5

1.3K 107 11
                                    

HINDI napigilan ni Michelle ang pagtutubig ng mga mata nang masilayan ang kanyang kabuuan sa full-length mirror. She looked very lovely in her off-shoulder wedding gown. Simple lamang ang pagkakagawa niyon, kaunti lamang ang palamuti, at hindi magarbo ang mga disenyo. Her hair was up in a loose bun at may maliliit na bulaklak na nakalagay roon. Simple pero vintage ang veil niya. Veil pa iyon na ginamit ng lola ni Miguel noong ikasal ito. Her makeup was light.

She looked so perfect.

Naramdaman niya ang maingat na pagyakap sa kanya ng kanyang ina. "My baby is getting married," tuwang-tuwang sabi nito.

Natawa siya. "Baby? Mama, naman. Ang tanda-tanda ko na po, eh."

"You would always be our baby," wika ng kanyang ama sa tinig na tila mababasag anumang sandali.

Pinakawalan niya ang kanyang ina at nilingon ang kanyang ama. Namumula na ang mga mata nito. Tila hirap na hirap itong magpigil ng luha. Nais niyang matawa ngunit pinigil niya ang sarili. Ganoon siguro ang lahat ng mga ama sa mundo kapag nakikitang ikakasal na ang mga unica hija nila.

Niyakap niya ito. "Ang daddy ko, naging iyakin na," tudyo niya.

"Careful," anito habang niyayakap din siya. "Baka magusot ang wedding gown mo." May isang butil ng luha na umalpas mula sa mga mata nito.

Pinahid niya iyon. "Why are you crying? Hindi naman po ako mawawala," wika niya sa masuyong tinig.

"Daddy is just happy for you, darling. Nalulungkot din ako dahil hindi na ako ang pinakamahalagang lalaki sa buhay mo."

"Let's not be too dramatic, please. Baka po masira ang makeup ko."

"Pero aaminin ko, anak, hindi si Miguel ang pinangarap kong makatuluyan mo. I've always wanted Nick to be your husband."

"Daddy..." Bakit pa nito sinasabi sa kanya ang bagay na iyon? Bigla siyang nailang.

Hindi lihim sa kanya na si First ang nais ng mga magulang niya para sa kanya. Tinanggap na niyang hindi mangyayari iyon, dapat ay tanggap na rin iyon ng mga ito.

Bakit ba siya naiilang? Bakit siya apektado? Wala siyang dapat madama na kahit na ano dahil nakaraan na iyon. First was her first love but Miguel would be her last.

"Don't get me wrong, darling. Gusto ko rin naman si Miguel. Puro kabutihan ang ipinakita niya sa amin ng mommy mo. Niligawan ka niya nang tama. He's marrying you because he loves you. I think it's great. Tanggap ko nang hindi kayo para sa isa't isa ni Nick. I know you love Miguel so much. Just be happy, anak."

"Thank you, Daddy, Mommy."

Hindi nagtagal ay patungo na sila sa simbahan. Napakaganda ng panahon. She was a June bride. Nang nagdaang araw lamang ay umulan maghapon. Natakot pa nga siya na baka ulanin din ang kanyang kasal. Nagpasalamat siya nang husto nang magising siyang maganda ang panahon at bughaw na bughaw ang kalangitan. Walang aberyang naganap. Ayon sa coordinator at sa mommy niya, perpekto at nasa ayos ang lahat.

She took it as a good sign. She felt like God was blessing her on her wedding day. Parang ipinararating ng Diyos na magiging matiwasay ang buong buhay nila ni Miguel na magkasama.

Pagdating sa simbahan ay kaagad sinabi ng coordinator na nasa loob na si Miguel. Natuwa siya kahit ang totoo ay hindi niya iniisip na hindi ito sisipot. Everything would go well. Lahat ay aayon sa plano nila.

The wedding ceremony would be solemn. They would have a terrific reception in a wonderful garden. At the end of the day, she would be Mrs. Miguel Santillan.

They would go to Paris for their honeymoon. Ipinapanalangin niya na sana ay mabuntis agad siya. She would be a wonderful and perfect wife and mother.

Lollipop BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon