Lady Knight 6

10.3K 382 22
                                    

AREN 6 - BAMPIRA?!

Nakanganga at nanlalaki ang mata na tinitigan ni Alexandra ang pamilyar na mukha sa harap. Saglit pa nga niya nakalimutan na huminga dahil sa pagka bigla, hindi siya makapaniwala.

Nakangiti ito na para bang walang problema at siya ang pinaka masayang tao sa buong mundo. Ngiti na laging nagpapagaan ng loob ni Alexandra, pero mas madalas na magpainit ng dugo niya sa inis. Halo-halong emosyon ang lumalangoy sa damdamin niya, pero isa lang ang nangibabaw, galak.

Tumigil maging ang utak niya sa pag gana dahil sa gulat.

"Ethan..." Halos bulong na usal ni Alexandra, pero sapat na para marinig ng binata sa kanyang harapan.

Hindi maipaliwanag ang nararamdaman niya, parang naninipang kabayo kung tumibok ang kanyang puso. Tila ba nais nitong umalis sa pinaglalagyan at magtatatalon sa sobrang lakas ng pintig nito.

Pakiramdam niya tumatakbo siya sa napaka habang marathon ng walang pahinga.

"Lex, let's go back." Malambing na saad ng binata.

Kinuskos ni Alexandra ng maigi ang mga mata niya, iniisip na baka namamalik mata lang siya o di naman kaya nasosobrahan nanaman sa excitement ang imahinasyon niya.

Kinurot din niya ang sarili ng ilang beses at kumurap-kurap, dahil baka nga nag ha-hallucinate na siya, side-effects ng pagpapabasa ng maraming libro. Pero hindi nawala ang binata sa harap niya, naroon parin ito nakatayo sa harap na may hindi maburang ngiti sa mukha.

Lumunok si Alexandra bago magsalita, may kung ano kasing naka bara sa lalamunan niya, sanhi para mahirapan siyang huminga at magsalita. "E-Ethan... P-paanong?" Halos bulong na tanong niya.

Nanginginig ang mga kamay at tuhod niya, pati paghinga niya ay hindi na magpantay. Kung nakatayo lang siya ngayon malamang ay kanina pa siya napaluhod dahil sa biglang panghihina ng katawan niya.

Tinatanong niya ang sarli kung papaano napunta si Ethan sa mundong ito. Kung pinuntahan ba siya nito para iligtas. Kung makakauwi narin ba siya sawakas.

Ngunit gaya ng sabi noon ni Leroy, ang tanging paraan para makalabas at pasok sa kanilang mundo ay sa Holy Gates.

Kaya paano nakapunta si Ethan dito? Bakit siya narito sa harapan ni Alexandra na parang wala lang?

"Uwi na tayo, Lex. Hindi mo ba alam kung gaano kami nag-alala? Ilang araw kitang hinanap, pati si Ron sobrang nag-alala sa'yo. Pinagluto kita ng paburito mong pagkain, tara na." May halo mang pagtatampo sa boses ni Ethan, magaan parin ito.

Doon na nga tuluyang tumulo ang kanina pang nagbabadya na luha sa lilang mata ni Alexandra. Tumakbo siya sa kapatid at sinunggaban ito ng mahigpit na yakap. Hindi niya na pinansin ang mabigat niyang dress.

Mahigit dalawang linggo din niya itong hindi nasilayan, isang araw palang na nalalagi siya sa mundong ito ay isang mahirap na buong taon na para sa kanya.

"Uwahhh!" Humagulgol ng iyak si Alexandra na animo'y paslit.

"Shhh! 'Wag ka na umiyak Lex, nandito na'ko." Pagpapatahan naman ni Ethan habang hinahagod ang likod ng kapatid.

Hindi mabilang na tanong ang bumabagabag sa isipan ni Alexandra, gusto niyang tanungin kung paanong napunta ang nakakatanda niyang kapatid sa mundong 'to. Kaso lang ayaw niyang sirain ang tear-jerking reunion nila kaya sinarili nalang muna niya ito.

Mahigpit na niyakap nila ang isa't isa, for the first time in her life she was happy to see her brother's face.

How badly she missed him.

Noong mga bata pa sila kahit pa laging nawawala si Ethan dahil sa trabaho, kailan man ay hindi siya nalungkot, kasi alam niyang babalik din ito kalunan. Gaya ng palagi nitong ginagawa, at pag-uwi ni Ethan at Ron, siguardong may dala ang mga itong pasalubong para sa kanya. Either pagkain o laruan.

Hindi mapigilan ni Alexandra ang umiyak, parang agos na nga ng ilog kung tumulo ang luha niya, at the same time natatawa siya, pakiramdam niya nasisiraan na siya ng bait dahil sa sobrang saya.

Halos pasalamatan na ni Alexandra lahat ng banal na nilalang sa mundo, na hindi manlang niya magawang dasalan noon. Alexandra is agnostic, she's not committed to believing in either the existence or the nonexistence of Gods or a god.

Then she thought of Leroy, he wanted Ethan to meet the man that saved her head from being separated from her body.

"Ethan, may ipapakilala ako sa'yo. Yung tumulong sa'kin nung napunta ako dito, tara." Hihiwalay sana siya kay Ethan pero hindi siya makaalis sa pwesto niya. "Ethan?"

Pinilit niyang itulak si Ethan pero parang bato ang katawan nito, hindi manlang natitinag, ni parang hindi nga nito naririnig si Alexandra.

"Hey! Alam kong na-miss mo'ko ng sobra, pero tara na." Natatawa niya pang saad, but her voice was a little bit shaky. For some reason, she feared the man in front of him, the eyes that looked gentle and nostalgic earlier is now a stranger to her.

Hindi nagtagal bigla nalang niyang naramdaman ang mainit na hininga ni Ethan sa leeg niya, pati ang ilong nito na humagod doon.

"Ethan, what're you do--- AHHH!!!" Bigla nalang may lumubog na dalawang matulis na ngipin sa kanyang balat. Dahan-dahang tumulo ang masaganang pulang dugo mula dito, napasigaw siya sa sobrang sakit. "Arghhh!"

Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas para maitulak ang kapatid, adrenaline rush siguro. Tinignan niya si Ethan na may nangungunot na noo. Ang mga mata nito na dating kulay asul ay naging pilak at tila umiilaw pa sa liwanag.

It's not Ethan...

Hinwakan niya ang leeg kung saan masaganang tumatagas ang kanyang dugo, nagbabakasakali na baka sa pagtakip niya nito gamit ang kanyang palad ay tumigil ang pag-tagas, pero wala itong epekto.

Nanatiling nakapako ang mga mata ni Alexandra sa lalaking nagpapanggap na si Ethan. Ang galak na kaninang nararamdaman niya ay napalitan ng galit at kaunting takot.

"Demonyo?!" Nang gagalaiti sa galit na saad ni Alexandra.

Galit, dahil ang lakas ng loob ng demonyong ito na gamitin ang nakakatanda niyang kapatid para lokohin siya. Kung iisipin nga naman niyang mabuti, there is just no way na mapupunta si Ethan dito. Sinabi na sa kanya noon ni Leroy na sarado na ang Holy Gates, ang makakalabas lamang dito ay mga maharlika.

Kung mapupunta si Ethan dito imposibleng kakausapin siya nito ng hindi manlang nabubulyawan. Sa muli nilang pagkikita, siguradong hindi malambing na ngiti ang naka plaster sa mukha ng kapatid niya, kundi ngiti na nagsasabing katapusan na niya.

Nangibabaw ang kasiyahan kay Alexandra, kaya hindi agad rumehistro sa kanya ang posibilidad na baka demonyo lamang iyon na nagpapanggap na si Ethan. Ano ba naman ang alam niya, this is her first time seeing a demon in person.

Kitang-kita ang dalawang matulis na pangil ng demonyo at ang sariwang dugo ni Alexandra na naiwan sa labi nito.

"Tch!" Singhal ng demonyo.

Kumunot ang noo nito at tila ba nainis nang tawagin siya ni Alexandra na demonyo. Parang tela na binuklat ang biglang pagbabago ng buhok nito. Ang dating kape at kulot ay naging mahaba at malalim na pula. Nag-iba din ang hitsura nito, ang tenga ay naging pahaba at ang kutis ay pumutla.

Mapang-akit na dinilaan nito ang nalalabing dugo ni Alexandra sa bibig, sabay nakaka insultong ngumisi. Parang nag-aalab ang pulang buhok nito habang nasisinagan ng buwan at sinasayaw ng gabing hangin. Ang pilak at matatalas nitong mata ay tila ba nababasa ang nilalaman ng kanyang isip.

He's undeniably handsome for a demon.

"What is a little creature like you doing in this world? Your kind is not supposed to be here, human." His voice sounded a little bit raspy and deep.

Nanlaki ang mata ni Alexandra sa sinabi nito, agad siyang pinagpawisan ng malamig at nahinto panandalian ang paghinga niya. Nang mapansin ng demonyo ang nababahalang ekpresyon kay Alexandra lalong lumawak ang ngisi nito.

"A-alam na niya..." Bulong ni Alexandra sa sarili.

Natuklasan agad ng demonyo ang tunay niyang katauhan, marahil dahil sa nainom na nito ang kanyang dugo. Ang sabi ni Leroy, hindi nila malalaman pero ito nabuking na nga siya.

Mabilis na nawala ang takot niya, sa hindi malamang dahilan, imbis na mas lalo siyang matakot ang tanging nararamdaman niya ay pagka-inis sa demonyo. Ito ang unang pagkakataon na maka-encounter siya ng isa.

Ang buong akala ni Alexandra, kasindak-sindak ang itsura ng mga demonyo. Kagaya ng mga nakikita niya sa kanyang panaginip at mga pelikula, to her disappointment, hindi naman pala.

Kung tutuusin mas gawpo pa ito sa mga katrabahong modelo ni Ethan, at ibang mga artista. It's not even funny that he's this handsome, being a demon and all that.

Dumistansya si Alexandra ng kaunti pero parang bula na biglang nawala ang demonyo sa harapan niya, mabilis itong napunta sa kanyang likuran. Lilingunin niya sana ito at aatakihin pero mahigpit na nakahawak ito sa dalawa niyang braso, dahilan para hindi siya makagalaw.

"Kyaaa!" Napa-tili sa gulat si Alexandra ng biglang dilaan ng demonyo ang leeg niya. "W-what the fuck!? Ba't ako sumigaw ng ganon, nakakahiya!!!" Sigaw na bulong niya sa sarili.

Naramdaman niya ang dahan-dahang pagsara ng kagat sa leeg niya. Nais sana niyang mamangha sa kapangyarihan na ipinakita ng nilalang, ngunit nasa delikadong sitwasyon ang buhay niya kaya hindi niya magawa.

If they were friends, she would definitely be cheering at how awesome he is right now. Unfortunately, she has everything but friends.

Pinilit niyang kumuha ng lakas, kung saan man siya makakakuha, at parang lasing na umatake. Pero mabilis muli itong kumilos at nawala na parang hangin. Tila ba nababaliw na inikot-ikot niya ang sarili, kanan-kaliwa, hinahanap ang mapaglarong demonyo.

"You do not belong here. If the Empress obtain this information about your existence in her Empire, she will use every means just to get your head hanged in front of her castle gates, no stone will be left unturned." Pumaligid ang nakakahipnotismong boses ng demonyo.

Huminto sa pag-ikot si Alexandra at napalunok sa sinabi nito. She felt threatened. Hindi niya tuloy alam kung ano ba ang dapat niyang katakutan ngayon; Ang demonyong kaharap niya ba o ang katotohanan na alam ng demonyong ito na isa siyang tao? Kapag sinabi nito sa Emperatriz ang balita tungkol sa kanya, tiyak na mabilis lalapit si Kamatayan sa kanya.

"You look frightened." Nang-aasar na punto nito.

Kapag pinagsabi nito sa iba na isa siyang mortal, malamang marami ang magtatangka sa kanyang buhay at hindi na siya maitatago ni Leroy. Sabi na nga ba at delikado ang pagpunta sa party na ito para sa kanya.

Ayaw naman niyang gamitin ang kabaitan ni Leroy ng sobra at ayaw niyang ipahamak ang Duke, kahit na lagi siyang pinapahirapan nito, hindi maitatanggi na tinutulungan siya nito ngayon.

Kung kinakailangan niyang patahimikin ang demonyo para mabuhay, gagawin niya.

"I wonder." Matapang na saad ni Alexandra at may dinukot na kung ano na nakatago sa gitna ng kanyang dibdib. Isang kulay asul na punyal, bigay ni Leroy sa kanya in case of emergencies daw, mukhang magagamit narin niya ang maliit na patalim. "Ngayon na alam mo kung ano ako, mukhang kailangan kitang patahimikin."

Matalas at mariin na tinignan niya ang pilak na mata ng kaharap. Sa bawat segundo na lumilipas, mas lalong humihigpit ang hawak niya sa punyal. Hindi basta-basta ang kaharap niya kaya nag-iingat siya, maari siyang mamatay kaya kailangan husayan niya.

"Oh! For an inferior being, you have the audacity of an Arenian. What a fool! Do you think that a mere dagger would injure the likes of me? If that is what you think, then you are nothing but plain naive." Mapang-insultong saad ng demonyo.

Hindi mapigilan ni Alexandra ang mapikon dito. Kanina pa siya lantaran na nilalait ng demonyo na ito at hindi ganon kahaba ang pasensya niya, ang pinaka ayaw niya sa lahat ay nilalait.

"Ewan ko, first time ko makakita ng demonyo eh. Puro ka dada, lahat ba ng demonyo ganyan o talagang madaldal ka lang? Para kang si Kris Aquino eh, kung gusto mo akong atakihin gawin mo na!"

Biglang tumawa ng pagkalakas-lakas ang demonyo. Akala mo'y nakarinig ng first rate joke mula sa pinaka mahusay sa komedyante, pero pumalpak.

"You pique my interest. I will not kill you nor will I let the Empress know. Why should I? We are enemies, she is your enemy too. We are birds of the same feather. If the Empress ever sees either of us, she will have our heads off. It is not my desire to indulge my adversary in happiness."

"Gago ka ba? Kelan ko sinabi na papakawalan kita, wala kong pake sa mga pinagsasasabi mo. Mukha mo bird! Ulo mo ang unang matatanggal."


Sumimangot ang demonyo. "Do not test your luck, human. It is not you who is keeping yourself alive, it is I. Be aware that I have the ability to remove your puny life out of you, with just a blink of an eye." Ang boses ng demonyo ay puno ng pananakot, hindi maiwasan ni Alexandra ang mapalunok at mapaatras sa kinatatayuan.

"Oh, talaga? Edi wow!" Pilit na pagmamatigas ni Alexandra.

"But not to worry, I will not kill you, at the least not today. I will see to it that the prophecy will come into existence. I'll be watching your exotic blood, human."

Pagsabi nito 'non, bigla itong nawala na parang bula.

"Hoy! Wag kang umalis!" Ilang beses siyang nagsisisigaw pero hindi na muling nagpakita pa ang demonyo.

Muling hinawakan ni Alexandra ang parte ng leeg kung saan siya kinagat at bumuntong hininga. Salamat sa panginoon kung hindi nga sasabihin ng demonyong 'yon na isa siyang mortal. Pero alam niyang hinahayaan lamang siya nito na mabuhay dahil nais nitong masaksihan ang nakasaad sa propesiya.

Kung totoo bang sisiraain ng isang mortal na gaya niya ang royal family.

"GOD DAMMIT!!! FUCKING PIECE OF SHIT!!!" Sigaw niya sabay sinipa ang fountain, she wanted to vent out her frustration.

Naiinis na napakagat siya sa labi, sobrang naiinis siya. Pinaglalaruan siya ng punyetang demonyo at wala manlang siyang nagawa. Para saan pa ang tinuturo sa kaniya ni Leroy na pakikipaglaban at saka ang mga araw-araw niyang pakikipag basag-ulo noong nasa Earth pa siya?

Alam niyang mabilis kumilos kaysa sa mortal ang mga naninirahan dito sa Aren, pero kahit na! She was considered a monster back in Earth, that was a compliment on her side.

Halos dumugo na ang mga palad niya dahil sa tindi ng pagkakayukom ng kaniyang kamao. Hindi niya matanggap! Isang malaking kahihiyan ang nangyari ngayon.

Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang napapahiya, lalo na pagdating sa pakikipag laban o pakikipag basag ulo, kahit anong bagay na kailangan ang pisikal na kakayahan. Never siyang natalo kahit gaano kalaki ang kalaban niya. Lahat ng away na pinasukan niya, lagi siyang nananalo na tanging konting gasgas ang natatamo, minsan nga wala pa.

Pero ngayon, dito sa mundong 'to dalawang punyetang beses na siyang natatalo, hindi lang sa lakas pati sa bilis.

Una na si Leroy sa listahan, mas mabilis itong kumilos kaysa sa kanya, mas malakas din. Sa unang pagkikita nila tinutukan agad siya ng espada sa leeg at noong tinangka niya itong atakihin, parang pusa lang siyang pinulupot nito sa likod. Sirang-sira ang pride niya noon, pakiramdam niya pa nga na kapag nag e-ensayo sila ng espada, hindi pinapakita ng lapastangan na si Leroy ang tunay nitong lakas.

Pangalawa, isang mayabang na demonyong bastos, mabilis siyang nawawala na parang si The Flash at naloko pa siya nito. Mas malakas din ito dahil nagawa nitong hawakan siya sa dalawang braso para hindi makagalaw.

Simula nang dumating siya sa mundong ito puro talunan ang kinakalabasan niya. Basag na basag ang fighter's heart niya. Araw-araw siyang nag tra-training tapos mga lalaking mukhang babae lang pala ang makakatalo sa kanya.

Kulang nalang may lumabas na usok sa dalawang tenga at butas ng ilong niya. Sobrang naiinis si Alexandra sa sariling kahinaan. Ang nababasa niya sa mga manga o novel kapag ang bida eh napupunta sa ibang mundo, may kakaibang powers sila at mas malakas pa kahit sa demonyo.

Pero bakit siya wala?

Ilang beses na siyang natatalo sa laban. Wala manlang ba siyang special powers? Situations like that are supposed to give her a surge of power.

"ALEXANDRA!"

Nilingon niya ang nag-mamadali at nag-aalalang boses na iyon, walang iba kundi si Leroy, isa sa mga bumasag ng pride niya, sa tabi niya si Raven, as usual blank face.

"Did something happen? I felt a dangerous presence close to you." Alalang-alala na sambit ng Duke habang iniispeksyunan kung may galos ba si Alexandra sa katawan.

Nang mamataan nito ang dugo sa bandang leeg niya nagulantang ang Duke. "There is blood on your neck and a bite mark that was healed. This is... What happened here?! Who did this to you?" Hindi mapakaling tanong ni Leroy.

"A red haired demon bit me and left." Iritableng sagot naman ni Alexandra habang ang kilay ay magkasalubong at ang ngipin ay mariin na nagkikiskisan, bakas sa boses ang inis.

Inaasahan ng Duke na yayakap sa kanya ang dalaga na parang prinsesa dahil sa takot, pero kahit katiting nito ay wala. Mukhang mainit pa nga ang ulo ng dalaga.

"Ang kapal ng mukha ng hayop na demonyong 'yon na magpanggap na si Ethan! Tangina niya! Sisiguraduhin ko na ako ang magiging pinaka malakas na Paladin sa buong Aren at ako mismo ang tatapos sa walang kwenta niyang buhay! HA! Hindi ko siya papatayin agad, isa-isa ko munang puputulin ang mga daliri niya sa kamay at paa, sunod ang tenga niya..."

Parang nasisiraan ng bait na bulong ni Alexandra sa sarili pero naririnig naman nila Leroy at Raven.

Hindi mapagtanto ng dalawa kung masusuka ba sila o mamamangha sa pinagsasasabi ng dalaga. Ang mukha nito nagsasabi ng totoo na gagawin nga talaga ang sinasabi.

Parang nababaliw na talaga ang binibini dahil sa sobrang hindi nito matanggap ang ilang beses niyang pagbagsak ng ganoon lang kadali. Pakiramdam niya tuloy walang saysay ang pag e-ensayo nilang dalawa ni Leroy.

Ang araw-araw na pakikipag basag-ulo niya noong nasa Earth pa siya. Kung nanaisin lang ni Alexandra, kayang-kaya niyang sakupin ang mga taga-ibang school at gawing mga taga-sunod ang mga estudyante nito.

Ganoon siya kalakas, sa Earth.

Tuloy-tuloy lang ang pagbulong niya kung ano ang gagawin sa demonyong tuluyang sumira ng pride niya.

"Walang hiya ang putakteng 'yon, hayop siya. Papatayin ko siya ng unti-unti at sisiguraduhin kong pagsisisihan niya dahil nabuhay pa siya sa mundong 'to at nakabangga niya ako. Hihilingin niya na mamatay nalang siya... Isasabit ko ang leeg niya gamit ang lamang loob niya, tapos ipapakain ko siya ng buhay sa mga daga!"

"L-lady Alexa....."
Magsasalita na sana si Leroy pero tuloy parin siya.

"He even dare call me an inferior being?! HA!? Death awaits!" Nabato bigla si Leroy nang marinig ang huling sinambit ni Alexandra at naguguluhang tinignan siya.

"My Lady, demons do not talk."

©IF02

Chronicles of Aren:  The Lady KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon