Lady Knight 19

8.2K 344 23
                                    

AREN 19 – MAKULIT NA BINATA

"Isang napaka gandang umaga sa iyo Senyor Alexander. Ipagpaumanhin mo ang biglaang pagtawag ko sa iyo dito sa aking opisina, batid kong abala ka sa iyong pag-aaral." Bati kay Alex ng Punong Tagapamahala ng akademya.

Gaya nga ng sabi ni Leroy kahapon, ipinatawag nga siya nito.

Papasok palang sila ni Clovis sa klase nang makasalubong nila ang Gobernador na si Conrad, may dalang mensahe mula sa puno.

Pinapapunta siya nito sa opisina ng mataas na guro dahil may itatanong daw na importante. Tinanong pa nga ni Conrad kung may ginawa nanaman ba siyang kalokohan, pero sa dami ng ginawa niya hindi niya maisip kung alin doon ang nabisto, o baka lahat?

Kinabahan pa nga si Alex n'ong una, akala kasi niya alam na ng punong tagapamahala na isa siyang tao. Good thing, naalala niya agad ang sinabi ni Leroy, na ipapatawag nga siya nito. Salamat d'on at nakahinga siya ng maluwag at tumigil ang kabog ng dibdib niya.

One of the perks is, hindi na kailangan ni Alex na pumasok sa ibang klase dahil sa pag-uusapan nila. Ilang beses pa nga siyang naligaw, hindi kasi siya hinatid ni Conrad at hanggang ngayon hindi niya parin memorize ang mapa ng akademya.

"Huwag kayong mabahala, handa akong ialay ang aking oras kung may nais kayong itanong. Maliit na bagay lamang ito, Punong Tagapamahal." Magalang na tugon ni Alex, at siyempre ginaya niya ang malalim na pananagalog ng mga taga-Aren, gaya ng utos ni Leroy.

May katandaan na ang kaharap ni Alex, mahaba ang puting balbas nito, parang si Gandalf. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapangiti, gusto nga niyang tumawa at kuhaan ito ng litrato, feeling niya nasa harap niya si Dumbledore.

"Maupo ka muna Senyor." Utos ng maestro.

Ginawa ni Alex ang sinabi ng punong-guro at eleganteng naupo. Kailangan niyang gamitin ang acting skills niya ngayon, isa siyang maharlika, dapat na umarte siya bilang isa

Kapag pumalpak siya ngayon, siguradong bubulyawan siya ni Leroy. Lakas pa naman ng boses n'on. Baka mamaya pagbawalan pa siyang kumain ng minatamisang bato. One more thing, malaking risk kapag hindi siya umarte ng maayos, baka mabisto siya ng wala sa oras.

"Nabalitaan ko ang dwelo na naganap sa pagitan ninyo ni Senyor Siegmund ng pamilya Baltazaar. Una sa lahat, nais kitang batiin sa iyong mahusay na pagwawagi."

"Maraming salamat Punong Tagapamahala, isang mahirap na katunggali si Senyor Siegmund."

"Tama ka, kahit na kailangan pa ng munting pagdi-disiplina sa kakaibang pag-uugali nito."

"Isang malaking karangalan sa akin ang makatunggali ang Senyor, sadyang sinuwerte lamang ako ng mga panahon na iyon."

"Nako! Itigil mo ang pagiging mababang-loob, batid ng buong akademya na nagwagi ka dahil sa iyong kahusayan sa pakikipaglaban. Tingin ko'y isa ka sa mga sampung mahuhusay na estudyante sa buong akademya."

"Punong Tagapamahala, masyado kayong mapagbiro. Ang gaya ko na isang hamak na ampon lamang ng pamilya Holtzman ay hindi kayang pantayan ang tunay na kagitingan ng mga estudyante ng akademyang ito, marami pa akong bigas na kakainin."

"Hindi basehan ang pinanggalingan pagdating sa pakikipaglaban, Senyor Alexander. Lubhang ikinalulungkot ko nang hindi ako makadalo sa iyong dwelo. Tiyak naman akong darating ang araw na muli kang makikipagtuos sa isa sa ating estudyante."

"Tinitiyak ko sa inyo Punong Tahamapahala, nalalapit na ang susunod kong dwelo."
Matamis na ngumiti si Alex, hindi man halata pero peke ito. "Nawa'y huwag ninyong masamain, maari bang malaman kung bakit ninyo ako pinatawag dito? Batid kong hindi ito para lamang bigyang bunyi ang aking pagwawagi sa dwelo. Mayroon ba akong mali na naikilos?" Maang-maangan na tanong ni Alex at pinilit ang sarili na gumamit ng malalalim na tagalog.

May naitutulong din naman pala ang minsan na pagpilit sa kanya ni Ethan noon na sumama sa acting school. Oo, sumasama siya minsan kay Ethan, pero ang ginagawa lang niya ay tawanan ang mga umaarte. Sinasabi sa isip niya na mukha silang tanga or mas magaling pa siyang umarte kesa sa kanila.

"Hindi Senyor, wala kayong nagawang mali. Nais ko lamang bigyang bunyi ang iyong pagkapanalo sa dwelo at magtanong ng bagay-bagay."

"Ganoon ba? Ano ang bagay na nais mong matugunan, Punong Tagapamahala?"

"Nais kong matanto kung papaano mo nagawang maglabas ng kapangyarihan, na ang makakagamit lamang ay ang Pinuno ng mga Elf?"

"Tungkol diyan, hindi ko batid, bigla na lamang lumabas ang kapangyarihan na iyon, hindi ko alam kung saan ito nagmula. Akala ko'y isa sa mga guro ang prumotekta sa akin, wala akong kakayahan na gumamit ng kapangyarihan, Punong Tagapamahala. Hindi din ako isang Magus."


Iyan ang rason na sinabi ni Leroy sa kaniya, in case na tanungin nga siya. Kung hindi siya binalaan ni Leroy tungkol dito, malamang sinabi na niya ang totoo. Although iniisip niya kung anong gagawin nila 'pag nalaman na galing sa kwintas ang kapangyarihan, minabuti nalang niya na 'wag isipin.

It smells bad news.

"T-totoo ba ang iyong winiwika, Senyor Alexander? Hindi ba talaga ikaw ang naglabas ng kapangyarihan na iyon?"

"Walang bahid ng kasinungalinga, Punong Tagapamahala. Mayroon bang problema? Kahit ako ay nais malaman kung saan nagmula ang kakaibang kapangyarihan na iyon. Lubha akong nagtataka kung kanino o saan ito nagmula."

"Wala Senyor, maraming salamat sa pag tugon sa aking tawag at tanong. Iniimbistegahan na ng akademya kung saan ito nagmula, kapag nakakalap kami ng impormasyon ay titiyakin kong bilinan ka Senyor."
Sinabi man ito ng punong tagapamahala pero alam ni Alex na hindi naman nito sasabihin.

"Hinihiling ko na matuklasan agad ang misteryong ito."

"Gayon din ako. Maari ka nang umalis, patawad sa pagkuha ng iyong oras at maraming salamat."

"Walang anuman, paumanhin at hindi ko alam kung saan nagmula ang kakaibang kapangyarihan na iyon."

"Walang problema, Senyor."


Tumayo silang dalawa, kapwa nagbigay galang at nagkamayan. Nakahinga na si Alex ng maluwag. Nagpapasalamat na hindi na niya kailangan um-acting. Pero kakabukas palang ng pinto nang muling magsalita ang Punong Tagapamahala.

"Senyor Alexander, kapag muling lumabas ang kapangyarihan o kahit ano mang konektado dito, nawa'y ipaalam mo agad sa akin, at sa akin lamang." Bilin ng matanda.

"Walang problema, mayroon pa ba kayong nais na ibilin?"

"Wala na, salamat at muli paumanhin."

Nag bow na si Alex at tuluyan nang umalis sa opisina ng headmaster. Pagkasara na pagkasara ng pintuan, biglang may lumitaw na mga hindi kilalang nilalang sa likod ng Punong Tagapamahala.

"May nahanap ba kayo sa kanyang silid?" Naging seryoso ang mukha ng Punong Tagapamahala, na kanina lamang ay parang maamong matanda.

"Wala kaming nakita kakaiba sa kanyang silid." Sagot ng isa sa mga bagong dating na lalaki.

"Tch! Obserbahan niyo ang ginoo sa isang linggo, kung wala parin ay maari niyo nang itigil ang operasyon, ngunit kahit kaunting ebidensya lamang na sa kanya nagmula ang kapangyarihan ay agad niyong ipagbigay alam sa akin."

"Masusunod."
Sabay biglang nawala ang mga ito na parang hangin.

Nang makalayo na sa opisina si Alex, at saka lang siya nakahinga ng maluwag. Grabe! Nahirapan talaga siyang umarte ng ganoong katagal. Pinagpatong-patong na kasinungalingan lang naman ang binulas niya ngayong araw, baka mabulok na ang bunganga niya.

Dinukot niya ang cellphone sa bulsa para makita ang oras, maaga pa, hindi pa tapos ang unang klase nila. Lagi niyang dala ang telepono niya, hindi niya kasi matuklasan ang oras base sa taas ng araw, gaya ng ginagawa ng iba, tsaka nakakapag games siya pag bored at mag isa siya.

Pumunta si Alex sa labas para magpahangin, sumilong sa malaking puno at doon preskong nahiga. Laging maganda ang panahon sa Aren, nagtataka nga siya kung bumabagyo ba dito.

Tinatamad siyang pumasok kaya naisipan nalang niya ang tumambay. Makakatulog na sana siya nang biglang may nagsalita mula sa tabi niya.

"Hindi ka papasok?"


Medyo may pagka pamilyar ang boses, narinig na niya ito kung saan. Tinatamad na nilingon ni Alex ang boses. Bumungad sa kaniya ang masiglang asul na mata ng isang binatang Elf. Ang buhok nito ay parang gintong mga hibla.

Kung tama ang memorya niya, siya yung lalaking nakasabay niyang maligo sa paliguan. Muntik pa nga siyang himatayin sa nerbyos n'on.

"Ikaw yung nakasabay ko maligo sa open pool diba?" Pangungumpirma ni Alex.

"Natutuwa ako at naaalala mo pa ako." Malambing na nginitian siya ng elf, ang mata kumikislap.

"Ikaw si... si..." Pinilit niyang alalahanin ang pangalan. "Thomas!" Hula niya. Napatawa nalang ang binata, ang puti nitong ngipin lumalabas.

"Guillastes Rei." Medyo napahiya siya d'on. Ang layo ng pangalan na naisip niya sa tunay. Grabe may pagka shunga lang?

"Ah, oo tama Guillermo."

"Guillastes."

"Ay ewan, haba ng pangalan mo Gui nalang."
Napangiti ang Elf sa asal niya. "Ikaw hindi ka din papasok? Nakakatamad eh no?"

"Haha. Oo, ngunit dahil wala akong magawa, naisipan ko na kumuha ng trabaho ngayon. Nais mong sumama Senyor Alexander?"

"Nako, tanggalin mo na yung Senyor, tsaka Alex nalang itawag mo sa'kin."

"Oh sige, Alex."

"Trabaho, you mean quest...? Hmmm. Bakit hindi? Hindi pa ako nakakakuha ng quest kaya hindi ko alam kung paano. P'no nga ba?"


Quest? Ngayon na naisip ni Alex, since tinatamad naman siyang pumasok bakit hindi siya kumuha ng quest? Although hindi pa niya nagagastos ang 1,000 Gold na napalanunan niya sa dwelo, maganda na 'yung maraming pera, mahirap na.

"Tutulungan kita, tara." Tumayo na si Guillastes at inabot ang kamay para itayo narin si Alex. Kinuha niya ito at parehas silang nag pagpag ng pantalon.

"S'an tayo pupunta?" Tanong ni Alex.

Hindi sumagot si Guillastes, tahimik na sinundan lang ito ni Alex patungo sa bulwagan ng akademya. Kaunti lang ang estudyante sa ganitong oras na kumakain, halos wala nga. Mas lalo tuloy napapansin ang pagiging malaki ng lugar.

"Nagugutom ka na?" Tanong ni Alex.

"Haha, hindi."

Patuloy lang ang paglalakad ni Guillastes, hanggang sa makarating sila sa pinaka gitna, kung saan may nakatayong dalawang malaking halige na may maraming mga papel na nakasabit.

Doon ang sandamakmak na mga quest na maari nilang kunin. Nababase pa nga sa level ang kahirapan ng mga ito.

"Bakit may C, D, E, F? Pero wala akong nakikita na A at B."

"Ang mga mahihirap na trabaho na A at B ay makikita lamang sa silid ng Punong Tagapamahala. Masyadong mahihirap ang mga trabaho na iyon at kadalasan na kailangan mong lumisan ng Gitnang Kontinente, kaya marapat na humingi ng pahintulot sa Punong Tagapamahala."

"Ah... So anong kukunin natin?"

"Kumuha lang muna tayo ng F, umpisa palang natin ito."

"Bakit naman F, 'yan ang pinaka madali eh taasan mo naman ng konti, mga C ganon."

"Hindi pa tayo maaring makakuha ng C na trabaho."

"Bakit hindi?"

"Hindi ka ba nakinig sa paliwanag ng maestro noong unang araw?"

"Nakatulog ako eh."
Simpleng pagdadahilan niya, totoo naman. Mahinang napatawa si Guillastes at nakakalokong tinignan si Alex.

"Maganda iyan ginoo. Ganito kasi iyan, kapag nakakuha na tayo ng F at nagawa natin at saka lang tayo makakakuha ng E, 'pag nakagawa na tayo ng E maari na tayo kumuha ng D. Naintindihan mo?"

"Ah, ok! So wala tayong magagawa, kailangan parin nating dumaan sa level F quest."

"Tama. Sakto may nakuha na ako, ito."


Inabot ni Guillastes ang papel na pinunit sa bulletin board at binigay kay Alex. Nakasulat doon ang detalye ng quest. Level F, kailangan tumulong sa tindahan.

Napaka dali lang ng quest, parang ayaw niya tuloy kunin ito. Nakalagay pa doon na kailangan tatlo ang pupunta.

"Maghahanap pa tayo ng isasama natin." Wika sa sarili ni Guillastes. Napangiti si Alex, alam na niya ang magiging pangatlo.

"Meron na."

"Sino?"


Chronicles of Aren:  The Lady KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon