Chapter 52 - The Familiar Face

7.7K 475 138
                                    

Agad agad akong lumabas ng kotse ko pagkatapos kong basahin 'yung message ni Loreign

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Agad agad akong lumabas ng kotse ko pagkatapos kong basahin 'yung message ni Loreign. Well, kung gagabihin naman pala si Loreign edi kukulitin ko na lang si Ava dahil ayoko rin naman silang sundan para gumimik ngayon. Madali kong nakuha ang unit number ni Ava sa information section ng tower na ito at agad ko itong pinuntahan. It's on the 15th floor.

Madali kong narating ang unit ni Ava at dali-daling nagdoor bell, halos ilang minuto akong nakatayo sa labas at inulit ang pagdoor bell. Anong ginagawa ni Ava at bakit hindi sya lumalabas? Inip na inip na rin ako at hahawakan ko sana ang door knob kahit alam ko namang hindi ko iyon mabubuksan for security ay bigla na lang bumukas ito. Bumungad ang seryosong mukha ni Ava at pagkakita nya sa akin ay halos isarado nya ulit 'yon. What the hell lang. I grab the side of the door para pigilan ito sa pagsarado at nagawa ko naman iyon.

"What? Bakit nandirito ka pa?" pataray na tanong ni Ava.

"Eh di mo man lang ba ako papapasukin?" pagsimangot ko rito at tinignan nya lang ako nang ilang segundo na para bang nag-iisip.

"Don't you do anything unnecessary here, Vienne. " pagbabanta nito na sinang-ayunan ko naman nang nakangiti.

Sabay kaming pumunta sa sala ni Ava at nakita kong nakabukas ang malaking TV nya. Ava is wearing a simple cloth na pambahay pero kung titignan mo ito ay halos kala mo rarampa kahit ganuon lang kamsiple ang suot nya. Kahit anong damit ata bagay sa kanya.

"Is this what you're telling us na importanteng gagawin mo?" tanong ko rito na nangungutya.

"So?" mataray na sagot nito sa akin. Agad akong napangiti sa inaasta nya. Para syang naiinis nanaman, naalala ko tuloy yung nangyari sa bahay nila tita Karmina. Gosh, I wish lang na hindi namumula yung mukha ko ngayon. Pwede kayang maulit 'yon? I bit my lips sa excitement na nararamdaman ko at pagiilusyon ko.

"Will you stop that?" pagputol ni Ava sa iniisip ko.

"Stop what? Wala naman akong iniisip ha," pagdepensa ko.

"Really huh? You're still that pervert," saad nito na nakatingin na muli sa Tv.

Ayan nanaman sya, sinabihan nya nanaman akong pervert pero ayoko nang patulan yung sinabi nya at pinilit ko na lang rin na magfocus sa kung ano man ang pinapanuod nya.

Ilang minuto na kaming nanunuod pero wala pa rin akong maintindihan ni isa at imbes na mainis lang ako sa pinanunuod namin ay iinisin ko na lang muli si Ava.

"Ava," tawag ko rito habang nakasandal ako sa upuan at nakatingin sa kanya.

She didn't even respond at mukhang tutok na tutok sa pinanunuod nito. Nanunuod ba talaga ito o ayaw nya lang ako pansinin?

"Hey. Ava... earth to Avaaaa!" muling tawag ko sabay wagayway ng kamay ko sa harap ng mukha nya.

"Ano ba?" inis na tingin nito sa akin. Finally, the universe must be proud of me.

What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)Where stories live. Discover now