4

1.2K 100 14
                                    

HINDI mapakali sa paghahanda si Michelle. Ilang ulit na niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. She looked blooming. Hindi mapalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Kahit hindi siya magsalita, alam niyang kitang-kita sa anyo niya ang kaligayahan.

Nang makontento na siya sa kanyang hitsura ay lumabas na siya ng silid. Siniguro niyang nasa ayos ang mga inihanda niyang pagkain para sa gabing iyon. She lit the scented candles.

Lumapad ang pagkakangiti niya nang makarinig siya ng mga katok. It must be First. Pinagbuksan niya kaagad ito ng pinto.

"Hi," nakangiting bati nito.

He looked gorgeous. Nakadamit-pang-opisina pa ito ngunit wala nang coat at maluwag na ang kurbata. He also looked tired.

"Hello," ganting bati niya. Niluwangan niya ang pagkakaawang ng pinto at pinatuloy ito. Kinuha niya ang bitbit nitong kahon ng cake. Isinama niya iyon sa mga pagkain sa mesa.

"Nag-effort ka yata ngayon," puna nito habang umuupo sa harap ng hapag.

"Siyempre, espesyal yata ang gabing ito," aniya saka umupo na rin. Siya na ang naglagay ng pagkain sa plato nito. "Tiring day at the office?"

Tinaasan siya nito ng kilay. "You know how it is, Michico. We work in the same corporation."

"You are my boss."

"I'm not your boss now. I'm your friend." Nagsimula na itong sumubo. Napatangu-tango ito habang ngumunguya, tanda na nagustuhan nito ang mga inihanda niyang pagkain.

Nasiyahan siya sa ekspresyon nito. Isang buwan na siyang nag-aaral magluto. Ang plano niya ay mag-e-enroll siya sa culinary school sa sandaling mag-resign siya sa trabaho.

Bahagya siyang nalungkot sa napipintong pagtigil sa pagtatrabaho. Nagtatrabaho siya sa Mead Corporation, ang conglomerate na hawak ni First. Ang ama nito ang dating CEO niyon.

Nang ma-disband ang Lollipop Boys, bumalik sa pag-aaral si First. Nang makatapos ay pinilit itong magtrabaho sa Mead Corporation. Nag-umpisa ito sa mababang puwesto hanggang sa i-appoint ng ama bilang CEO. He still hated his father but his mother kept on begging him.

Siya naman ay nagtrabaho muna sa isang publication bago napunta sa Mead Corporation. Noong una ay simpleng sekretarya lamang siya hanggang sa ma-promote siya bilang executive assistant ng executive vice president for treasury na si Miguel Santillan.

"Masarap ba?" tanong niya kay First.

"Sobra. Ikaw ang nagluto? Talagang kina-career mo ang pag-aaral ng pagluluto, ah. Puwede ka nang mag-asawa," pabirong sabi nito.

Lalong lumapad ang ngiti niya. "Talaga?" Ipinakita niya rito ang kamay niyang may suot na singsing na may magandang diyamante. "Miguel proposed!" tili niya.

Biglang nabitiwan ni First ang hawak na kubyertos. He looked shocked. Tila hindi nito mapaniwalaan ang ibinalita niya.

"Tell me I'm just having a nightmare."

"First! Nightmare? Bakit? Hindi ka ba masaya para sa akin? I'm getting married to Miguel. Hindi ako magiging matandang dalaga tulad ng hula ng lahat." Inilayo niya ang kanyang kamay at pinagmasdan nang mabuti ang suot na singsing. It was the most beautiful ring in the whole world.

Marahas na tumayo si First at sa malalaking hakbang ay nagtungo sa pintuan.

"First?" nagtatakang tawag niya.

Hindi ito lumingon, bagkus ay dire-diretsong lumabas ng condominium unit niya.

Takang-taka siya sa naging reaksiyon nito. Nais niya itong habulin at tanungin kung bakit. Ang buong akala pa naman niya ay matutuwa ito nang husto para sa kanila ni Miguel. Malapit na kaibigan din nito ang fiancé niyang si Miguel.

Lollipop BoysKde žijí příběhy. Začni objevovat