3

2K 156 4
                                    

"WHAT is your problem, man?"

Hindi nilingon ni Enteng si Maken o Mark Kenneth. Nasa isang bar sila sa Ortigas at umiinom. Maken was also a Lollipop Boy. Ngayon ay songwriter, composer, at arranger na ito. Mas pinili nito ang magtrabaho sa likod ng limelight mula noong magkawatak-watak na silang Lollipop Boys. Kahit na nagkahiwa-hiwalay na sila ng mga landas, magkakaibigang matalik pa rin silang lima.

"Si Jillian," sagot niya sa tanong nito.

"How's she? Parang ayokong maniwala na siya ang dahilan kung bakit masama ang timpla mo mula pa kanina. Jillian is the most adorable creature in the world. Nag-away ba kayo?"

Tumango siya bago niya inisang lagok ang alak na nasa baso niya. Dalawang araw na silang hindi nag-uusap ni Jillian. Hindi nabawasan ang inis niya rito, bagkus ay lalong lumalago iyon.

"You wanna talk about it?"

Ikinuwento niya rito ang buong pangyayari. Tila nagulat ito sa narinig mula sa kanya.

"She is willing to show her flesh?" manghang tanong nito.

"Surprisingly, yes."

"Seriously? Our sweet little Jillian?"

Tumango siya. Saglit na tila nag-isip ito bago nagkibit-balikat. "Maybe she wants change."

Bumuntong-hininga siya. "She said she wanted to try something different. I would never ever, ever let her do it."

Tinapik siya nito sa balikat. "'Remember the very first time you were offered to do an indie film? Iyong kontrabida ang role?"

Hindi siya kumibo. Parang alam na niya ang nais nitong tumbukin.

"Ayaw kang payagan noon ni Tita Angie. Masisira daw ang imahe mo. You're the ultimate leading man. You always play the good guy. 'Sabi ng fans mo, hindi bagay sa 'yo ang maging kontrabida. Sumige ka pa rin. You grew your hair. Hindi ka nag-ahit ng balbas. Everyone was convinced that you made the biggest mistake in your acting career. Pero ano ang naging bunga niyon? The film went international. You won an award in France. You became the Philippines' pride. Ang sabi mo noon, matatawag mo na ang sarili mong mahusay na aktor."

"Are you saying that I should just let her?"

"No. I'm just saying that you should trust her. Jillian isn't a kid anymore. Siyempre, marami siyang mga bagay na nais subukan. Marami pa siyang nais patunayan sa sarili niya at sa ibang mga tao."

Natahimik siya. May punto ang mga sinabi nito ngunit ayaw pumayag ng sistema niya. Ayaw niya talaga.

"I don't want men fantasizing about her, okay?" biglang naibulalas niya. "I can't even stand the thought of it."

Napailing ito. "Di lumabas din ang totoo."

"I just want the best for her. This movie is not the best for her career, for her reputation as a decent woman."

"Ayaw mong mabilad ang katawan niya sa kalalakihan. Tell me, is that your so-called brotherly love or is it something else already?"

Hindi makapaniwalang napatingin siya rito. "What did you just say?"

Makahulugang tumingin ito sa kanya. "You know what? Sometimes, you do things a man don't usually do for a female friend."

Huminga siya nang malalim. "She is special, Maken. Alam n'yo naman 'yan, 'di ba? I can't let her do this."

"Kaibigan ka lang. Kung talagang gusto niya, ba't hindi mo siya hayaan? If this is really a mistake, let her learn from it. Let her break out into her box ang explore the showbiz world."

Lollipop BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon