10

2.3K 204 32
                                    

"DAMN it. Damn it. Damn it!" hiyaw ni Enteng. Gustong-gusto na niyang magwala, nagpipigil lang siya. He was all over the news. Front page pa ng isang showbiz tabloid ang larawan nila ni Isabela na naghahalikan.

Hindi niya mahagilap si Jillian. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng lahat. Tila galit sa kanya ang manager niya na ayaw makinig ng paliwanag. Ayaw nitong sabihin kung nasaan si Jillian. Hindi niya alam kung bakit naging unfair ito at ayaw nang pakinggan ang kuwento niya. Pareho silang alaga nito. Dapat ay pinakikinggan nito ang dalawang panig. Hindi iyong kumampi na agad ito kay Jillian.

Kahit ang assistant at driver ni Jillian ay tikom ang mga bibig. Inis na inis na siya sa kanyang sitwasyon.

Wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ayaw niyang pakinggan ang mga opinyon o komento ng iba—maganda man iyon o pangit. Ang pinakaimportante para sa kanya ngayon ay sila ni Jillian. Hindi naman siya tanga upang hayaan lamang itong mawala sa kanya nang ganoon na lang. Hindi niya hahayaang masira ang relasyon nila nang dahil lang sa mga mapanirang salita at larawan.

Ang matinding ikinatatampo niya, bakit ito nagpaapekto sa mga ganoon? Bakit hindi ito lumapit sa kanya at tinanong kung ano ang talagang nangyari? Hindi na sana sila naghahanapan ngayon.

The pictures were real. Iba lang ang naging interpretasyon ng mga tao. Hindi niya kasalanan ang lahat.

Nasa isang tahimik na exclusive bar sila ni Maken nang gabing makuhanan sila ni Isabela ng mga larawan. Dumating si Isabela at nilapitan sila. He figured it was his chance to talk to her about all the issues that concerned them.

"Isabela, please stop all the drama. Mas maganda kung tahimik tayong lahat. Alam na alam mo na hindi tayo kailanman nagkaroon ng romantikong relasyon. Jillian is very affected already. Ako na ang nakikiusap sa 'yo. Please, stop."

"I'm only doing this because I love you. I can't give you up that easy."

"I don't love you. I'm sorry to be brutal but that's the truth. Alam mo na mula sa umpisa 'yan."

Nakita niya kung paano bumalatay ang sakit sa mukha nito. "And you love her?"

"Yes. I have always been in love with her. Siya lang ang gusto ko. Hindi na magbabago 'yon."

"Liar. You're just saying that. Kung mahal mo talaga siya, ipangangalandakan mo."

"And let those people ruin us? Matagal na ako sa industriyang ito. Alam ko na ang pasikot-sikot."

"Hindi ka magiging masaya sa kanya."

"Matagal na akong masaya sa kanya."

"Liar!"

Sa gulat niya ay bigla na lamang itong lumapit sa kanya at inangkin ang mga labi niya. Agad na itinulak niya ito palayo.

"You're pathetic, Isabela." Umalis na siya pagkasabi niya niyon.

Hindi niya alam na nakunan sila ng larawan. Hindi rin niya balak itago kay Jillian ang buong pangyayari. Hindi lang niya sinabi nang magtanong ito dahil ayaw niyang sabihin ang bagay na iyon sa telepono.

At ngayon ay hindi niya alam kung nasaan ito.

"Damn it!"

"Stop swearing," naiiritang saway ni Nick sa kanya. "Kanina pa nakukulili ang tainga ko sa 'yo. Wala namang mangyayari diyan sa ginagawa mo."

Lollipop BoysWhere stories live. Discover now