Lady Knight 46

4.2K 187 2
                                    

AREN 46 - I LOVE YOU

Tahimik ang lugar habang kumakain si Leroy at Alex. Usually kahit anong ginagawa nila, meron silang pinag-uusapan. Pero ngayon, parang dalawang hindi magkakilala ang magkaharap. Hindi tumitingin si Alex kay Leroy, kahit kaunting sulyap. 

Nanatiling tahimik si Alex habang kumakain, rather habang pinaglalaruan ang pagkain. Parang pinapatay na nga niya ang karneng nasa harap, sumusubo ng pakonti-konti, halatang pinipilit ang sarili.

Ilang beses na sinubukan kausapin ng Duke si Alex, sumasagot naman ang dalaga, pero mga sagot na tatapos na ng usapan nila. Tinitigan ng Duke si Alex, parang wala sa sarili, ang mga mata ay parang sa patay na isda.

Medyo nalungkot si Leroy. Alam naman niya, hindi naman siya tanga. Sa talino ng Duke of course naiintindihan niya at basang-basa niya ang emosyon na dumadaloy sa dalaga ngayon. Bakit nga ba kasi hanggang ngayon mayroon pa siyang litrato ng binibini? Kahit siya sa sarili niya hindi niya maintindihan.

This is the first time, na makita niyang ganyan si Alex. Malamya, tahimik at parang ibang tao. With that sad appearance of hers, he also felt some strings break in his heart.

Dahil hindi na masikmura ni Leroy ang katahimikan ni Alex, nagsalita siya. "My Lady, how do you like the food. I specifically instructed Raven to prepare your favorite foods."

"It's good."
Walang buhay na sagot ni Alex.

"Did you enjoy your battles?"

"Yea."

"I apologize, I forgot to teach you how to use your Reio."

"Its ok."


Ilang minuto na panay ang kausap ni Leroy kay Alex, pero mga walang buhay na sagot lang ang natatanggap niya. Napa-buntong hininga si Leroy, he didn't like this at all and he's getting worried.

He took something out from his pocket and put it in front of Alex. "Congratulations on winning, My Lady. This is for you, I do hope that you like it." Saad niya habang nakangiti sa dalaga.

Mataray na tumaas ang kilay ni Alex. "Anong pinagsasasabi mo?"

This time nagawa na niyang ipatingin si Alex sa mata niya. Kanina kasi, sumasagot ito habang nakatingin sa ibang bagay. "Have you forgotten? I believe I told you that I will give you a congratulatory present." She did forgot.

"No need, I didn't even get to fight that much anyway. No need to give me presents." Balewalang saad ng dalaga. Hindi pa nauubos ang pagkain sa plato ng dalaga nang bigla itong tumayo. "Tapos na'ko, babalik na'ko, salamat sa pagkain." Walang emosyon na saad ng dalaga. Nakatingin siya sa Duke pero there was nothing in her eyes, wala 'yung spark at saya na nandoon kapag nag-uusap sila. It's like there were no emotions inside of her at all.

Like she was looking at a stranger.

Nagpa-panic na napatayo agad si Leroy nang magsimula nang maglakad paalis si Alex. Hinabol niya agad si Alex, na hindi manlang nag-abalang lingunin siya nang tawagin niya ang pangalan nito. Hinawakan niya ang kamay ni Alex ng mahigpit, sa takot na baka kapag tuluyan na makaalis ang dalaga hindi na magbago ang tingin nito sa kanya.

Hinalikan niya ang noo ng dalaga sabay gamit ang dalawang kamay, hinawakan ang mukha at pinagpantay ang mga tingin nila. Sa malapitan kitang-kita niya kung paano tumingin si Alex sa kanya. There was sadness hidden deep inside, but slowly nawawala 'yon at parang nawawala narin si Leroy sa pangingin niya. Natakot ang Duke, natakot sa isipan na parang mawawala ng tuluyan si Alex sa buhay niya.

"My Lady, look at me. I'm here, in front of you! Why are you being like this?" Nababahalang saad ni Leroy, ang dalawang kamay nanginginig na. "Don't leave, I beg of you." Dagdag pa nito.

Nang makita ni Alex ang kalagayan ni Leroy, biglang nanlambot ang puso niya. Nawala bigla ang kakaibang emosyon sa mata niya at bumalik ito sa dati, pero mas naging evident lang ang kalungkutan na nararamdaman niya. Pinilit niya na ngumiti sa Duke at hinawakan din ang pisngi nito.

"Anong sinasabi mo? Hindi ako mawawala, babalik lang ako sa bahay ni Khafra kasi may party doon." Nakangiti na saad ni Alex, but it was faker than fake.

Habang kumakain si Alex, inisip niyang maigi. Kung tama ba na magselos siya sa babae na nasa picture, kay Hermosa. May rights ba siya na gawin 'yon? Ni wala namang sinasabi ang Duke sa kanya na mahal siya nito, nag assume lang siya. Assumera si Alex eh. Kasi sa mga pinapakita at ginagawa ng Duke sa kanya, feeling niya pareho sila ng nararamdaman. Feeling niya nagmamahalan sila. Pero ngayon na narealize niya, never sinabi ng Duke na mahal siya nito. First time niyang nagmahal, sa lalaki pang may mahal nang iba.

Pero quits lang, kasi kinasal na 'yung mahal niya sa iba.

Sa pagiging sweet ba naman kasi ng Duke sinong hindi mahuhulog. Hindi naman niya akalain na walang sasalo sa kanya eh. Bad move siguro 'yung part na sumama siya kay Leroy noong first time palang niya dito. Siguro kung iba ang makakita sa kaniya, hindi din siya papatayin. Siguro 'yung iba na 'yun, baka mahalin din siya gaya niya.

But hey, the only thing that the world lacks the most is the pill of regret.

Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ni Leroy. That wasn't the smile she used to beam whenever they talk or whenever she smiles at him. This is not the face of the girl he didn't want to be away with. With that, he knew, he's losing her, slowly she's fading away from him.

He firmed himself, then bigla niyang tinutok sa side table ang kaliwang kamay niya. May lumabas na bola ng tubig doon at parang putok ng baril na dumiretso ito papunta sa larawan na kanina lang tinititigan nilang dalawa. Nabasag ang salamin at tumama ang larawan sa pader, nalaglag na ito sa likod ng side table ni Leroy kaya hindi na nila nakita.

Nagulat si Alex sa ginawa ni Leroy, para siyang binuhusan ng tubig habang natutulog. Kunot noong tinignan niya ang side table ni Leroy na wala nang larawan at pabalik sa Duke. "The fuck are you doing?" Hindi maintindihan na tanong ni Alex.

Hindi sumagot ang Duke tumingin lang siya kay Alex at parang nahihirapan. Hindi alam kung paano magsisimula. Lumunok muna ito ng ilang beses sabay naglakad paupo sa kama niya. Sumunod si Alex pero nanatili siyang nakatayo sa harap ni Leroy. Yumuko ang Duke at pinahid ang mukha, habang nakayuko bigla siyang nagsalita.

"I did love her..." Biglang bulong ni Leroy, but enough for her to hear. Hindi nagsalita si Alex, hinintay niya ang susunod na sasabihin nito. "But she loves another man, the funny thing is, it was my bestfriend that she loves."

Natahimik ang buong silid. Hindi alam ni Alex kung ano ang sasabihin niya. This is the first time Leroy talked about his past. Should she console the man? Fuck she's broken hearted too. May oras pa ba siya para patahanin ang puso ng iba, kung 'yung sarili nga niyang puso wasak na wasak na. So pinigilan niya ang sarili niya na hawakan si Leroy, binola niya ang kamao at huminga ng malalim.

Napag desisyunan na niya, na ititigil na niya ang kahibangan niyang pagmamahal. Kung hindi din naman kasi maibabalik, tangina anong purpose diba? Sayang lang ang feelings. For sure mawawala din ang nararamdaman niya. Si Alex pa ba? Kapag finocus niya ang sarili niya sa isang bagay for sure magagawa niya, so sigurado na kaya niya ring kalimutan ang nararamdaman. Isa pa, hindi naman talaga siya taga dito, hindi maintindihan ni Alex ang pinagsasabi ni Leroy na Valkyrians, ayaw din naman niyang intindihin. Gusto lang niya makita si Ethan at Ron at makabalik na.

Mapait na napangiti si Alex, gusto nga rin niyang matawa. First love, first heartache all at the same time.

Maya-maya biglang hinawakan ni Leroy ang kamay niya, nanginginig pa nga ang kamay ng Duke habang hawak siya. "That was in the past My Lady, I bear no feelings to her anymore. She is but a simple childhood friend to me now. You are different, you are the person I love now and will still love in my afterlife."

Nagulat si Alex at nanigas, hindi makapaniwalang tinignan niya si Leroy na nakayuko parin. Tumingala ang Duke at tinignan si Alex. Ngumiti ito ng maliit at tumayo. Hinalikan niya si Alex ng matagal, pero nanatiling estatwa si Alex. "I love you, My Lady. I am willing to go through hell and back just for you. I will give you the stars if you wish. I will kill the Gods if you so wish. So I beg of you, don't be like this to me. It pains me deeply to see your eyes look at me as if I am not allowed to even be near you." Medyo nanlalaki ang mata na tinitigan ni Alex si Leroy, na medyo mukhang iiyak na.

"Ano? Ulitin mo nga!" Utos ni Alex.

"My Lady?"

"I said ulitin mo!"

"I am willing to go throu..."

"Hindi yan!"

"I will give..."

"Not that!"
Napasigaw na nga si Alex, na ikinangiti naman ng Duke. Medyo may clue narin kasi siya kung ano ang gustong ipaulit ni Alex. "Ayusin mo kapag nagkamali kapa, sisipain ko yang bayag mo." Banta ni Alex na nanlalaki ang mata.

"I was kidding My Lady, I said..." Tumawa si Leroy sabay lumapit sa tenga ni Alex at bumulong ng. "I LOVE YOU."

Namula si Alex, medyo kinilig pa nga. Kung kanina walang ka emosyon-emosyon ang mata niya. Aba ngayon nag-uumapaw at halo-halo ang nararamdaman niya. She was waiting for that. For those words to come out from his mouth. And he finally did, just before she totally leaves. Lumayo si Leroy at tinitigan ang dalaga, inasahan na niya na magiging ganyan ang itsura ni Alex. Tinignan ni Alex si Leroy at ngumisi. "Sasabihin mo din pala, pinatagal mo pa! King ina ka talaga!"

Then she kissed him, with all that she had.

"I love you too, Faust."


★Chronicles of Aren: The Lady Knight★

Kanlurang Kontinente, kung saan nakatayo ang palasyo na may pinaka matikas na depensa, ang kaharian ng mga Valkyrian kung saan pansamantalang nananatili si Ethan at Ron.

Sa silid tanggapan ng Emperador, matindig na nakaupo si Ethan sa trono ng Emperador, ang noo mataas at ang mata matalas. Minsan lang magseryoso ang mukha ni Ethan, at simula nang dumating siya sa Aren lagi nalang siyang ganito.

In the beginning acting lang, this time, he's serious for real. After all plano niyang makipag-gera, and he doesn't have any time to act stupid. He might die for real, and if he loses this war, who knows what will happen?

Nakatayo sa dalawang gilid niya ang isa sa mga malakas na mandirigma ng mga Kindred, ang nilalang na ito din ang nagsisilbing personal bodyguard niya. Well they call him the Empire's Knight, si Lanchlan. The guy who believes in the Emperor unconditionally.

Sa kabila naman ay ang tao na si Ron, na ngayon ay nagsisilbing advisor ni Ethan. Hanggang ngayon walang nakakaalam na tao si Ron, ang tingin nila'y Harenian ito.

Sa harap ng trono ay may mahabang table, kung saan nakapwesto ang mga pinuno at generals na sasabak sa gera na pamumunuan ni Ethan. Karamihan ng nasa silid ay mga Kindred na handang mamatay para lang bumalik sa dati ang lahat, para bumalik ang dating Aren.

Naglakad papunta sa harap si Ron, ang mukha strikto. "Maraming salamat sa inyong pagdalo, batid kong marami kayong gawain. Simulan na natin ang pagpupulong na ito." Nagtanguan naman ang lahat ng nasa silid. Tumango din si Ron at tinignan ang ilang papeles na nasa kamay niya. "Simulan natin sa ministro na humahawak ng mga armas at baluti ng mga sundalo!"

May lalaking tumayo sa kinauupuan nito at lumuhod. Base sa itsura ng lalaki, isa itong dwarf. "Mahal na Emperador, ito ang mga armas at baluti na ginawa ng aking pamilya para sa ating mga mandirigma. Tiyak kong magugustuhan ito ng ating mga sundalo." Mula sa infinity bag ng dwarf naglabas siya ng mga espada, pana, dagger at kung ano-ano pa na gamit pang gera.

Tumayo ang ilang mga pinuno para personal na mahawakan, tignan ang talas at tibay ng bawat materyales. Lahat sila napapatango sa bawat inspeksyon na ginagawa nila.

"Wala paring kupas ang pinaka mahusay na panday sa buong Aren." Komento ng isa sa mga pinuno. "Talas, tikas at kung ano-ano pa. Tanging ang pamilya ng Hande ang may kakayahan na gumawa ng ganito kahusay na kagamitan."

Ngumiti ang dwarf at medyo na proud sa sinabi ng isang pinuno. "Maraming salamat Panginoon Nim. Isang karangalan para sa pamilya Hande na paglingkuran ang Emperador. Personal ding binibisita ng Emperador ang aming gawain at nagbigay pa ng mga abiso kung paano mas madaling gamitin ang lahat."

Napatango silang lahat ulit.

Tinuloy pa ng dwarf ang paliwanag tungkol sa progress nila. Ipinaliwanag nito kung ano na ang nangyayari, kung gaano na kadami ang mga armas na nakalap nila at kung gaano ito katibay. Dinalaw narin ni Ethan at Lanchlan ang armory at nakita niya kung gaano katibay ang mga ito, at gaano kadali gumalaw kahit suot ito.

Biglang may naalala si Ethan. "Oo nga pala! Panginoong Hande, handa ba 'yung pinagawa ko?"

Ngumisi ang dwarf nang tanunging ng Emperador. "Mahal na Emperador, handa na, mayroon pang konting kailangan na gawin, ngunit kung sasabak na tayo sa gera ngayong araw ay maari na itong gamitin. Tiyak na magugulat ang Emperatriz sa oras na ilabas natin ito."

"Mabuti."
Ngumisi din si Ethan at tumango naman si Ron.

Nagtatakang nagbulungan naman ang ibang mga pinuno na nandoon.

"Ano ang bagay na iyong tinutukoy, Panginoong Hande?" Tanong ng isa sa mga Heneral.

Tumingin ang dwarf kay Ethan, ang mata nagtatanong. Tumango lang si Ethan na sumasangayon sa tahimik nitong tanong.

Ngumising muli ang dwarf. "Ipapakita ko sa inyo ang kakaibang bagay na pinagawa ng Emperador sa akin." Naglabas ng maliit na catapult na gawa sa kahoy ang dwarf. "Ito ang maliit na modelo, ngunit nakagawa nako ng ilang dosena na mataas pa sa aking mansyon." Proud na proud na saad pa nito.

Oddly enough, wala pang nakakaisip ng catapult sa mundo na ito. Masyado silang focused sa pagpapalakas ng bawat isang Arenian, at hindi sanay sa pakikipag gera. Nagpakita din ng ilang patibong na suhestyon ni Ron at Ethan.

Tuwang-tuwa ang mga pinuno dito, mas lalong lumakas ang kumpyansa nila na mananalo sila sa nalalapit na laban. Lahat sila nagdidiwang at talaga namang hindi nagkamali na pinili nilang sumanib sa grupo ni Ethan.

"Heneral Kidlat, kamusta ang ating mga magigiting na mandirigma?" Tanong ni Ethan sa heneral na nag-eensayo sa mga kawal.

Tumayo ang heneral at lumuhod sa harap ni Ethan, ang mukha puno ng respeto. "Mahal na Emperador, nakahanda na ang lahat para sa ating nalalapit na pag-atake sa Gitnang Kontinente. Dahil narin sa madalas ninyong pagbisita sa aming pag-eensayo mas lalong ginaganahan at gumagaling ang ating mga mandirigma. Ano mang oras ay maari na silang sumabak at isigaw ang tunay na Emperador ng Aren." Saad pa nito.

Ngumiti si Ethan at tumango. "Mabuti, hindi ako nagkamali ng pagpili sa iyo heneral."

Na overwhelm bigla ang heneral, natuwa siya na marinig ito mula kay Ethan. Alam niya na mas malakas si Ethan sa kanya, dahil noong una hindi niya gusto ang bagong dating na binata na ito. Ngunit nang ipakita niya ang galing at lakas sa espada, halos maiyak siya.

"Maraming salamat sa inyong tiwala, Mahal na Emperador. Itataya ko ang aking buhay para sa ating pagkapanalo at upang walang masamang mangyari sa inyo." Puno ng sinseridad na lumuhod sa harap ni Ethan si Heneral Kidlat.

"Tumayo ka Heneral Kidlat, hiling ko na huwag mong itaya ang iyong buhay. Paano nalang ang Aren kung mawawalan ito ng mahusay na mandirigma? Malulungkot ang lahat kapag ika'y nawala." Tumayo si Ethan at naglakad pababa ng trono niya para harapin ang Heneral. "Heneral at lahat ng mga nandito, hindi ko hinihiling na ibuwis niyo ang inyong buhay para lamang mabawi ko ang trono ng Emperador mula sa demonyang Emperatriz. Gagawin natin ito hindi para ibalik ako sa trono, kung hindi para puksain ang nilalang na unti-unting sumisira sa ating mundo."

"Mahal na Emperador..."
Nakatingala na tinignan ng Heneral si Ethan habang nakaluhod. Noong una akala niya nagkamali sila ng sinunod, ngunit ngayon na naririnig niya ang Emperador na lumaki sa mundo ng mga tao, pinagsisisihan niya na pumasok sa isip niya saglit na ikawawasak ng Aren ang pagdating ng lalaking ito.

"Wag niyong hahayaan na may isang mamatay sa inyo, may mga pamilya kayong dapat na balikan. Puksain natin ang Emperatriz, hindi para sa akin, kung hindi para sa mga pamilya ninyo. Huwag niyong kalilimutan na palagi silang maghihintay, humihiling na muling bumalik sa dati ang Aren." Mahabang litanya ni Ethan, tumingin siya sa paligid. Lahat ng nasa silid nakatingala sa kanya ang mga mata nila halos kuminang na. "Para sa ating pamilya at para sa Aren!"

Everybody in the room was moved, all the soldiers that were listening, the nobles and especially the Kindred. They all cheered and shouted,

"Para sa Aren! Mabuhay ang Emperador!"

"MABUHAY!"

©IF02



Chronicles of Aren:  The Lady KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon