Chapter 32 - Beach Time

6.8K 415 38
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Nandirito ako ngayon sa bahay nila Yana. Yana is busy packing her things like she's going to transfer on another planet. Yana's place is huge like everyone else, matagal na ako dito na pabalik-balik at sanay na sanay na ako rito kahit libutin ko pa ito nang nakapıkit.

"Best, ano ba ang tagal mo naman, may flight pa tayo!" iritado kong sabi kay Yana.

"Sandali na lang talaga promise, hindi kasi ako makapagdecide kung ano yung dadalhin kong bikini eh, what do you think, Best? Yung pink ba or yung maroon?" tanong nitong si Yana na nakahawak pa sa kanyang baba at nag-iisip.

"Kahit ano na lang dyan, parehas lang naman yan," inis kong balik dito.

"Alam mo, Best. parang nagbabago ka na talaga. Dati Kapag mamimili tayo ng swimsuit kapag magbeach tayo, mas matagal ka pa ngang magdecide kaysa sa akin." Muling balik nito na may pagtataka.

She is actually right. Mula nuon pa may ay halos nagbago ng pati ang ugali ko, hindi ko na rin hinahanap ang mga bagay na dati nama'y hinahanap ko. Pagbabago nga ba ito o sadyang nasasanay na lamang ako?

"Yana naman, nuon yon! Alangan naman bikini dalhin ko, ano ako bading? Mag-isip ka nga, saka pakibilisan mo," muling sabi ko rito.

"Oo na eto na, highblood?" sabi ni Yana, she ends up bring both of it. The heck nag-aksaya lang talaga kami ng oras.

*

Anong oras na rin nang makalapag kami sa Palawan. This province looks very peaceful at marami kaming nakakasalubong na mga iba't ibang lahi rin na sa tingin ko ay nagbabakasyon rin sa magandang paraiso na ito.

"What took you so long guys?" tanong ni Dazzy sa amin ni Yana nang makarating kami sa lobby ng hotel na tinutuluyan namin.

"Better ask Yana," walang gana kong sabi.

Everyone is already here at kami na lang talaga ni Yana ang nahuli. Sa sobrang bagal ba naman nya ay napag-iwanan kami ng eroplano at kailangan ko pang kausapin yung kaibigan ni Dad para magkaspecial flight kami at tuwang-tuwa naman si Yana, feeling nya daw ay super VIP daw kami. We actually have shares sa company na 'yun pero mas lamang pa rin ang sa kaibigan ng dad ko dahil hindi naman ganitong klaseng field of business ang sa amin. We're just investing sa ganitong business.

It's almost lunch time that's why I decided to go to my hotel room to unpack my things and make it on time to eat. Nagutom ako sa byahe kahit na puro pagkain naman duon. Hindi rin naman ako tumataba kahit kumain ako ng marami, always fit ang katawan ko. May ganito siguro talagang genes gaya ng sa akin.

"Vienne, lunch time. Tara na sa baba." Katok ni Yana sabay pasok sa room ko.

"Yana naman! Mag-ingat ka. Baka may makarinig sayo!" balik ko rito sabay sarado ng pinto na tila ba tumingin pa sa magkabilang gilid.

What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)Where stories live. Discover now