Lady Knight 14

8.5K 356 24
                                    

AREN 14 - PARADA NG MGA DEMONYO

Maagang nagising si Clovis, alas singko palang ng madaling araw ay nag eensayo na siya. Pagtapos ng ensayo ay ginagawa niya ang kaniyang umagang seremonya. Nag unat-unat muna siya bago lumabas ng kanilang silid para kumain ng agahan.

Habang tinatahak niya ang daan patungo sa bulwagan. Mga nadidisgustong tingin ang pinupukol ng ibang estudyante na nadadaanan niya at nakakasabay sa paglakad. 'Yung iba binibilisan, umiiwas, meron din namang lantaran kung mang insulto at titigan siya ng masama.

Hindi na naman bago sa kaniya ang ganitong bagay. Simula't sapul ganito na ang trato ng lahat sa kaniya, maging magulang niya ganito din. Lagi pa siyang hindi pinapansin ng mga guro, para bang hangin lang trato sa kanya.

Pagkakuha niya ng agahan, pumwesto na siya sa pinaka malapit na bakanteng upuan at doon naupo. Agad na nagsi-tayuan ang mga kaninang kumakain malapit sa kaniya, Nagkaroon tuloy siya ng sariling table.

Parang VIP lang ang dating.

Ok lang, matagal na siyang sanay sa ganitong eksena, normal na sa kanya ang kumain ng mag-isa. Sa kalagitnaan ng pagkain niya biglang may sumulpot at naglapag ng agahan sa mesa at umupo sa harap niya.

"Mornin'."
Walang buhay na bati ni Alex habang pipikit-pikit pa.

Nagulat si Clovis at the same time natigilan.

Oo nga pala, simula ngayon hindi na siya mag-isang kakain. Lagi na niyang makakasama ang kaulayaw na si Alex. Nakakapanibago, ngunit nakakagaan sa loob.

Mukhang nakulangan si Alex sa tulog at ngayon nagdudusa, nanaman. Pero kahit na nakapikit ito, tuloy parin sa pagsubo ng pagkain. Napapangiti nalang si Clovis sa ka wirdohan ng lalaki.

Hindi niya matanto pero merong kakaiba sa binatang ito na parang naghuhugot sa kaniya, hindi niya maintindihan kung ano. Minsan napapansin nalang niya ang sarili na walang malay na nakatingin dito. 'Pag nahuhuli naman siya ni Alex ngingitian lang siya nito ng nakakaloko.

Sa tatlong kategorya lang naman nababase ang mga nilalang para sa kaniya: Mga natatakot sa kaniya, mga kinamumuhian siya o mga gustong patayin siya.

Si Alexander ng pamilya Holtzman ay hindi nabibilang sa kahit anong kategorya.

"Akala ko hindi ka na magigising."

"Bakit patay na ba'ko para hindi magising?"
Pagiging sarkastiko ni Alex, hindi na siya sumagot at tinuloy narin ang pagkain.

Sanay narin siya sa pabago-bagong ugali ni Alex. Minsan palatawa, mapagbiro, mainit ang ulo, pikon, maingay tapos tatahimik at lulungkot ang mata. Paiba-iba ngunit mas madalas na nakangiti ang binata kahit walang dahilan, may mga araw lang na mabilis uminit ang ulo nito.

Lalo na kapag naistorbo sa pagtulog.

Pagtapos ng agahan ay naghiwalay na silang dalawa, magkaiba ang klase nila ngayong araw, sayang. Gusto pa naman niya makasama sa klase si Alex. Kahit na medyo wirdo kumilos ang ginoo, natutuwa siya 'pag kasama ito. Pakiramdam niya normal na mamamayan lang siya 'pag kapiling ito.

Paglubog ng araw, katatapos lang maligo ni Clovis at matutulog na sana nang mamataan niya si Alex na parang magnanakaw na lumalabas ng silid. Tahimik at puno ng pag-iingat na tinatahak ng kaulayaw ang daan, sinundan niya ito ng patago.

Pumasok si Alex sa taguan ng armas, sumunod din siya, nalagi doon si Alex ng ilang minuto at manghang-mangha na inobserbahan ang mga metal na nasa paligid.

Mga baluti na may mga iba-ibang disenyo. Pinag-aralan nitong maigi ang mga espada na nakahilera; scimitar, broadsword, claymore, rapier at katana.

Rinig pa niya ang mahinang woah ni Alex habang tinitignan ang mga ito na parang bata na ngayon lang nakapasok sa museo.

Nilapag ni Alex ang lampara sa tabi at lumapit sa hilera ng mga espada, dumukot ito ng broadsword.

Pinagbawalan ang mga estudyante na kumuha ng mga tunay na patalim dito sa armory. Ang mahuli sa akto ay mapapatawan ng mabigat na parusa. Kailangan niyang pigilan ang binata bago pa ito mapagalitan, 'yan ang tumatakbo sa isip ni Clovis.

Nakanganga si Alex habang tinitignan ang tulis at ganda ng pagkahulma ng mga patalim, isang napaka gandang sining na ginawa upang kumitil. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kadaming espada o gamit pang patay sa tana ng buhay niya, maliban sa mga baril.

Ayaw gamitin ni Alex ang rapier na binigay sa kanya ni Faust, ayaw niya na madumihan ito kagaya noong isang gabi. 

Hahawakan palang ni Alex ang espada nang biglang may magsalita.

"Anong ginagawa mo?"

Kamuntik-muntikan nang itutok ni Alex ang matalim na bagay sa harap ng lalaki, nagulat siya.

"Damn! Clovis, anong ginagawa mo dito? Hobby mo ba ang manggulat? 'Pag ako talaga namatay sa nerbyos, ikaw ang may kasalanan." Wika niya habang sapo-sapo ang dibdib.

Muntik na siyang himatayin sa takot, akala niya nahuli na siya, mabigat pa naman ang parusa sa mga lumalabag sa batas.

"Ikaw ang nararapat na tanungin ko niyan. Nahihibang ka na ba talaga Alex? Mapaparusahan ka sa iyong nais na gawin. Huwag mo sabihin na muli ka nanaman mag-eensayo sa kakahuyan? Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na delikado? Hiling mo bang malagutan na ang iyong hininga?"

"Ikaw, daig mo pa yung ermat ko manermon. Hihiramin ko lang naman 'to, tsaka isang gabi nalang naman Clovis eh. Wag mo'ko isumbong, please."
Pagmamakaawa ni Alex habang magkadikit ang palad, naka pout at paawa effect ang mukha.

"Itigil mo nga iyan Alex, kahihiyan iyang ikinikilos mo. Nasaan na ang dignidad mo? Kung kumilos ka ay parang isang binabae, umayos ka."

"Grabe ka! Cute naman ako ah, anong nakakahiya 'don?!"

"Isa kang ginoo, hindi marapat na tawagin mo ang iyong sarili na kyut na parang isang dilag. Huwag mo sabihin sa akin na lalaki ang hilig mo?"


Napabalikwas si Alex. Nakalimutan niya na lalaki nga pala siya ngayon. Bakas sa mukha ni Clovis ang medyo natatakot. "Ha-ha... Oo nga, hindi ako cute, gwapo pala ako. A-anong ginagawa mo pala dito? Siguro may balak ka ding kumuha ng espada 'no?"

"Pakiusap, huwag mo akong ihalintulad sa iyo. Namataan lamang kita na naglalakad na tila isang magnanakaw kaya't sinundan kita. Nais ko lamang pigilan ang katangahan na iyong pinaplano. Tara na't magbalik sa ating silid bago pa tayo maabutan ng mga gwardya."

"Maka tanga 'to, bigwasan kita diyan eh. Hindi ako babalik, kailangan kong mag-ensayo. Hindi naman ako mahuhuli kung hindi mo'ko isusumbong diba? Tsaka tropa naman tayo. Ang magkakaibigan nagtutulungan, di...ba?"

"Kai...bi..gan?"


Medyo hindi makapaniwala si Clovis, ito ang unang pagkakataon na merong tumawag sa ginoo na kaibigan. O baka naman kaya ito tinatawag na kaibigan ni Alex eh para makatakas dito sa kalokohan na gagawin.

Biglang may inabot na espada si Alex, 'yong broadsword na dapat na kukunin niya. Nagtatakang tingin lang ang binigay ni Clovis.

Pinilit niya itong tinulak kay Clovis kaya walang nagawa ang nagtataka na ginoo kundi hawakan.

"Bakit ibinibigay mo sa akin ang bagay na ito?"

"Hinawakan mo 'yan, isa ka na sa mga kasamahan ko. Para 'pag nahuli ako, hindi lang ako ang pupunta sa impyerno, kasama ka na. Ha-ha-ha! Mas masaya ang impyerno 'pag kasama ang kaibigan, mag sanib pwersa tayo, kunin natin ang trono ni Satanas."

"Ikaw Alex!"

"Ha-ha, chill ka lang Clovis. 'Wag mo na kasi isipin 'yon, mabuti pa samahan mo nalang ako mag-ensayo para may kalaban ako. Para isang kasalanan lang eh, hindi naman tayo papahuli, 'wag kang mag-alala. Alam mo nandiyan ang mga batas para labagin, may kasabihan nga tayo; rules are meant to be broken. Ha-ha!"

"Wala akong natatandaan na ganyang kasabihan."

"Well sa Earth meron."
Pabulong na saad ni Alex.

"Ano?"

"Wala po koya, tara na, puro ka satsat."


Kinuha ulit ni Alex ang binigay na espada at iginiya si Clovis na kumuha ng sariling armas. Tutal eh nandito narin lang siya, hayaan na niya ang susunod na mangyayari.

Bahala na kung mahuli o hindi.

Dumukot ng claymore si Clovis, although mabigat ito para sa iba, para sakaniya ay kasing gaan lang ito ng normal na espada. Salamat sa lakas ng demonyo na nananalaytay sa kaniyang ugat.

Nang makarating sila sa malalim na parte ng kakahuyan, hinubad ni Alex ang suot na kapote at sinabit ito sa tangkay ng puno. Natigilan si Clovis. Anong klaseng kasuotan ang gamit ni Alex? Ito ang unang pagkakataon na nakita nito ang ganitong uri ng tela.

"Ba't ganyan ka makatingin ha? Nababakla ka na ba sa'kin?" Tanong ni Alex na tatawa-tawa pa, pero hindi sumagot ang binata at nakatingin lang sa suot niya.

Tinignan ni Alex ang sariling kabuoan, naka cycling at tshirt nga pala siya ngayon. Hala, buti nalang hindi niya tinanggal ang bigkis sa dibdib niya, kasi tinatamad siya. Kundi baka alam na ni Clovis na babae siya.

Malaki talaga ang naitutulong ng katamaran sa buhay, niligtas ng katamaran ang buhay niya. Clap! Clap! Mabuhay ang mga tamad! Mabuhay si Juan tamad!

"Anong klaseng kasuotan iyan? Ngayon lamang ako nakakita ng ganiyang klase ng tela. Maging ang suot mong sapatos ay banyaga."

"Hala! Paano ko ba 'to ipapaliwanag? Letchugas na oh! Ba't ko ba kasi sinama ang kupel na 'to? God! Problema nanaman."
Bulong ni Alex sa sarili. "Uhmm.. Hindi ko rin alam eh basta binigay lang 'to sa'kin ni Faust, regalo daw, ako lang daw ang meron nito sa Aren." Pagdadahilan ni Alex, nagiging mahusay na siya sa pagsisinungaling.

Malamang siya lang ang meron niyan sa Aren dahil sa mundo ng mga tao nakukuha ang ganiyang damit. May naka design pang bungo sa harap ng damit. Nako naman.

"'W-wag mo nang pansinin ang suot ko Clovis, maglaban na tayo sayang ang oras."

Although may pagdadalawang isip, tumango nalang si Clovis. Sabay silang pumosisyon na dalawa., kapwa nakatutok ang espada sa isa't isa.

Ngayon na natignan maigi ni Clovis ang katawan ni Alex, napansin nito na medyo payak ito pero may muscle, maputi ang balat at paano ba magandang sabihin? May hulma ang katawan?

Tila katawan ng isang babae.

"Imposible... Hindi maaring maging mandirigma ang isang babae. Ano ba itong pumapasok sa aking isipan?" Tinaboy ni Clovis ang pumapasok sa isip, hindi maganda ang naguguluhang utak sa gitna ng laban, 'yan ang pangunahing dahilan kung bakit nabibigo ang isang mandirigma.

Mariin na tinignan ni Alex si Clovis.

Simula nang ma-engkwentro niya ang demonyo na 'yon may kaunting nagbago sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung ano, pero simula n'on nagbago ang pananaw niya.

Napansin din ni Clovis ang pagbabagong 'yon, kung ikukumpara ang dating ni Alex noon sa ngayon, mas nakakakilabot siya ngayon.

Tinantya nila ang bawat isa at mataman na nagtititigan, iniikutan ang isa't isa at naghahanap ng magandang tyempo. Sa isang tunog ng uwak mabilis pa sa kidlat na nagtama ang talim ng kanilang espada.

Walang humpay na sumasayaw sila na tanging buwan lang ang nag sisilbing liwanag. Bawat hampas ay may bigat. Sa pagkakataong ito, may tyansa na manalo si Alex. Kung noon hindi pa niya alam ang pakiramdam ng nasa bingit ng kamatayan, ngayon alam na niya, isa 'yon sa mga bagay na nagpalakas sa kaniya.

Mahigit tatlong oras din ang ginugol nila sa pag eensayo, patas ang laban at kapwa sila may natutunan. Kadalasang lamang si Clovis, pero achievment parin na matatawag ito para kay Alex. Pasalampak na humiga si Alex sa damuhan habang hinihabol ang hininga, ginaya narin ni Clovis ang ginawa niya.

Tahimik lang sila at hindi nag-uusap, dinadama lang ang malamig na hangin ng gabi. Nakaka relax ang simoy ng hangin at nakakawala ng pagod.

Bihira nalang ang lugar sa Earth na may sariwang hangin, gaya nito. Kapag nakabalik na si Alex, ito marahil ang pangalawa sa mga bagay niyang hahanap-hanapin, una na ang minatamisang bato.

"Clovis." Mahinang tawag ni Alex. "Clovis, gising ka ba o nakatulog ka na?" Nilingon ni Alex ang binatang maharlika, nakadilat ito at mataman na tinitignan ang malaking buwan habang magkasalubong ang kilay.

"Hmmm." Bumangon si Clovis at inupo ang sarili.

Nilibot ni Clovis ang paningin sa paligid, tunog lang ng insekto at mangilan-ngilan na kwago ang maririnig. Malakas ang hangin kaya pumapagaspas ang mga puno na parang pak-pak.

"Parang may kakaiba, hindi ko maintindihan pero kinikilabutan ako." Wika ni Alex.

Sinundan niya ang ginawa ni Clovis at hinawakan ang katabing espada. Nilalamig ang buo niyang katawan sa hindi malamang dahilan, hindi naman dahil sa hangin, pero kakaiba talaga. Pareho ito ng naramdaman niya nang maka-ingkwentro siya ng demonyo.

"Nararamdaman mo?" Tanong ni Clovis, tila hindi makapaniwala. Dapat ba hindi niya maramdaman?

"Oo, ano ba 'yon?"

Nagsalubong lalo ang kilay ni Clovis. Iginilid nito ang ulo pa kaliwa para ipakita kay Alex ang marka sa leeg nito, para itong gumagalaw na buntot.

"Woah! May tattoo ka at gumagalaw pa! Ano 'yan? Ngayon ko lang napansin na may tattoo ka pala."

"Hindi ko alam kung ano ang tattoo, ngunit ang mga marka na ito ay lumalabas lamang kapag may malapit na demonyo."

"Demonyo?"
Natigilan si Alex, ibig sabihin iyon yung kanina niya pang nararamdaman na kilabot. "May demonyo na nasa paligid natin?"

"Oo, at hindi demonyo, mga demonyo. Ramdam ko na madami sila at sobrang pagnanasa ang mayroon sila ngayon."

"Anong gagawin natin? Tatakbo ba tayo pabalik para humingi ng tulong o kakalabanin natin sila?"

"Kung tatakbo tayo pabalik, pag pye-pyestahan ng mga demonyo ang mga estudyanteng natutulog sa dormitoryo, mapapahamak sila. Wala tayong ibang paraan kung hindi ang lumaban."

"I can't believe you. You know what, kung ako ikaw, hahayaan kong pag-pyestahan ng mga demonyo ang mga demonyo din sa dorm natin. Araw-araw ka nilang nilalait at tinitignan ng masama, na akala mo ikaw ang pinaka makasalanan sa mundo, but here you are, iniisip ang kapakanan nila. You're too kind for your own good, Clovis. Hindi ko alam kung ipokrito ka o sadyang ganyang ka mag-isip."
Nginitian ni Alex si Clovis. "But that way of thinking, I don't hate it."

Napahinto si Clovis sa sinabi ni Alex. Sinabi niya ito ng may sinseridad, mga mata nito ay magiliw na tinignan siya. Bumangon si Alex na may matalas na mata habang tinitignan ang paligid.

"Salamat." Bulong ni Clovis sabay tumayo narin hawak ang sariling espada.

"Now then, let's kill to our heart's content."

Biglang may kumislap na isang pares ng pulang mata sa bandang kaliwa.

"Isa lang pala eh, kala ko ba madami?" Aatake na sana si Alex, pero pinigilan siya ni Clovis. "What?"

Meron nanaman isa pang pares sa kanan, meron pang isa katabi ng nauna, hanggang sa nalibutan sila ng pulang mga mata. Napalunok si Alex, ngayon palang alam niyang hindi niya kakayanin na mag-isang kalabanin ang sandamukal na demonyong 'yan.

"Are you fucking serious? Well.. Hindi ko alam ang sasabihin, first time kong matakot ng ganito Clovis."

Natatakot si Alex, oo naka ingkwentro na siya ng demonyo, pero iisa lang 'yon. Madami 'to at madami din ang nagbabato sa kaniya ng matinding uhaw sa dugo, kinikilabutan ang buong katawan niya.

Kinumpirma ni Clovis, nakita nga niyang nanginginig ang kamay ni Alex habang mahigpit ang hawak sa espada.

"Feeling ko nababaliw na'ko Clovis."

"Tinitiyak kong hindi ka pa nababaliw, natural lamang na kilabutan ka sa dami ng demonyo na nakapaligid sa iyo. Magtataka ako kung hindi ka kilabutan, ibig sabihin noon ay matindi ka pa sa demonyo."

"Yun na nga eh, kinikilabutan ako, pero at the same time, medyo excited. Do you think I'm weird?"
Nababahalang tanong ni Alex.

Hindi mapigilan ni Clovis ang mapatawa, kahit nasa gitna sila ng kapahamakan. Sapo-sapo nito ang sikmura habang hirap na hirap na huminga. Ilang taon na ba ang lumipas nang makatawa ulit siya ng ganito? Wala talagang pinipiling oras ang pagiging abnormal ni Alex.

"Nakuha mo pang tumawa!? Kita mo na ngang napapalibutan tayo ng nagugutom na demonyo. Ipakain nalang kaya kita sa kanila nang maka alis ako ng buhay dito?"

Parang bata na nag pout si Alex. Parehas nilang nakalimutan ang pahamak na nakapalibot sa kanila nang bigla silang atakihin ng isa sa mga ito.

Buti nalang at pareho silang nakailag ng maayos.

"Ayan! Kasi ikaw! Binadtrip mo sila, tatawa-tawa ka pang gago ka. 'Pag ako talaga namatay dito, ikaw ang una kong mu-multuhin."

Sinimulan na nilang atakihin ang mga demonyo. Medyo hindi parin sanay si Alex na makita ang kagimbal-gimbal nitong itsura, nasa kalagitnaan palang siya ng pagsasanay, sana naman maka survive siya.

Merong isa na may katawan ng parang kambing na nakatayo tapos may dalawang mukha ng tao. Meron namang napakalaking gagamba na parang asong ulol na naglalaway. Sa likod niya may nag aabang na tikbalang na may katawan ng crocodile at isang parang baphomet.

Hindi niya alam kung ano ang una niyang titignan, lahat ng ito ay bago sakaniya, iba-iba pala ang itsura ng mga demonyo.

"Mamaya ka na mamangha Alex, kung hindi, mamamatay ka."


Pagkasabi n'on ni Clovis, biglang may umatake mula sa likod niya, two headed cobra at mukhang may matinding lason ang pangil nito, natunaw ang bato na natamaan. Bato 'yon for Gods sake! Pano pa kaya pag katawan niya ang natamaan?

Marami-rami narin siyang napapatumba. Buti nalang at nakinig siya sa guro niya sa demonology, kailangan pugutan sila ng ulo para mamamatay. Kung hindi niya alam ang bagay na 'yon baka kanina pa siya nagtataka kung bakit hindi mamatay-matay ang mga hayop na'to.

Sa bawat wagayway ng espada niya ay siya namang balusok ng dugo nito papunta sakaniya, para tuloy siyang naligo sa dugo. Ang problema, parang hindi nauubos ang mga kagimbal-gimbal na nilalang.

Napapagod na siya at hindi 'yon magandang mensahe. Kanina niya pa hinahanap si Clovis pero hindi niya ito mahagilap, masyadong maraming demonyo ang nakaharang.

"Nasaan na ba ang demonyong 'yon?! Hindi kaya nakain na nila si Clovis?" Tanong ni Alex sa sarili.

Gusto niya sanang hanapin si Clovis, nanghihina na siya, kailangan nila ng tulong.

Natigilan nalang siya nang biglang tumigil sa pag atake ang mga demonyo at dumagundong ang malakas na ungol halintulad ng isang malaking halimaw. Binitawan ni Alex ang hawak na espada sabay napatakip ng tenga, sa sobrang tindi nito. Yumuko ang mga demonyo at parang maamong tuta na tumigil sa pag atake.

Anong nangyayari?!

Kinuha niya ang tiyansa na ito para makahinga ng maigi at bumawi ng lakas. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari bigla sa mga demonyo at natigilan sila. Kailangan din niya hanapin si Clovis kung buhay pa ba 'to.

Maglalakad na sana siya nang gumawa ng daan ang mga demonyo para sa kaniya na akala mo ay isa siyang hari.

"What the fuck?!"

Nakarinig siya ng yapak na papalapit sa kinaroroonan niya. Nanlaki ang mata niya at literal na tumigil ang paghinga niya. Namataan niya ang anino ng parang tao na papalapit, or should I say Arenian.

Nakangiti itong naglalakad papalapit, kilala niya ang mukhang 'yon, pero hindi siya pamilyar sa pagbabagong nangyari sa katauhan nito. Ang dating kulay uwak na buhok nito ay naging pilak at mas lalong humaba. Ang kuko nito ay mahaba at matalas na, nagkaroon din ng dalawang matalas na pangil sa ngipin nito. Ang tunic na kaninang suot nito ay ngayon wala na, kaya kitang kita ang katawan nito na nababalutan ng kakaibang mga burda.

Hindi kay Alex nagbigay daan ang mga demonyo, kundi sa bagong dating na nilalang.

May nababalot na madilim na enerhiya sa paparating na nilalang. Ang dating dark red nitong mata ay naging umiilaw na dugo, may bahid ng panghahamon.

"C-clovis?"

©IF02

Chronicles of Aren:  The Lady KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon