Lady Knight 42

7.6K 356 142
                                    

AREN 42 - NIGROMANTE

Muling bumalik sa pagkwe-kwentuhan ang mga maharlika, ngayon palang pinag-uusapan na nila ang kani-kanilang opinyon, para sa magagandang stratehiya upang mapuksa ang lipon ng Emperatriz. Mas tumaas ang kumpyansa ng mga nandoon na mananalo sila laban sa kasalukuyang Imperyo.

Salamat sa presensya ni Ethan.

Hindi na nga makapaghintay ang bawat isa sa kanila na patayin ang mangkukulam na sumira sa kapayapaan at kalayaan ng bawat Areniano, si Ismeralda.

Isa-isang lumalapit ang mga maharlika sa Emperador, lahat sila gusto na kausapin ito at ibigay ang kanilang galang at katapatan sa binata. Bagkus batang-bata pa ito kumpara sa inaakala nila, nagustuhan ng karamihan ang pagsasalia nito ng walang paligoy-ligoy at ang kapangyarihan na ipinakita nito, although may mangilan-ngilan na hindi sang-ayon dahil sa edad ng binata at sa pinagmulan o kinalakihan nito.

Hindi langat sa kaalaman ng lahat na ang Emperador ay galing pa sa mundo ng mga tao. Naikwento na ni Ethan sa lahat kung paano siya nakapunta sa mundong ito at kung anong klaseng buhay ang meron siya noon. Lalong nabighani ang mga babae sa kanya dahil sa tindig ng binata at dulas sa pagsasalita.

Mataas ang confidence at tila walang kinakatakutan.

Hanggang ngayon hindi parin nakakalimutan ni Ethan kung paano humarap sa camera, kahit pa iritang-irita na siya sa maraming tanong ng mga reporters at press, lalo na pag nagugutom na siya. Hindi parin nabubura ang business smile niya kahit na anong mangyari.

Nang wala na masyadong lumalapit kay Ethan, kinuha ng tatlo na sila Leroy, Alibaba at Enrique ang tiyansa para lumapit dito. Sabay-sabay silang nagbigay galang sa Emperador na nakaupo sa mataas at magara nitong trono.

Nang madaplis ang mata ni Ethan kay Leroy biglang nanukot ang noo niya at napatayo, na naka-agaw naman ng atensyon ng lahat.

"Le-Leroy Faust ng pamilya Holtzman?!" Nanginginig na tanong ni Ethan sa Duke.

Napatingin si Ron sa tinititigan ni Ethan. "Ethan..." Pabulong na banta ni Ron sa kaibigan, habang mapanusok ang tingin niya dito. Siya kasi ang nagturo sa kaibigan kung paano umasta sa harap ng ibang maharlika. "Hinaan mo lang ang boses mo at huminahon ka, madaming aristokrato dito, ayusin mo 'yang sarili mo."

Huminga ng malalim si Ethan at tumingin sa paligid, sabay upo. Bumalik ang dating tindig nito at seryosong tinignan si Leroy. Nawala ang kaninang panginginig ng binata na akala mo hindi ito nangyayari ilang segundo pa lang ang lumilipas.

Ngumiti si Leroy, inaasahan na kasi ng Duke ang pangyayaring ito, kaya hindi na siya nagulat. "Ako nga Mahal na Emperador, isang karangalan na malaman niyo ang ngalan ng isang hamak na gaya ko. Hindi sapat ang mga salita upang iparating ang ligayang nadarama ko." Pormal na saad ni Leroy, mga salitang natutunan niya bata palang.

"Tumayo ka, Duke ng Silangan."
Utos ni Ethan, sabay napatingin sa gilid, nandoon din si Enrique at Alibaba. "Kung hindi ako nagkakamali ikaw ang Hari ng Disyerto, Alibaba ang iyong pangalan diba?"

"Magandang gabi Mahal na Emperador, ako nga si Alibaba ang Hari ng malawak na Disyerto, isang karangalan ang makita ka at makausap ka."
Pakilala ni Alibaba, na puno rin ng respeto sa sarili at kaharap.

"At ikaw ay...?"
Tanong ni Ethan kay Enrique.

Payak na lumuhod si Enrique. "Isang karangalan Mahal na Emperador, Ako naman si Enrique de Diabo, bastardo ng pamilya Holtzman." Diretsong pakilala ng pirata na nagpataas ng kilay ni Ethan at Ron.

Ganyan kung ipakilala ni Enrique ang sarli. Kahit na ilang beses sabihin ni Leroy na itigil niya ang ganitong pagpapakilala sa sarili ay ayaw tumigil ng ginoo. Kaya naman napapabuntong hininga nalang ang Duke sa tuwing naririnig niya ang mga katagang iyan sa kapatid. Nakakalungkot isipin na dahil sa kapalpakan ng mga magulang nila, nagkanito ang ugali ng ginoo.

"Enrique de Diabo? Ang pirata?"
Tanong ni Ethan.

"Tama, Mahal na emperador."
Ngiti ni Enrique, ang mata hindi maganda pero hindi naapektuhan si Ethan na ikinagulat ng Pirata.

"Kinagagalak ko ang makilala rin kayong dalawa, paumanhin at hindi ko kayo makakausap. Nais kong kausapin ng masinsinan ang Duke ng Silangan."
Magalang na saad ni Ethan. "Panginoong Leroy, nawa'y huwag mong masamain, maari ka bang sumama sa akin?" Malalim na saad niya.

Ilang buwan ding pinag-aralan ni Ethan ang magsalita ng malalim at magalang. Salamat nalang talaga at nandyan si Ron para turuan siya, at talaga namang dinikdik nito sa utak ni Ethan ang lahat ng dapat na malaman niya sa mundong ito.

Pasilip na tumingin si Alibaba at Enrique sa Duke na binatuhan lang sila ng ngiti. Doon palang sa maliit na ngiti na iyon naintindihan na nila, na alam na ng Duke na mangyayari ito. Kaya naman walang pag-aatubili na umalis ang dalawa. "Naiintindihan namin Mahal na Emperador."

Nagmamadali na tumayo si Ethan at nagmamadaling naglakad palabas sa piging. "Sumunod ka sa'kin." Utos niya kay Leroy.

Pumasok sila sa loob ng palasyo, hanggang sa makarating sila sa pinaka liblib na parte nito, na mangilan-ngilan lang ang ilaw at wala nang mga dumadaan.

Nang wala nang masyadong tao sa paligid nila nagsalita si Ron, na hindi kilala ni Leroy. "Ipagpatawad mo Panginoong Leroy, kailangan nating mag-usap sa mas tahimik at seguridad na lugar, hindi maaring marinig ng iba ang usapang ito. Alam kong hindi maganda ang ugaling ipinakita ng Emperador, ngunit sana'y maintindihan mo na ngayon lamang siya nakatungtong sa mundong ito." Paliwanag ni Ron sa Duke.

Napangiti lang ang Duke, sa kaunting salita na iyon naintindihan niya na ang lalaking ito'y nanggaling din sa mundo ng mga tao, at may talino na tingin niya'y makakatulong sa pagpuksa sa Emperatriz.

Maya-maya pa'y may tumawag kay Ethan. "Mahal na Emperador!" Isang kindred ang humahabol sa kanila. "Mahal na Emperador, bakit ninyo biglaang nilisan ang inyong trono? May problema ba? May mga aristokrato bang gumawa ng hindi maganda? Sabihin niyo't aking kikitilin ang lapastangan." Walang iba kundi si Lanchlan.

Biglang pumasok si Ethan sa isang silid. "Pasensya na Lanchlan, tsaka ko nalang ipapaliwanag sa'yo." Saad ni Ethan na hindi manlang nag-aabalang tumingin sa alagad. "Kailangan mong magtayo ng barrier sa loob ng silid na'to. Kailangan naming mag-usap ni Panginoong Leroy sa kwartong 'to, ngayon na." Utos pa nito.

Nang makita ni Lanchlan ang seryosong mata ng Emperador, agad siyang lumuhod sa harap nito. "Masusunod aking Emperador!"

Sumunod si Leroy at Ron sa loob, samantalang naiwan si Lanchlan sa labas at nagtayo ng hadlang para walang kahit sino na makarinig sa pag-uusap nila.

Pagkasara na pagkasara ng pintuan mabilis na tinulak ni Ethan sa ding-ding si Leroy, ang kamay nito mahigpit ang grip sa dalawang braso ng Duke at ang asul nitong mga mata animo'y nag-aapoy. "Where is she!?" Tanong agad ni Ethan.

Hindi agad nakasagot si Leroy dahil sa gulat sa ginawa ng Emperador, hindi niya inaasahan ang ganitong akto dito.

Biglang niratrat ng tanong ni Ethan si Leroy. "Nas'an si Lex? Nasaan ang kapatid ko? Kasama mo ba siya dito? Ok lang ba siya? Kumakain ba siya ng tama? May nang-aaway ba sa kanya? Ka---!" Naputol ang sinasabi ni Ethan nang pwersahan siyang hilain ni Ron, na tingin ng Duke matalik nitong kaibigan.

"Easy bro! Chill ka lang muna, pwede? Bigla ka nalang nanununggab diyan." Pagpapahinahon na saad ng isa. "Pasensya na Panginoong Leroy, you must be shocked." Pasensya ng binata.

Bumitaw si Ethan. "Sorry, I couldn't held it in." Huminga ng malalim si Ethan.

Tumayo ng maayos si Leroy at ngumiti. "Huwag niyong isipin iyon, naiintindihan ko kung bakit ganyan nalang kung mag-aalala ang Emperador, lalo na't kung kapatid niya ang hinahanap niya. Batid kong ikaw ang nakakatandang kapatid ni Alexandra, tama? Huwag kayong mabahala, hindi ko man siya kasama sa ngayon, ngunit sinisigurado ko na nasa mabuti siyang kalagayan."

Nagkatinginan si Ethan at Ron, parehong nakahinga ng maluwag. Para silang nabunutan ng tinik nang sabihin ni Leroy yun.

"Where is she? Where's my sister?"
Mahinahon na tanong ni Ethan.

"Sa ngayon ay nasa pangangalaga siya ng Akademya ng isa sa aking mga kaibigan. Huwag kayong mabahala, hindi makakapasok ang Emperatriz sa lugar kung nasaan siya ngayon. Hindi ko na siya sinama dito dahil delikado."
Paliwanag ni Leroy. "Ligtas si Alexandra."

Sa huling salita na sinabi ni Leroy bigla nalang nanghina ang tuhod ni Ethan at napaupo siya sa sahig. Tahimik na tinakpan niya ang mukha at ngumiti.

"Ethan?"
Nag-aalalang napatingin si Ron sa kaibigan.

"Thank God, thank God! Buhay ang kapatid ko. Salamat, maraming salamat!"
Maya-maya napansin nila ang payak na luha sa mukha nito na kahit anong gawin niyang takip nakikita nila. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa kanya. Thank you!" Saad pa nito habang humihikbi.

Lumuhod si Ron sa tabi ni Ethan at hinagod ang likod nito, maging siya'y naiiyak narin. "Stop crying, idiot."

"You're crying too, moron."

"Shut up!"


Ngumiti si Leroy habang pinapanood ang dalawa, it seems sobra ang pag-aalala ng dalawa sa dalaga. Obvious ba? Nagawa nga nilang pumunta sa mundong hindi nila alam kung totoo bang nag-eexist mahanap lang siya. Alam ni Leroy 'yan, ganyan din ang naramdaman niya nang mabalitaan niya na may nangyaring hindi maganda kay Enrique. Mukha ng isang kapatid na alalang-alala sa nakababata nitong kapatid na walang ginawa kundi ang gumawa ng kalokohan.

Maya-maya pinunasan na ni Ethan ang luha sa mukha at tumingala kay Leroy. "Mangkwento ka naman, kwento mo sa'kin ang buhay ni Lex dito." Kalmadong tanong ni Ethan.

Ginaya ni Leroy ang upo ng dalawa, naupo siya sa harap nito at sinimulan nang ikwento ni Leroy ang una nilang pagkikita ni Alex.

"I saw a woman wearing almost nothing in the woods, her eyes were the color of lavender that immediately mesmerized me..."

Chronicles of Aren:  The Lady KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon