Lady Knight 23

8.1K 367 47
                                    

AREN 23 - BARKADA

Pagdilat ng mga talukap ni Alex agad niya din itong sinara dahil sa nakakasilaw na sigid ng araw. Bumaligtad siya para sana takasan ang sinag nito, pero hindi na siya makabalik sa mundo ng panaginip.

Not like maganda ang panaginip niya in the first place.

Nakakapagtaka lang kasi matigas ang hinihigaan niya, masakit tuloy ang ilang parte ng katawan niya. Pinilit ni Alex na bumangon pero agad din niya itong pinagsisihan. Parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit, may hangover siya, isang matinding hang over.

Labag man sa kalooban ni Alex, pero pinilit niya ang sarili na bumangon. Paglibot ng mata niya sa salas nila, may mga nagkalat na mga bote ng alak na walang laman at pulutan na parang binagyo, mukhang napadami ang nainom nila. Sobrang kalat pa ng lugar.

Napanganga si Alex nang makita ang estado ng mga kasama niya. Si Siegmund nakahiga sa sahig at may yakap-yakap na bote, nakangisi na parang tanga. Ano naman kaya ang napapanaginipan ng isang 'to?

Then napasulyap siya sa kalagayan ni Guillastes, hindi niya maalala kung paano at kailan napunta ang binatang elf doon, pero nasa loob na ito ng fireplace, parang buddha na nakaupo, may mga nakasulat pa na kung ano-ano sa noo.

"The hell?" 'Yan nalang ang nasabi ni Alex.

Gusto sana niyang kuhaan ng litrato ang dalawa, para meron siyang maipang blackmail sa mga ito, kung sakali, kaso lang ang tindi ng hangover niya, ni hindi niya magawang tumayo.

Hindi niya maintindihan kung susuka ba siya o ano eh.

Hahanapin palang ni Alex si Clovis nang biglang bumukas ang pintuan sa banyo, nilingon niya ito at nakita ang kalahating demonyo na naka tapis lang, mukhang katatapos lang maligo.

Tinignan ni Alex mula ulo hanggang paa ang medyo basa pang demonyo. "Nice body, pwede na pang rampa. For sure sisikat agad 'tong ungas na 'to kapag nag model, ganda ng katawan eh." Komento ni Alex sa isip habang nakatingin sa kaibigan.

Napansin ni Clovis na nakatingin si Alex. "Gising ka na pala, magandang umaga." Bati nito.

"Ugh! Walang maganda sa umaga. Fuck! Sobrang sama ng hangover ko. Hindi na talaga ako iinom kahit kailan, promise!"
Sumpa ni Alex, 'yan naman ang lagi niyang pinapangako matapos uminom pero sa susunod na araw iinom nanaman 'yan.

Sabi nga kasi nila, promises are meant to be broken.

Mahinang napatawa si Clovis sa kalagayan ni Alex. "Inaasahan ko na ang bagay na iyan, kaya't ipinaghanda ko kayo ng tsaa para sa sakit ng ulo." Nagtungo siya sa kusina, pagbalik niya may dala na siyang tasa ng tsaa. "Inumin mo ito upang mawala ang sakit ng iyong ulo." Saad pa nito.

Mabilis pa sa alas-kwatro na ininum ni Alex ang tsaa para mawala ang sakit sa ulo. Hindi naman niya ito pinagsisihan, dahil kung gaano niya kabilis na ininom ang tsaa ganon din kabilis nawala ang hangover niya.

"Wow ah! Ang effective naman n'on masyado, nawala agad sakit ng ulo ko." Namamanghang saad ni Alex. "Kung matagal ko lang nalaman na may ganon pala dito, edi sana araw-araw na akong umiinom. Anong laman ng tsaa na 'yon?"

"Naglagay lamang ako ng kaunting dahon ng Lator, epektibo ito na panlaban sa sakit ng ulo, hindi ko din kinalimutan na maglagay ng mga minatamisang bato upang tumamis ang lasa, ayon sa hilig mo. Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman, anyway maliligo muna ako ta's magluluto ng agahan, paki gising nalang ang dalawang senglot na 'yan, baka mamaya ma-late pa tayo sa klase. Ayoko pa naman pumasok sa silid parusa at mas lalong ayaw kong mabulyawan."
Utos ni Alex, na tinanguhan lang ni Clovis.

Pumasok na si Alex sa sariling kwarto niya, since may sarili na siyang banyo d'on, hindi na siya nag-abala na lumabas pa at doon maligo. Bago makapasok sa banyo niya, nadaanan ng kanyang mata ang itim na itlog, si Lexaust.

Napangiti siya. "Hey Lexaust, musta ka naman diyan sa lungga mo? Parang wala ka nang balak lumabas ah. Magparamdam ka namang dragon ka, para kasama na kita sa mga gala ko. Pasalamat ka mahaba pa ang panahon ko dito, makakapaghintay pa'ko ng konti, pero mababa ang pasensya ko kaya lumabas ka na bago ko pa basagin 'yang tinutulugan mo. Pag labas mo, gusto ko makita agad na lumilipad ka." Tapos hinalikan niya ang itlog sabay pumasok na sa banyo.

Hindi na napansin ni Alex ang maliit na paggalaw ng itlog.

Pagkatapos maligo ni Alex, lumabas na siya ng kwarto niya para lang madatnan ang dalawang lasing na hanggang ngayon natutulog parin at nandoon parin sa pwesto na iniwan niya. Si Clovis naman prenteng nakaupo sa salas, nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng tsaa, akala mo hari.

Kumibot ang kilay ni Alex si inis. Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo sa eksenang nakikita?

"CLOVIS!!!" Napatalon ang binata pagdinig palang ng boses ni Alex. "Punyemas ka, diba sabi ko gisingin mo na ang dalawang 'yan? Ba't nagbabasa ka lang ng dyaryo diyan na parang tanga?! Gusto mo bang ma-late tayong lahat?!"

Napalunok si Clovis nang makita kung paano magsalubong ang kilay ni Alex. "P-pasensya na Alex ngunit kahit anong pilit ko'y hindi sila magising-gising." Pagdadahilan pa nito.

Napa buntong hininga nalang si Alex. Na-iimagine na niya kung paano ginising ni Clovis ang dalawa, siguradong tinawag lang nito ang pangalan ni Siegmund at Guillastes ng ilang beses pagkatapos ay sumuko na. Baka nga bulong lang ang pagtawag nito sa pangalan nila.

Kumuha si Alex ng malaking container at pinuno ito ng madaming malamig na tubig, sabay binuhos sa dalawang walang hiya na ayaw gumising.

"ARRRGHH!" Sabay na sigaw ni Guillastes at Siegmund.

Napanganga nalang si Alex at Clovis nang biglang mag-iba ang anyo ni Siegmund. Naging isa itong malaking liyon na may puting malalaking pakpak. Ang katawan ay puti at ang mane ay puti. May matutulis na pangil at kuko. Sa laki ng nilalang sa harap nila, isang wagayway lang ng buntot nito eh lilipad sila.

"ROAR!!!" Ungol na malaking halimaw, sigaw palang nito ay nagpayanig na sa kwarto nila.

"What in the deepest hell is that?!" Sigaw ni Alex.

Nakatingala kung tignan nila si Siegmund na nagbago ang anyo, lalo na si Alex, ngayon lang siya nakakita ng ganito.

"Sinong nagbuhos no'n?!" Galit na tanong ng liyon. "Grrr!"

Hindi nakasagot si Alex, normally kapag may nagtanong ng mga ganoong bagay agad siyang sisigaw at sasabihin na siya ang gumawa, maghahamon pa siya ng away. But this time, natameme siya.

Hindi dahil takot siya sa nakikita niya ngayon.

"Oh my God!" Sigaw ni Alex sabay tumakbo papalapit kay Siegmund at inikutan ito. "So cool! So damn cool, wait lang pipicturan kita, 'wag kang aalis diyan!" Tumakbo si Alex sa kwarto niya sabay kinuha ang cellphone at pinag kukuhaan ng litrato si Siegmund.

Hindi nakagalaw agad ang tatlo dahil sa kakaibang kinikilos ni Alex, sa isip-isip nila, may problema ba sa utak ang isang 'to?

"Woah! Lion with wings, awesome! You're so awesome Siegmund, I love you na!!!" Saad ni Alex habang kumikinang ang mata na nakatingin sa kakaibang nilalang, akala mo fans na nakita ang paburito niyang artista. "Pwede na'kong mamatay!!!"

Panay ang ikot ni Alex kay Siegmund na parang tanga, ang ngisi hindi matanggal-tanggal.

Biglang bumalik sa dating anyo si Siegmund na nagpalungkot kay Alex. "Hoy! Ba't ka bumalik sa normal, gusto ko pa makita 'yung lion form mo!!!" Reklamo niya na parang bata.

"Bakit ko naman gagawin ang nais mo?" Pagmamataray ni Siegmund. "Sino ang nagbato ng tubig sa akin kanina?!"

Agad na bumalik sa normal si Alex, pero ang dalawa ay nanatiling nakanganga. Ngayon na hindi na lion si Siegmund, nawala na ang pagka mangha nila dito. "Ako, bakit?! May angal ka? Papalag ka na ba sa'kin, baka nakakalimutan mo, mas malakas ako sa'yo!"

"Alexander!!!"
Nang-gagalaiting sigaw ni Siegmund. "Kung ganoon, magtuos tayong muli!"

"Tingin mo ba uubra ka? 'Wag ka nang umasa, matatalo ka lang ulit. Anyway, kanina pa kayo ginigising ayaw niyo bumangon, anong oras na, mala-late na tayo sa klase!"
Bulyaw ni Alex na parang wala lang. "At ligpitin mo 'yang mga sinanggi mong gamit ha!"

Si Guillastes at Clovis ay nagtataka at naguguluhan na tinitigan si Siegmund, pareho silang gulat na gulat.

"S-sandali Senyor Siegmund, hindi ba't isa kang Baltazaar? Paano ka nakapag palit ng anyo? Ang katangian na iyan ay matatagpuan lamang sa mga Metrade. Kung tama ang aking ala-ala, ang pamilya ng Baltazaar ay mga Haren. Paano kang nakapagpalit ng anyo?" Nagtatakang tanong ni Guillastes.

"Isa kang Metrade ngunit nagawa mong magamit ang kapangyarihan ng lupa. Kung hindi ako niloloko ng aking paningin, alam kong ginamit mo ito sa laban niyo ni Alex noon. Paano kang nakapag palit ng anyo? Ano ang ibig sabihin nito Senyor Siegmund?" Seryosong tanong pa ni Clovis.

Palipat-lipat ang tingin ni Siegmund sa kanilang tatlo at mukhang pinag-iisipan kung magsasalita ba siya o hindi. Halatang natutuliro ito at hindi malaman ang gagawin.

"I-isa talaga akong Metrade, hindi ako tunay na Baltazaar. Hindi rin totoo na gumamit ako ng kapangyarihan ng lupa, isa lamang ilusyon ang inyong namataan." Paliwanag ni Siegmund habang nakayuko.

Paikot-ikot ang tingin ni Alex sa mga kasamahan niya, wala siyang maintindihan na kahit isa sa mga pinagsasasabi nila. Ngayon pinagsisisihan niya ang hindi pakikinig sa mga sinasabi ni Leroy sa kanya noon.

"Ilusyon?" Tanong ni Guillastes.

"Bumili ang aking ama't ina ng bato ng ilusyon upang magamit ko ito sa oras ng pangangailangan."

"Kung ganoon-."
Bago pa maituloy ni Guillastes ang bagong katanungan tumalikod na si Alex at nagsalita.

"Hindi ko ma-gets kung bakit kayo gulat na gulat. Obvious naman na Metrade si Siegmund ah, hindi ba halata?" Nagtatakang tanong ni Alex.

"Hindi kita maintindihan Alex, walang bakas ng isang Metrade ang kaanyuan ni Senyor Siegmund." Hindi maintindihan na tanong ni Guillastes. Naguguluhan na tinignan din siya ni Clovis at Siegmund.

"Tama siya, paano mong natanto na isa akong Metrade?" Tanong naman din ni Siegmund.

"What are ya'll talking about? His eyes have always been cat like. Tsaka 'yang tenga niya na obviously, pang Metrade. I don't know kung bakit gulat na gulat kayo." Balewalang sagot ni Alex. "Unang kita ko palang sa'yo noon alam ko na, na isa kang Metrade. It never crossed my mind na isa kang Haren, I mean, wala namang Harenian na may tengang parang pusa ano, so far I haven't seen one."

"P-paano mo nakikita ang aking tunay na kaanyuan?"

"Anong paano? It's been there. Tsaka na natin pag-usapan 'yan magsiligo na kayong dalawa sa dorm niyo at bumalik nalang kayo dito para makakain na tayo ng agahan, nagugutom na'ko. Siguraduhin niyong dito kayo didiretso pagtapos maligo ah! Magluluto ako, ikaw din Siegmund dito ka pumunta. Ok?"
Balewalang saad ni Alex, sabay pumunta na sa kusina para magsimulang magluto. "By the way since wala ka namang ginagawa at tapos ka nang maligo, ikaw nalang maglinis dito." Dagdag pa niyang utos kay Clovis, sabay talikod na nito. Ang tatlo naman patuloy na nagtititigan.

"Ikaw ay aking dinaya Alexander, huwad din ang aking impormasyon sa akedemyang ito. Maari mo itong ipaalam sa Punong Tagapamahala upang maparusahan ako at mapaalis sa akademya. Kahit na anong pilit ko na sabihing isa akong Baltazaar, isa lamang akong hamak na alipin." Malungkot ngunit may tigas na saad ni Siegmund na muling ikinalingon ni Alex.

"Anong pinagsasasabi mo? Wala akong pake sa mga ganyan, nakaraan na 'yan. Tropa na tayo diba? Nagkainuman na nga tayo kagabi eh, hindi na kailangan na pagtuunan ng pansin ang mga komplikadong bagay." Balewalang saad ni Alex. "Isa pa, I'm not good with those things."

"Alexander..."

"Ano naman ngayon kung alipin ka lang? Dati pa 'yon, past is past. Hindi parin maipagkakaila na isa ka nang aristokrato ngayon, hindi ka na alipin, isa ka nang ganap na Baltazaar. Sigurado naman na lumipas na ang walong taon nang kupkupin ka ng mga magulang mo, diba?"

"Oo."

"Kung ganon ano pang pinoproblema mo? Wala namang kumwekwestyon ng tunay mong pinanggalingan. Ang pagkakaalam ko, hindi naman krimen ang pag-aampon ng mga alipin. Ang problema lang, hindi mo naman kailangan na patunayan sa iba na Baltazaar ka na, wala naman silang magagawa eh."

"Pero hindi parin magbabago na dinaya kita noon."

"That's true, pero sa huli talo ka parin naman sa'kin eh. Sabi ko nga sa'yo diba, hindi ka uubra sa'kin. Whatever stupid petty tricks others use to me, I'll still win in the end. HAHA! I'm so awesome."
Umiral nanamang muli ang kayabangan ni Alex. "O'sya magsiligo na kayo, nagsasayang lang kayo ng oras diyan. Clovis ligpitin mo 'yung kalat kung ayaw mong masaktan." Tumalikod siyang muli at naglakad na papunta sa kusina.

"Salamat, Alex." Malambing na pasalamat ni Siegmund.

"No need for thanks, moron, hindi bagay sa'yo." Mahinang tugon niya habang sinisumulan na ang pagluluto.

"Isa pa, hindi lang naman ikaw ang may pekeng pagkatao dito sa school na'to, ako rin." Gusto mang idugtong ni Alex ang linyang iyon, hindi niya magawa, kaya binulong nalang niya ito sa kanyang puso.

Nagluto lang siya ng simpleng fried rice at itlog. Noong una pa nga ay naghahanap ng tinapay ang mga ungas, dahil iyon ang nakasanayan nilang kainin sa umaga, hindi kanin. Pero isang nanlilisik na tingin lang mula kay Alex ang nagpatahimik sa kanila.

Lumipas ang ilang araw sa akademya, ang apat ay laging magkasama. Hindi maikakaila na magkakaibigan na sila. Although madalas parin ang pagbabangayan ni Alex at Siegmund.

Hindi na ata talaga mawawala sa kanilang dalawa iyon.

Hindi din natigil ang tsismis sa buong akademya tungkol sa grupo nila. Pinaka nakakagulat daw ay ang pagiging magkaibigan ni Alex at Siegmund. Alam ng lahat na dating magkatunggali ang dalawa, at halos buong estudyante napanood ang pagtutuos ng dalawa.

Noon, makita lang nila ang anino ng isa't-isa ay halos magpatayan na ang dalawa.

Pero siyempre mawawala naman ba ang patuloy na pangungutya ng mga estudyante kay Clovis, ang aristokratong demonyo? Hindi.

Madalas na bulungan, lalo na ng mga babae na hindi ito nararapat na makipagkaibigan sa kanila. Na si Clovis ang nagpapababa ng reputasyon ng kanilang grupo. Na perfect na sana kung wala lang siya.

Minsan pa nga ay may kumakausap na mga babae kay Clovis, para lang sabihan siya na huwag nang didikit kina Alex, pero hindi na niya ito pinapansin.

Dumating pa nga sa punto na pinalibutan siya ng mga ito at sinubukang saktan. Kung hindi dahil dumating si Alex, baka duguan na si Clovis, dahil siguradong hindi ito lalaban.

Pinagbantaan ni Alex ang mga gumugulo kay Clovis, and of course, she made sure to give them a little beating. Kaya naman simula noon, wala nang naglalakas loob na lumapit kay Clovis.

Sumisikat ang kanilang grupo, lalo na sa mga babae, madalas na sila ang pinag-uusapan kapag may kumpol ng mga babaeng makikita. Magaganda ang komento nila, maliban lang kay Clovis.

Magkasabay na naglalakad si Clovis at Alex, nang may mga babaeng nagkukumpulan at nakatingin ng masama sa binatang demonyo.

"Do they bother you?" Biglang pag Iingles ni Alex, ayaw niya kasing maintindihan ng iba ang pinag-uusapan nila. After all mga matatalino lang at maharlika ang nakakaalam ng lingwaheng ito at mga taga Silangan.

Napatingin sa gawi ni Alex si Clovis at ngumiti. "They do not, I am used to it, this is not something new. Things like this always occur in my life. Truth to be told, it has settled down a little. Things used to be worst in the past. I am grateful that no one has dared to come near me because of you." Tukoy nila sa pangungutya ng mga nasa paligid. "I am fine Alex, I thank you for worrying. You being here beside me is enough to make me the happiest man in whole Aren. Just the thought of having friends is more than enough. I am contented, I do not mind dying today."

"Don't say that you don't mind dying today. Because I do! Not just me, but Siegmund and Gui probably feel the same. I don't want to lose friends, so don't let their stares and words affect you."
Saad ni Alex sabay tapik sa balikat ni Clovis. "Ang importante masaya tayong apat na magkakasama, diba? Kapag may nambulabog nanaman sa'yo, sabihin mo lang sa'kin, akong bahala sa kanila! At huwag mo na ulit sasabihin na ok lang na mamatay ka na ngayon, madami pa tayong gagawin na magkakasama."

"Hm."
Tumango si Clovis na may ngiti.

Dalawa lang silang naglalakad papunta sa sword fighting class nila since magkasama sila sa klase na 'yon. Masaya lang silang nagkwe-kwentuhan nang biglang may tumawag sa pansin ni Alex.

"Senyor Alexander." Malumanay na tawag ng pamilyar na boses. Natigilan si Alex at isang napaka lapad na ngiti ang humulma sa kanyang mukha. "Kamusta ka?" Dagdag pa ng bagong dating.

"Faust!" Maligayang tumakbo si Alex papalapit kay Leroy at parang bata na patalon niya itong niyakap ng pagka higpit-higpit. Kung hindi lang malakas ang Duke, malamang ay tumumba na sila sa sahig.

Gumanti naman ng mas mahigpit pang yakap ang Duke sabay hinalikan si Alex sa noo. Ilang araw din ang lumipas na hindi sila nagkita, bihira kasing bumisita si Leroy dahil sa dami nitong trabaho.

"Calm down." Saad ni Leroy na natatawa dahil sa reaksyon ni Alex.

"I missed you! Ang tagal nating hindi nagkita!"


Nakangiti na nagkamustahan ang dalawa, ni hindi bumibitaw si Alex kay Leroy, para tuloy siyang unggoy.

Mataman na tinitigan ni Clovis ang malapad na ngiti ni Alex habang nasa bisig ng Duke. Naliligayahan si Clovis sa tuwing nakikita niyang masaya at may ngiti na nakaguhit sa mukha ni Alex, hindi maipagkakaila na nakakahawa ang pagiging masayahin nito.

Ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi niya magawang sabayan ang ngiti ni Alex kapag nakikita niyang magkasama sila ng Panginoon Leroy.

Ito nanaman ang pakiram niya na tila ba inagawan siya ng paburitong laruan. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis, kung bakit hindi niya nagugustuhan ang nakikita, gayong masaya naman ang kanyang kaibigan.

Lumipas na ang mga taon na naapektuhan si Clovis sa mga pangungutya ng kapwa niya mga Areniano, sanay na siya doon. Ang mas nakakagulo ng damdamin niya ngayon ay sa tuwing nakikita niya si Alex na kasama si Leroy.

Dahil iba ang ngiti na ipinapakita nito sa tuwing magkasama sila, at mas lalong nasasktan siya dahil mukhang mas masaya si Alex sa piling ni Leroy.

Dumadating sa punto na parang gusto niyang patayin ang Duke.

©IF02

Chronicles of Aren:  The Lady KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon