa San Sebastian, Ian.” Ngumiti ako sa kaniya. Pero ang ngiting iyun, ay may halong takot. Bakit sa dinami-dami pang pwedeng paglipatan ay ang dormitoryong iyun pa? Ang dormitoryong nakasaksi ng malagim na massacre dalawang linggo na ang nakararaan…

KILLER.COMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon