Lady Knight 30

8.3K 339 34
                                    

AREN 30 - SELOSO

Anim na araw na ang lumipas nang mamalagi sila Alex sa mansyon ng mga Holtzman. For the past few days, wala silang ginawa kundi ang magpagala-gala sa bayan, bilhin ang kung ano na makita nila. Sa bawat lakad nila, kasama nila si Conrad kahit saan sila magpunta, to prevent them from doing reckless things that they always do.

In short, bodyguard.

Medyo nagiging close na tuloy nilang apat ang Gobernador, para ngang hindi na nakakatanda ang trato nila dito, hindi naman kasi gaanong nagkakalayo ang edad nila. Of course, si Clovis magalang parin, that's already a part of him.

Dumalaw ang lima sa bagong ayos na kainan ni Mang Ernesto, hindi kagaya noong una nilang punta dito, walang kumakain at halos gumuho na ang lugar. Ngayon, hindi lang madami ang kumakain, marami pang pumipila.

At dahil malaki ang utang na loob ni Mang Ernesto kay Guillastes, Clovis at Alex, hindi niya pinag abalang pagpilahin kahit ilan pa ang isama nito. Pinapasok niya agad ang magkakaibigan at pinapaunta sa pwesto na para lang sa mga VIP.

Pinakilala nila Alex ang ngayon lang nakita ng matanda na si Conrad at Siegmund, as usual libre ang pagkain at alak nila.

Hindi pa nga makapaniwala si Conrad at Siegmund nang ikwento ni Guillastes ang ginawa nilang make-over sa kainan na ito. Kung titignan naman kasi, hindi mo iisipin na noong kailan lang ay hindi ito pinapasok ng kahit sino. At mas lalong hindi sila makapaniwala na gawa ito ng tatlo, lalong-lalo na si Alex at Guillastes.

Pero dahil sa pagkukumpirma ni Mang Ernesto, naniniwala na sila, medyo humanga pa nga.

Ito na ang huling gabi nila na manatili sa mansyon ng Holtzman. Bukas kailangan na nilang magbalik sa akademya, isang linggo lang kasi ang binigay na palugit sa kanila upang bumalik.

Matapos ang masayang inuman nila, na salamat sa diyos walang gulo na nangyari, maliit na alitan lang na hindi naman masasabing grabe kung ikukumpara sa mga gulong nasangkutan na nila.

Bumalik na ang magkakaibigan sa mansyon.

Pagbalik nila dumiretso agad ang bawat isa sa sari-sarili nilang silid, sa pagod at kalasingan narin.

Sa dinami-dami ng ginawa at pinuntahan nila maghapon, matindi ang pagod na nararamdaman ni Alex. Na memorize na nga ata niya ang buong bayan sa kakagala nila doon.

Ngunit kahit na sobra-sobra ang pagod niya, hindi parin siya dinadalaw ng kahit katiting na antok. Wala naman siyang nararamdaman na kakaiba, gaya noong kaarawan ni Clovis.

So far, she feels normally abnormal. Hindi lang talaga siya makatulog.

Hindi niya alam kung dahil ba ito sa walang tigil at paulit-ulit na gumugulo sa isipan niya. Kaya hindi siya makatulog? Mga bagay na paulit-ulit na nagsasalita sa kanyang isipan.

Napabuntong hininga si Alex, naiinis at iritadong bumangon. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis? Pagod na pagod ka na nga at lahat, pero hindi ka parin makatulog. Kahit gaano mo gustuhin.

Binuksan ni Alex ang pintuan ng veranda, hinayaan niya na makapasok ang malamig na hangin ng gabi. Lalo lang siya mabwi-bwisit kung mananatili pa siya sa kwarto niya, kung gayong hindi naman siya makatulog. Pumikit siya at pinakiramdaman ang malamig na simoy ng gabi.

Parang pasko kung tumama ang hangin, mabuti nalang at nagsuot siya ng panlaban dito.

Naupo si Alex sa marmol na railing at tiningala ang kagandahan ng kakaiba at makulay na gabing langit. Kung ang gabing kalangitan ng Earth ay pinaganda ng mga kumikislap na bituwin at liwayway ng buwan. Sa Aren naman ay hindi lang mga bituwin at buwan, may makukulay na parang kurtina ang nagkalat at nagbibigay misteryo dito. Mayroon ding parang ibang planeta ang nagkalat na tila hindi masyadong kalayuan.

Tiyak na kahit sino man ay hindi magsasawa na titigan ito.

Kusang nag flash back kay Alex ang mga gabi na magkasama sila ni Leroy habang pinapanood ang madilim na langit ng gabi. Mga panahong nasa palasyo palang siya ng mga Holtzman sa Silangan at nag-eensayo ng espada kasama si Leroy. Masaya silang nagkwe-kwentuhan na parang walang problema at madalas na nagtatawanan.

Malungkot na ngiti ang bumalot sa mukha na Alex, nawala ang kaninang masiglang kulay sa mukha. Salamat sa ala-alang iyon.

Sa anim na araw na lumipas, hindi parin sila nagkakausap ni Leroy. Kapag nagkakasalubong naman sila'y mabilis na babatiin siya ng Duke at aalis na parang hangin. Kapag naman pupunta siya sa opisina ng Duke para makipagkwentuhan dito, sasabihin na wala siya o di naman kaya ay sobrang busy.

Obvious naman, mas maliwanag pa sa sikat ng araw, iniiwasan siya ni Leroy. Iniiwasan na parang dumi.

Hindi maintindihan ni Alex kung bakit at kung anong dahilan, kung paano ito nangyari at kailan nagsimula. Wala din naman siyang pagkakataon na makausap ito, at kahit ilang pagkakataon ang gawin niya, siguradong tatanggihan lang siya.

Dahil ba ito sa nalalapit nitong kasal? Kaya hindi na siya binibigyang pansin ng Duke?

Hindi niya alam, ayaw din niyang alamin.

"Ikakasal na ka na ba talaga, Faust?"
Bulong ni Alex sa hangin.

Kunot noong napahawak si Alex sa dibdib, hinampas-hampas niya ito ng ilang beses. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit tila kumikirot ang dibdib niya sa tuwing naalala niya na ikakasal na si Leroy. Hindi niya gusto ang parang sinasakal na pakiramdam na ito.

Ni wala manlang sinabi si Leroy sa kanya tungkol sa bagay na ito.

Bakit? Tungkulin ba ng Duke na ipaalam sa kanya ang lahat ng bagay? Hindi. Ano ba naman ang papel niya sa buhay ng Duke? Isa lang naman siyang hamak na mortal na hindi sinasadyang napadpad sa mundong ito. Wala siyang karapatan kay Leroy o sa kung sino man sa mundong ito.

Gustong-gusto niyang kausapin si Leroy, para magtanong kung totoo ba. Totoo ba ang sinabi ni Siegmund? Kung mayroon na ba talagang babae na nakakuha ng puso niya.

Ngunit sa kabilang banda natatakot siya, hindi niya maintindihan kung bakit.

Gusto rin niyang malaman at itanong kung bakit hindi siya kinakausap ni Leroy. Kung bakit tila nilalayuan siya nito. Kaso wala siyang lakas ng loob na gawin ito.

Hindi naman niya gusto na sapilitan kausapin si Leroy, tutal ayaw naman nito. Baka mamaya harap-harapan pa na sabihin ng Duke na ayaw siya nitong makita o makausap. Baka masapok niya si Leroy bigla non.

Iniisip palang ni Alex, parang gusto na niya maiyak.

Mas lalo pang na depress si Alex nang may makita siyang larawan sa opisina ni Leroy. Pinuntahan niya kasi ito para sana yayain na sumama sa kanila na gumala since last day na ngayon, kaso pagdating niya sa opisina ni Leroy wala siya doon.

Ang tanging nakita niya ay larawan ng magandang babae, napaka gandang babae.

Isang babae na may mahabang itim at kulot na buhok, parang nyebe sa puti at kinis ang balat. May ngiting nakakahawa at matang tila kumikinang. Ang kakaiba nitong mata na nakakaginhawa kung tititigan.

Nakaupo ang babae sa malawak na dagat ng mga bulaklak habang nakangiti na parang isang diwata.

Mas lalong nanlumo si Alex sa ala-ala.

Ngayon lang nakita ni Alex ang larawan ng babaeng iyon, kahit noong nasa palasyo pa sila, hindi niya nakita ang larawan ng magandang babae. And then naisip ni Alex, na 'yon siguro ang babaeng papakasalan ni Leroy.

Maraming bagay ang pumasok sa isip ni Alex kung bakit hindi na siya pinapansin ni Leroy.

Dahil ba sa mga kalokohang ginagawa at nagawa na niya? Hindi na ba nito makayanan ang kagaguhan niya? Naiinis na ba siya? Pagod na ba itong makipag tangahan sa kanya? Nagsasawa na ba itong saluhin ang mga kasalanan na ginawa niya?

Madaming question mark, pero kahit isa hindi niya masagot. Si Leroy lang makakasagot.

"I want to fcking cry..."


★Chronicles of Aren: The Lady Knight★

Kahit madilim na ang makulay na kalangitan at tulog na ang halos lahat, nananatili parin si Leroy at patuloy na nilulunod ang sarili sa trabaho. Maari naman niyang gawin ang mga bagay na ito sa susunod na linggo, pinipilit lang niya ang sarili na magtrabaho.

Para lang saklawin ang utak niya ng ibang bagay.

"Come in."
Striktong saad ni Leroy, nang biglang may kumatok. Hindi man lang lumayo ang tingin ni Leroy sa mga papeles na hawak para tignan kung sino ang dumating, alam na niya agad kung sino ito. "Its you Raven, just leave those papers on the side."

"Yes, Mi Lord."
Nilapag ni Raven ang mga papels sa hapag na mabilis namang binasa isa-isa ng Duke.

"Good work, you are dismissed."
Saad pa ni Leroy habang mabilis na nagbabasa at hindi binibigyan ng kahit isang sulyap si Raven.

Nakakapagtaka nang nanatiling nakatayo si Raven sa harap ni Leroy. Hindi man halata sa mukha ng Mayordomo ngunit kita sa mukha nito na siguradong hindi mapapansin ng iba na lubha siyang nababahala ngayon.

"What is the matter, Raven? Is there something that you need?"
Tinignan na ng Duke ang direksyon ni Raven, ang noo nangungunot.

"Please pardon my impudence, Mi Lord."

"Go ahead."

"Six days have passed since Lady Alexandra and her friends came here for Sir Clovis."
Mahinhin na saad ni Raven, na nagpa twitch ng kilay ni Leroy nang marinig ang dalawang pangalan na binanggit ni Raven.

"Indeed, and what of it?"

"Tomorrow at noon they shall go back to the academy."

"I know."

"Tomorrow also will be the day we depart to meet the King of the Desert, a month or more will pass before we finish our goal and be able to get back."

"That is true."
Saad ni Leroy at tumingin na ng diretso kay Raven. Ang mukha halatang nagtataka. "Why are you saying these things to me, Raven? I know those details. Why does it in circles? Speak your mind."

"Why do you not speak to Lady Alexandra, Mi Lord? Why do you avoid her? The Lady is suffering. She might hide it with her smile but it does not fool this servant, I cannot bear to see the Lady like this, Mi Lord."
Napa flinch si Leroy sa sinabi ni Raven at saglit na napahinto.

"What absurdity are you spouting Raven? I have a lot of work to finalize, I don't have the leisure to waste my time on her as of yet." Tinuloy ni Leroy ang ginagawa na parang wala lang. "I have answered your worries. Now leave! You are a nuisance."

"Mi Lord, those papers you keep on looking at are things that are already done, in the past five days that you have been avoiding Lady Alexandra, you finished everything that needs to be done and all you are doing now is looking for any faults in the system so you could do a little work and use it as an excuse for evading her."

"H-how foolish, what are you saying Raven?! Are you out of your mind? This is an important matter, what if something goes wrong? Can you compensate with that?!"

"No such thing will happen, Mi Lord."

"How can you be so certain? Unless you give me a beyond question reason then I shall do as you say."

"Mi Lord, you have been checking all of those for the hundredth time. I dare say that there would be any mistakes."

"We do not know what might happen so this is..."

"Mi Lord, you used to procrastinate whenever you see Lady Alexandra, no matter how many work is waiting for you, you always prioritize the Lady, first, second and third. No matter how much I begged you to finish your work before going to her side, you never listened."

"T-That is..."

"Mi Lord, stop being childish and just get rid of that jealousy. Please, speak to the Lady and say your regret not seeing her at all."
Hinila ni Raven mula sa upuan si Leroy at hinila palabas ng opisina. "I know you are longing to be with her, Mi Lord."

"W-what are you...?!"


Yes. Yes. Yes. Nagseselos si Leroy kaya hindi niya kinakausap si Alex. Sa tindi ng pagseselos niya, ayaw niya itong makita kasi mas tumitindi ang selos niya. Sa tuwing nasasagip ng mata niya si Alex o si Clovis lalo siyang naiinis.

"R-Raven! W-what do you think you are doing!? You impudent fool!"
Tulak-tulak parin siya ni Raven, hanggang sa makarating sila sa harap ng pintuan ng kwarto ni Alex. "This is her room..."

"Forgive my impertinence Mi Lord, I shall accept any punishment you deemed worthy for my insolence. Please, I beg before you, speak to the Lady."
Lumuhod si Raven sa harap ng Duke at parang tuta ang mga mata na nag-aabang sa planong gawin nito.

Nakanganga na tinitigan lang ni Leroy si Raven. Mga ilang segundo din ang lumipas bago siya bumalik sa hulas, napa buntong hininga nalang siya. Sa hinaba-haba ng panahon na naglilingkod si Raven sa kanya, ngayon niya lang ito nakitaang gumawa ng bagay na ganito. Bihira nga lang maglabas ng emosyon ang lalaki kahit sa harap niya, pero para lang kay Alex, ganito?

Nakakatuwa talaga.

"Very well, I shall speak to her bu--."
Agad na kuminang ang mata ni Raven. Bago pa matapos ni Leroy ang sasabihin, binuksan na ni Raven ang pintuan at tinulak si Leroy papasok. "Ahhh!"

"I wish the best of luck to you, Mi Lord."
Bulong ni Raven sa maliit na awang pinto at pilyong nakangiti sabay sinara ang pinto.

"Raven!?"
Pinilit na buksan ni Leroy ang pintuan pero mukhang naisara na ito maigi ng kanyang tauhan. "Damn that guy! Since when did he start talking that way to me? He even called his master childish. Really?! I have been doing a lot of sorts just for him to act like a normal guy and here, he started acting like one just because I ignored Alexandra? Haha. Really, I should punish my little crow after this ordeal."

Muling napabuntong hininga si Leroy. Nakita niya na nakabukas ang pintuan ng veranda at malakas na pinapagaspas nito ang puting kurtina. Hindi na niya iyon pinansin at naglakad na papalapit sa malaking kama ni Alex.

Dahan-dahan na naupo siya sa gilid ng kama, ilang segundo na natahimik, inoobserbahan lang ang lugar. Namataan niya sa side table ang pulang itlog na binigay niya kay Alex.

Naalala niya ang pangalan na ibinigay ng dalaga dito. Lexaust, pangalan na ipinagsama ang ngalan nilang dalawa. Napangiti siya ng hindi niya namamalayan at hinawakan ang magaspang na itlog.

Huminga siya ng malalim, tila ba humuhugot ng lakas ng loob.

"Are you asleep, My Lady Alexandra?"
Saad niya habang nakatingin lang sa itlog at patuloy na nilalaro ito. "I do hope you are, I really do not wish to say these when you are wide awake." Wala pa naman kasi siya talagang balak na kausapin ito, kahit gusto na niya, pinilit lang siya ni Raven at since nandito na siya, might as well do it. Kahit tulog ang kausap.

He's already feeling embarrassed just talking to a sleeping girl.

"I will not ask of your forgiveness, I did kept avoiding you for the past six days. I just could not speak to you as you are right now, not right now... Seeing you fill yourself with different emotions because of someone else is... It's exasperating, to the point that it makes me want to rip apart the other person receiving such emotions from you. Truly, I have killed the young nobleman in my head countless times. Heh! You are turning me into a being not far off from a demon, My Lady."

Napa diin ang kuom ng kamay ni Leroy.

"I admit, I was a little resentful of Sir Clovis. You cried for him, smiled for him, looked desperately for him and even tried to follow him. I was madly jealous, I even regretted the fact that I helped him get away from his punishment. I should have not helped that little demon. He bit you and almost drained you of life. But it was not my desire to see you sad, I know that if that man disappears, you will shed a river of tears. So I..."

Silence filled the room for a couple of minutes, his eyes remained at the dragon egg.

"Was it wrong of me to feel this way?" Tanong niya na parang desperado.

"S-Sinong kausap mo diyan, Faust?"

Parang putok ng baril na napa-angat ang ulo ni Leroy sa direksyon ng pamilyar na boses, agad na nagbago ang emosyon na nararamdaman niya kanina lang. Paulit-ulit na kinurap-kurap niya ang talukap, nagbabaka sakali na baka mag iba ang nakikita niya ngayon.

"L-Lady Alexandra?"
Hindi makapaniwalang tanong niya habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa may pintuan ng veranda, na may nanlalaking mata. Lumingon si Leroy sa higaan para lang makita na walang tao doon. Bakit ba kasi hindi muna niya tinignan? "Since when have you been standing there?"

"Just now."

"Did you... by any chance... heard me?"

"Heard what?"


Napayuko si Leroy sa matinding kahihiyan, akala niya nakikipag usap siya sa tulog eh gising na gising naman pala si Alex at buhay na buhay pa nga. Napa buntong hininga nanaman siya at mahinang napatawa sa sariling katangahan.

"Thank the gods and demons that she did not hear what I said."


Nakangiting tinignan niya ang magandang babae na nasa harap. "You almost caught me on my embarrassing moment. I do not wish to show such a silly thing, it is unexpected to see you still awake at this time, My Lady. Well then, how have you been, Lady Alexandra?" Umarte si Leroy na parang walang nangyari.

"Is that all?"
Tanong ni Alex na parang nag-aabang.

Humulma naman ang question mark sa itaas ng Duke.

"What do you mean?"
Napakagat na sa labi si Alex sa inis. "Oh! Are you perhaps hungry? Have you not eaten supper yet? Let me call the servants and have them pr--." Bago pa man tapusin ng Duke ang sasabihin, malakas na sinalubong na ang pisngi niya ng kamao ni Alex.

Humampas pa kaliwa ang mukha ni Leroy sa lakas ng pagkakasuntok ni Alex, for sure magpapasa 'yon bukas.

"Napaka unfair mong hayop ka! Ilang araw na kitang gustong makausap pero nilalayuan mo'ko at tinataguan. Ta's ngayon pupunta ka sa kwarto ko tapos sasabihin mo 'yan sa akin na parang wala lang!?" Napayuko si Alex, nanginginig pa ang katawan nito at naiiyak na. "Ginagago mo ba'ko?!"

Kinagat ni Alex ang ibabang labi para pigilan ang sarili na maiyak.

Ilang araw niyang gustong kausapin ang Duke. Ang dami niyang gustong itanong at sabihin, pero heto ito, parang tanga na kinakausap ang kama niya mag-isa. Kung ano-ano pa ang sinasabi, parang tanga.

Tumayo si Leroy at lumapit kay Alex, itinaas niya ang mukha nito at iniharap sa kanya. Nasaktan ito nang makita ang naluluhang mata ng binibini. Maingat at parang sanggol kung punasan niya ang mukha ng dalaga.

At least he actually felt sorry.

"I apologize for being a childish man. As I have said before, I will not ask of your mercy, just please do not waste your tears on someone unworthy like me." Pakiusap niya na lalong nagpaiyak kay Alex.

"Ang sama-sama mong putangina ka! Natiis mong hindi ako kausapin at pansinin ng ilang araw! Ilang beses kitang pinupuntahan at pilit na kinakausap pero tinataboy mo'ko." Mahigpit na niyakap ni Leroy si Alex na malugod naman nitong ginantihan din ng mas mahigpit pang yakap.

"I have no excuses for the imprudent actions I have done the past few days. I just wish for you to know that there were no second that I did not yearn to be by your side, to hear your voice, see your smiling face and listen to your funny comebacks."

"Kailangan mo pa talaga isama 'yung last part?"
Pagbibiro ni Alex sa gitna ng mga hikbi niya habang yakap ang Duke. "Ikakasal ka na daw ah." Tanong bigla ni Alex na nagbigay gulat kay Leroy. Napabitaw ang Duke at nanlalaking mata na tinignan si Alex.

"K-Kanino mo nalaman iyan?" Napatagalog bigla ang duke sa gulat.

"Siegmund." Dahil sa reaksyon na pinakita ng Duke nanlumo bigla si Alex.

Tingin niya mukhang ikakasal nga ito at parang wala pa atang balak na ipaalam sa kanya. Holtzman narin siya kaya dapat lang na malaman niya din ang mga ganitong bagay, although after eight years pa.

"What is with that petulant expression, My Lady?"

"Just tell me."

"Abou--."
Hindi nanaman muling natuloy ang sasabihin ni Leroy dahil sa narinig nilang parang kung ano nabibiyak.

Pareho nilang hinanap kung saan nang gagaling ang tunog at doon nila nakita, ang itlog na ilang linggo nang inaalagan ni Alex, unti-unting nabibiyak.

"OH MY GOD...! It's hatching... finally!"

©IF02

Chronicles of Aren:  The Lady KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon